Chapter 19

92 3 2
                                    

Benedict’s POV

                Andito na ako sa bahay. Kaka-uwi ko lang. Inatake na naman ako ng bipo. Ewan ko ba, ang saya naman namin kanina, as in super saya, tapos bigla na lang pumasok sa isip ko na madali na akong mawala, kailangan ko nang lubusin ang lahat ng kasiyahan. Kaya naman, napa-isip ako, ayun! Sumobra sa pag-iisip, na bipo na naman. Nakaka-inis talaga ako.

                Hanggang ngayon, di pa rin natatanggal sa isipan ko ang naisip ko kanina. Maaaring mangyari nga yun, kailangan kong maging prepared.

                Maaga akong nag-prepare ng dinner ngayon kasi may gagawin akong importante, hindi naman siya school works pero importante. After kong kumain, nag-dala ako ng pagkain sa kwarto. Pinatong ko sa mesa malapit sa kama ko. At sinimulan ko na ang gagawin ko, kinuha ko na ang ballpen at papel. Sinimulan ko nang mag-sulat, gagawa ako ng letter para sa kanila. Medyo emotional ‘tong sinusulat ko, kaya’t ‘di ko mapigil ang pag-tulo ng luha ko. Sobrang antok ko na kaya napa-tulog ako nang hindi ko ito natatapos.

                Hating gabi nang ma-alimpungatan ako. Medyo nagising ako ng kaunti pero nag-timpla ako ng kape at kumuha ng pagkain para hindi ako antukin. Habang kumakain ako, tinatapos ko ‘tong letter para sa mga taong nagmamahal sakin. At sa wakas, natapos ko rin. Inayos ko na ang kama ko at mahimbing na natulog. Umaga na nang nagising ako, heavy  breakfast ang kinain ko, para hindi ako magutom sa school. Medyo late na kasi ngayon ang recess namin. Maaga pa naman pero naisipan kong pumunta na sa school. Wala akong driver ngayon kaya nag-bus na lang ako. Napaka-bilis lang ng biyahe.

                Pagdating ko sa classroom, nandun na yung iba kong mga classmates, pero wala pa yung mga higad kong kaibigan. Kaya naman, tahimik lang ako sa room, nagbabasa ng nobela at nag-sosoundtrip using my headphones. Maya-maya pa’y dumating na si Danaña, parang hindi ma-ipinta ang mukha ni-ya, kaya naman niyakap ko agad pero nagulat ako ng umiyak siya sa balikat ko.

“Sige lang Dana. Iiyak mo lang yan.”, sabi ko habang hinahagod ang likod ng bestfriend ko.

Danaña’s POV

                Pumunta akong maaga sa school. Hindi ko alam kung malulungkot, magagalit o maiiyak na ako sa nalaman ko ngayong umaga. Bakit kailangan akong iwanan ni Madeline. Ganito kasi, hindi raw siya makaka-pasok ngayong week. Naging worried naman ako, kala ko kung may problema, wala naman raw sabi niya.

*FLASBACK STARTS*

                “Beb, hindi ako maka-pasok ngayong week.”, sabi ni Madeline.

                “Beb, bakit? May problema ba?”, tanong ko.

                “Wala naman Beb.”

                “Oh com’on Beb, itatago mo pa ba yan sakin.”

                Ang tagal bago mag-reply ni Madeline.

                “Beb? Ano? Naghihintay ako.”, sabi ko pa.

“Beb, ganito kasi. Hindi ako makaka-pasok this week kasi aayusin ko ang passport ko. Pupunta kaming London. Pupuntahan ko si mommy.”

“Oh Beb, ano namang problema dun?”

Medyo natagalan naman bago siya mag-reply.

“Beb? Still there?”, sabi ko.

“Kasi Beb, dun na kami titira kasama si mommy.”

Biglang tumigil ang mundo ko nang mabasa ko yun.

“Beb, ayaw kong umalis, pero miss na miss ko na kasi si mommy.”, sabi ni Madeline.

*FLASHBACK ENDS*

Sa mga panahong ito, di ko alam ang mangyayari sakin. Mawawala na ang mahal ko, anong gagawin ko? Sa mga oras na ‘to, di pa ako bumabangon sa kama, iyak lang ako ng  iyak. ‘Di ko alam ang gagawin ko. Hindi ko magagawang maging masaya kung mawawala siya.

                Pagdating ko sa room, swerte ‘ko kasi nandito si Ben. Niyakap ko kaagad siya at umiyak sa balikat niya. Mga ilang minutes rin yung pag-iyak ko, hanggang sa umupo kami at tinanong niya ako kung anong problema. Sinabi ko sakanya yung mga nangyari kanina. Patuloy pa rin siya sa pag-hagod sa likod ko para i-comfort ako.

                Nalaman na rin ng iba pa ang nangyari samin ni  Beb. Pareparehas ang advise nila sakin. Pero at least, gumagaan ang loob ko dahil sakanila. Swerte ko sakanila.

                Dumating ang Sunday, nag-simba kaming mga engkantada; Sina Ben, Apillandra, Csheneviev at ako. Gusto naming malinisan na kami, magbabagong buhay na eh. Kailangan ko na ring mag-move on kahit walang magandang closure ang relationship namin ni Madeline.

                Habang nag-mimisa, ang ganda ng homily ni Father. Sabi niya, “Sometimes, you have to be apart from people you love, but that doesn’t mean you’ll love them in a less, coz sometimes, it even makes you love them more.”. Na-yugyog ako dun. Meron pa, “God’s voice is usually nothing more than a whisper, and you have to listen very carefully to hear it. But other times, in those rarest moments, the answer is obvious and rings as loud as a church.”, super touch ako sa homily ni Father.

                After ng mass, nag-ice cream muna kami sa may malapit na ice cream center. Treat raw ni Ben, biglaan ang pagiging mabait ni Ben. Mas naiisip ko tuloy na, baka kukunin na talaga siya ni Lord. Bigla tuloy kaming nalungkot nila Andra kasi pare-parehas kaming iniisip. After naming mag-ice cream ay umuwi na kami.

Keifer’s POV

                One day na lang, prom night na! Excited na halos lahat sa’min. Lalong-lalo na ako, may plano kasi kami ni Anthony kasama na rin si Agu.

***PROM NIGHT***

                Nasa isang table lang kami ng barkada. Si Anthony, Agu, Danaña, Csheneviev, Apillandra at ako sa isang table. Nag-simula na ang programme ng prom. After ng mga pagka-haba-haba ng mga mensahe, rakrakan na rin sa wakas, syempre, kami ang tutogtog. Habang may banda, kumakain na sila Apillandra. Kaya sumunod na rin ang iba. Pagkatapos kumain ng lahat, biglang tumayo si Ben, papuntang stage, maputla talaga siya. Pag-dating niya sa stage, may instrumental music ng “When you believe” na tumogtog. Hiniram niya sakin yung mic ko and so pinahiram ko naman.

                Habang kinakanta niya yun, halata ang napaka-daming emosyon na bumabalot sa buong katauhan niya. Pero mas nakabog ang damdamin namin ng tumulo na rin ang luha niya habang kinakanta yun.

                After niyang kumanta, time na para mag-sayawan. Ito na ang pinakahihintay nang lahat. Nag-simula nang isayaw ng bawat isa ang kanilang nais isayaw. So, tumayo ako para kunin ang kamay ni Ben. Pero bago yan, kinuha ko lang muna yung bouquet ng rose na dala ko para sakanya. Ngunit biglang tumayo rin sina Agu at Anthony, hinihingi rin ang kamay ni Ben.

“Guys, pwedeng isa-isa lang. Si Keifer muna kasi sya naman ang nauna.”, turan niya at tumayo to dance.

“Sige Pre. Sige Ben.”, turan ni Anthony.

“Pero, sa isang song, kayong tatlo na huh? ‘Di ko kasi kaya nang matagal na naka-tayo. Napaka-hina na ng paa ko. Pwede ba?”, sabi ni Ben.

“Oo Ben.”, sabi ni Agu.

So, lahat na kami nasa gitna. Kaming apat lang ang nandito, nag-give way kasi yung mga classmates namin para samin. Ako muna ang unang nag-sayaw kay Ben. Pinalakpakan kami ng mga tao dito sa hall. Merong sigaw na parang kinikilig samin. Ngunit nang si Anthony na ang magsasayaw kay Ben ay natigil ang sigawan. Nag-uusap sila, pero hindi namin naririnig dahil sa lakas ng music. Finally, sina Ben at Agu na ang nasa gitna. Lahat na nagsisigawan at nagpapalakpakan. Parang perpekto na ang lahat ng bagay na nandito, hanggang sa bumagksak si Ben sa balikat ni Agu. Ngayon, napaka-putla na talaga niya. Idiniretso na namin siya sa ospital.

Hymn Of Love (Bromance/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon