Chapter 20

86 3 0
                                    

Albert’s POV

                Andito na kami sa hospital. Dinala na naman kasi si Ben sa ospital. At hindi na biro ang kalagayan niya ngayon. Nag-eroplano sa lang kami papuntang Bicol. Pinapakalma ko na si Claire dahil ninenerbyos na siya. Baka maka-sama yun sakanya dahil bagong panganak siya. Ngayon, si Ben ay natutulog. Nurse lang ang naka-bantay sakanya. Ako nga pala ang Daddy ni Ben.

                “Good Morning, Mam and Sir.”, sabi ng nurse.

“Nurse, kamusta ang anak ko?”, tanong ni Claire.

“Hindi ko po alam ang health status niya, Mam. Tawagin ko na lang po mam si dok.”, sabi ng nurse. Kinuha niya utensils na ginamit ni Ben.

Pagka-alis ng nurse, ibinigay sakin ni Claire si Baby Xander at lumapit siya sa payat at maputlang katawan ng aming anak. Umiiyak na siya habang nakayakap sa lupaypay na katawan ni Ben. Maya-maya pa’y nagising na si Ben.

“Mom…Mommy…”, turan ni Ben. Halatang nanghihina siya kasi bakas yun sa way ng pagsasalita niya.

“Anak, okay ka na ba? May masakit ba?”, sabi ni Claire. Bakas rin sa boses nya na worried siya.

“Mommy, Daddy, I’m actually not feeling well. I feel so sick. The pain is from the inside. Pwede ko bang makatabi si baby?”

                Agad akong kinalabit ni Claire para kunin sakin si Baby Xander.

“Eto Anak, si Baby Xander.”, turan ni Claire at nila-gay sa tabi ni Ben si baby Xander. Nakangiti lang si Ben habang nakatitig kay baby na nakapatong sa ka-nyang braso.

Masaya na kaming lahat. Dumating kasi ang mga kaibigan niya. May dalang mga pagkain, bulaklak, at cakes. Maya-maya pa’y nag-request si Ben na lumabas muna ang mga kaibigan niya kasi kailangan niya raw kaming makausap. Ma-aliwalas at masaya ang mukha niya. Nang makalabas ang mga friends niya, nag-simula na siyang mag-salita.

“Dad, I’m sorry, hindi ko kayo matutulungan sa future. Hindi ko kayo mabibigyan ng apo. Sorry kung ‘di ko na kayo maaalagaan pag tanda niyo ni mommy.”, sabi ni Ben ng napaka-amo ang mukha, maputla, maaliwalas at napaka-inosente. Nakapa-loob ang kaliwang kamay niya sa dalawang kamay ko habang nakahiga siya at nakaupo ako sa gilid niya. Ang kanang kamay nya naman ay hinihimas ang buhok ko.

“Anak, naalala mo pa nung araw? Nung kinukulit mo si mommy na bilhan ka nang cake pero hindi ka niya binilhan dahil bawal ka nang matatamis. Pero nung pag-uwi niyo, ibinili kita ng isang buong cake tapos nang makita ni mommy mo ang cake na kinakain mo, tuwang-tuwa siya at nakikain na rin. Nagkaroon tayo ng instant bonding. Napakasaya ng bonding na yun anak at hindi ko malilimutan ang araw na yun.”, pagkasabi ko niyan, bumuhos na ang aking luha. Humihikbi ako habang nakapatong ang mukha ko sa kaliwang kamay niya.

“Dad, this is the last minutes of my life here on Earth. Let us just be happy, gusto kong mamatay without worries. I know na mahirap at masakit mawalan ng taong importante sayo. Pero kailagang mag-move on Dad. Please just be happy for me Dad, I will finally meet Him, our creator. And when I do, I will whisper to Him… to bless you and mom, for you became good parents to me. Be happy for me Dad, because I know, God has better plan for me, than I had for myself.”, sabi ni Benedict ng naka-smile. Parang hindi siya masyadong affected sa mga nangyayari, at ipinikit niya ang mata niya. He smiled for the last time and he closed his eyes forever.

                All I can hear right now is the straight beep na galing dun sa machine. Hindi na ako nag-panic, instead, lumabas na ako ng room to announce the bad news to the others. Halata ang pagkabigla nilang lahat sa aking binalita. Dumating pa ang doctor para i-revive si Benedict pero, hindi na talaga eh. Bumigay na ang katawan ng anak ko. Lahat iyakan lang ang bumalot sa hospital room. Lungkot, pagka-bigla, galit at kung ano-ano pang emosyong bumalot sa bawat isa sa amin.

Hymn Of Love (Bromance/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon