Krystal's POV
Buti nalang talaga at sabado ngayon at walang pasok kaya hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalaking yun.
"DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG DING---"
"May balak kang rape-in yung doorbell namin?"
"Hindi ah.. ha..heheh..." Tawa ni Ash.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Pwedeng pasok muna kami?" Ang kapal talaga ng mukha ng abo na to. Pinapasok ko na sila at umupo sa couch. Nung nakaupo na sila, nagtanong ulit ako.
"Anong---"
"Punta tayo sa arcade." Aba't! Pinutol linya ko. Baliw to ah... pero arcade???
" Para saan? Pwede namang kayo lang ah." Tanong ko sa kanila.
"May nasagap kasi kaming balita."
"Balita? Anong balita? At anong koneksyon ko dun?" Nagtinginan sina Ash at Leif at nagnod. Seryoso mukha nila... May masama bang nangyari? Pero parang wala namang masamang nangyari... walang pake yung yelo eh.
"Nakita namin.....ang isang stuffed toy..." Iniinis ba ako ng dalawang to?
"So?"
"Si Hibird... nasa price box ng arcade."
"Teka? Pakiulit pwede? Parang mali ang narinig ko eh."
"Nasa price box si Hibird... at pinagaagawan na siya ng mga tao..."
"AANOOOO???? HALIKA NAAA!!!! PUNTA NA TAYO SA ARCADEEE!!!"
~TIME SKIP~
Pagdating namin sa counter, nakita ko na maraming teenager na katulad ko na gustong makuha si Hibird.
"Ate, ate, paano ko po ba makukuha si Hibird?" Pagtanong ko nun, biglang tumingin yung mga tao sa akin.
"Teka, sinong Hibird?"
"Ate naman eh, ayun oh, yung ibon na yellow."
"Hibird ba pangalan niya? Ahm... dapat matalo mo ang highest score ng Basketball, Race War at Headshot."
"Teka... bakit masyadong madami?" Tanong ng babae na gustong kumuha kay Hibird.
"Ahhh... kasi original po yung stuff toy, from Japan po siya tsaka may pirma po ni Akira Amano. Special din po kasi may Sound System po yung stuffed toy. Ang alam ko po, kanta po yun eh, Namimori yung title ng kanta sa sound system ng ibon."
"Akira-sama? Namimori anthem? Oh my gosh. Ate, hintayin niyo lang po at mapapanalunan ko yan." Pagkasabi ko nun, nagtaka yung mga kidnappers ni Hibird.
"Paano mo naman gagawin yan? Ako nga hirap na hirap eh, ikaw pa kaya?" Sabi ng lalaki na pangit.
"*smirk* Guys... pwede???? *puppy eyes*" Nagbuntong hininga yung tatlo.
"Ok..."
"Leif, pwede mo bang laruin yung Race War??? *puppy eyes*"
"Anong makukuha ko?"
"Tutulungan kitang makatakas sa mga fangirls mo~"
"Hmmm... ok." Pagkatapos niyang sabihin yun, naglaglag siya ng token at naglaro. Maraming tao ang nakapaligid sa amin. Sila yung mga kidnappers ni Hibird. Nang nagstart na, nakita ko kung paano magpaandar ng sasakyan si Leif, swabeng swabe. Kapag kailangan lumiko, hindi siya nababangga. Ang galing nga eh. Walang bangga, hindi siya nahuhuli, as a matter of fact, siya ang first place. Natapos ang laro na natalo niya ang higscore ng 1000 points na pagitan. Tumayo na siya at humarap sa akin.
"Oh, tapos na. Tulungan mo akong makatakas ha?"
"Waaahhh!!! Kaibigan talaga kita dahon. Okkk~~~." Pagkatapos kong sabihin yun, humarap naman ako kay Ice.
*stare~~~~~*
*stare~~~~~*
*stare---*"What?" Tanong ni Ice. Hihihi napansin niya na ako.
"Ice..... ano kasi.... pwedeng ikaw sa Head Shot?"
"What's my price?"
"Ahmmm... ipagluluto kita ng bento..."
"More."
"Ahmmm... bibigyan kita ng secret place sa loob ng school???"
"How?"
"Manghihingi ako kay Crimson."
"Hn." Pagkatapos niyang sabihin yun, pumunta siya sa Head Shot at kinuha ang baril. Marami ding nakapalibot sa amin. Nung nagstart, napatay niya agad lahat. Tapos sa next level, pinasabog niya yung kotse na nakaparada kasi yun ang cover place ng kalaban. Nang sumabog, maraming namatay kaya lumipat sa next level. Tuloy tuloy yun hanggang malapit nang matapos. Bawat kalaban, head shot tsaka isang kalaban, isang bala sa ulo. Wala siyang tama kaya mas lalo niyang natalo ang highscore. Natapos ang laban na may 1500 na pagitan ng highscore.
"Hahahha, Thank you talaga yelo."
"Hn." Tapos hinanap ko si abo. Nakita ko siya na nakikipaglandian sa isang kidnapper ni Hibird. Nilapitan ko siya at hinila palayo.
"Wag kang lalapit sa kidnapper ni Hibird, abo. Baka may mangyaring masama sayo."
"Oy. Grabe ka naman. Kidnapper agad?" Sabi ni ate payatot.
"Oo. Kidnapper agad. Halata naman eh. Ang payat payat mo, mukha kang adik na kidnapper." Tapos humarap na ako kay abo.
"Abo. Laruin mo yung basketball. Please?"
"Anong makukuha ko?"
"Tutulunga kita mangchicks. Yung mas maganda at mas sexy, hindi yung pangit at buto buto."
"Sige ba." Tapos ay naghulog siya ng token at kumuha ng bola. Nagshoot agad agad siya. Ang bilis nga eh. Kung baga. 1 segundo, 3 bola. Kaya natalo niya yung highscore ng walang kahirap hirap. Di manlang pinagpawisan. Ang pagitan ng highscore 2000. Wahahah pataas taas ng 500. Kaya agad kaming pumunta sa counter. Nakita namin si ate na hawak hawak na si Hibird at binigay sa akin.
"Wahhhh... Aboooo, nakuha ko si Hibird!!! Thank you talaga."
"Geh geh. Halika na, nagugutom na ako. Saan niyo gusto?"
"Pizza hut." Leif.
"Tokyo." Ice.
"Jollibee." Sabi ko. Tapos humarap silang lahat sa akin.
"Bakit?"
"Ano ka? Bata?" Sabi ni Abo.
"Pero... *teary eyes* gusto ko doon... *puppy eyes* please?"
"Hays... lagi mo nalang ginagamit yang aegyo mo. Halika na nga. Jollibee na tayo. " sabi ni Dahon at nanguna na papuntang jollibee.
"Yehey!!!"
BINABASA MO ANG
Mine
Teen FictionA story about an I-don't-give-a-shit possessive handsome successor and an I-don't-really-care-cause-I'm-pretty otaku nerd. Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Kasi si Crimson Park, hindi siya naniniwala. Pero bakit nangyari yun sa kanya??? ...