@SchoolRooftop(PART20)

16 1 0
                                    

SHINNY'S POV


Alas-doses ng tanghali ng napagdesisyunan kong pumunta sa rooftop kung saan nakatayo ang malaking estatwa ng agila. Madalas akong narito dahil nakakaginhawa sa pakiramdam, tahimik, may sariwang hangin, malaya. Kapag may problema ako, tumatayo ako sa dulo ng rooftop at sumisigaw ng malakas, kasabay nito ay ang pagdampi ng hangin sa aking mga balat dahilan upang pakiramdam ko'y guminhawa.


''SHIINNY WAGGG!!''


''HUH?''


''ANO BA YANG GINAGAWA MO? MAHALIN MO NAMAN SARILI MO! ISIPIN MO YUNG MGA TAONG NAGMAMAHAL SAYO!''


''ANO?''


''ANO GANUN GANUN NALANG YUN? PLEASE SHINNY WAG KANG MAGPAPAKAMATAY''


''BALIW KA NA BA BRYLE? HINDI AKO MAGPAPAKAMATAY!''


''Huh? Anong ginagawa mo dyan?''


''Haaaays, nagpapahangin lang ako''


''Huh? Ugh! Akala ko naman iiwan mo na ko''


''Ano yun?''


''Wala! Bumaba ka na dyan!''


Inabot ni Bryle ang isang braso nya upang tulungan akong bumaba. Nang nakahawak na ko, nadulas ang isa kong paa, at nahulog mabuti na lamang ay nasalo ako si Bryle. Teka, ano bat bumibilis tibok ng puso ko. 

Naramdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko habang buhat ako ni Bryle sa mga braso niya. 


''Shinny? Okay ka lang? Nasaktan ka ba?''


''Huh? Hindi Hindi'' 


Dahan dahan akong ibinaba ni Bryle at naglakad na kami pabalik sa classroom. 

Habang naglalakad...


''Shinny?''


''Hmm?''


''Uhmmm.''


''Huh? Ano yun?''


''May gusto sana akong sabihin sayo''


''Ano yun?''


''Uhmmm. Maha---''


''SHINNY! Pinapatawag ka ni Sir sa Guidance Office'' 


''Bryle mamaya mo nalang sabihin yung sasabihin mo ah, baka importante to maiwan na kita''


''Huh? Ah Oh, sige ingat ka.''


''TSKK!! Arggghhh! Nakakainis!'' 


SHINNY'S POV END


''Sir?''


''Oh Shinny nandyan ka na pala, hmm. Gusto ko sanang dalhin mo tong mga plastic bottles sa basement malapit sa schoolground pwede ba?''


''Hmm, yes sir ^__^''


Binuhat ni Shinny ang iilang plastic bottles papuntang basement at nang bigla nyang maalala ang napanaginipan nya tungkol kay Kevin.


''Teka!'' napatigil sandali si Shinny sa kanyang paglalakad dahil naalala nya si Kevin. Natatakot sya na baka totoo iyon.


''Lakasan mo loob mo Shinny okay? Okay?!'' at nagpatuloy ito sa paglalakad.


Hindi mapigilang makapag-isip ng kung ano ano si Shinny dahil sa naranasan nyang bangungot. 

Sa hindi kalayuang lugar, nakita nya si Kevin na naglalakad papunta sa dereksyon kung nasaan ang basement. Sunod sunod ng naglabasan sa isip ni Shinny ang mga posibleng mangyari, ngunit inisip na lamang nyang isang panaginip lang iyon at nagpatuloy ito sa paglalakad.

Upang hindi mapansin ni Kevin si Shinny, nagmistulang espiya ito na nagtatago sa bawat poste na makita nito. 

Sa Hindi inaasahang pagkakataon, biglang tumunog ang cellphone ni Shinny dahil upang mapalingon si Kevin sa dereksyon ni Shinny. Nakapagtago si Shinny sa isang kumpol ng basurahan at nakita nyang naglalakad sa dereksyon nya si Kevin, dito na nagsimulang tumayo lahat ng balahibo nya sa katawan, nagsimula naring lumabas ang lahat ng takot nito. 

Ilang sandali palamang ay nakita nyang nakatayo si Kevin sa harapan ng basurahan kung saan sya nakatago, inilagay nya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at pumikit kasabay ng  pagkontrol sarili upang hindi maglabas ng kahit anong ingay.

Nang iminulat niya ang kanyang mata, napansin nyang wala na si Kevin tinignan niya ang kanyang paligid kung nandun pa ba si Kevin, pero wala. Lumabas ito at nagpunas ng pawis inayos ang sarili ng biglang!


''WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!''


Path for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon