Chapter 13

90 3 0
                                    

Danaña’s POV

                Masaya ako at nagka-bati na ulet kami nila Agu. At higit sa lahat, nakatagpo na rin ako ng taong mamahalin ko, walang iba kundi si Madeline. First monthsary namin ngayon at may celebration kami. I just bought a cake for everyone in our barkada. And a gift for a very special person, I gave her a promise ring. Lahat sila masaya para sa relationship namin ni Madeline. They’re my friends indeed, eventually, medyo balik sa dati na ulet si Ben. Nagjajamming na ulet siya samin. Pero palagi niyang kasama si Keifer, palaging magka-dikit sila, halos magkapalit na nga ng mukha tong dalawang ‘to. Ma-saya ako na parang naka-move on na sina Agu at Ben, pero parang naiilang pa rin sila sa isa’t-isa. Pero at least, nag-ngingitian na sila di tulad ng dati na wala talaga silang pansinan. Anyway, naglaro muna kaming spin the bottle habang nag-hihintay na humupa ang ulan kasi ang lakas pa rin ng ulan. Andito pa rin kami sa classroom namen sa highschool building.

First spin, di namin alam kung kanino naka-tapat, kung kay Apillandra ba o Borja kasi magkadikit na magkadikit ang dalawa, lampungan ng lampungan ba. Pero si Borja ang nagvolunteer na siya na lang ang sasagot instead of Apillandra. Agad ko siyang tinanong kung truth or dare, pero pinili niya yung dare. Ang dare ko sakanya ay isayaw niya si Andra ng chacha pero harlem shake ang tugtog. Nung ginawa nila yun, para silang couple na seal na parang retarded masyado. Super tawa tuloy kami, at kitang-kita na nag-eenjoy kami lalong-lalo na si Ben. Ngayon ko lang ulet siya nakita na masaya. Pina-ikot ulet yung bottle at ang naka-turo yun kay Anthony at parang nahihiya pa siyang pumili kung truth or dare. Pero pinili niya yung dare. May napapansin ako dito kay Anthony eh, parang meron siyang something for Ben, ma-confirm nga. So, ang dare ko sakanya, punasan niya ng cake icing ang na-titipuhan niya. Nahihiya talaga siya, gusto pa magpa-pilit kaya naman, nag-countdown pa kami para lang tumayo siya at kumuha ng icing. BOOM!!! Tama nga ang hinala ko, meron nga siyang pag-tingin kay Ben. Namula naman si Ben at halatang-halata yun sakanya dahil maputla ang mukha niya at bilgang pumula. Sigawan at palakpakan naman kami, lalo na si Apillandra, parang retarded seal talaga ang gaga. Para namang medyo nainis si Keifer dahil sa ginawa ni Anthony, si Agu naman, iniiwas ang tingin kay Anthony at Ben. Pina-ikot ulit yung bottle at naituro kay Bernadette, isa lang naman ang gusto ng impaktang ‘to. Ang maka-halikan si Agu, pero hindi yun yung dare ko sakanya. Ang dare ko sakanya ay dapat maka-hanap siya ng mga payong para samin bago mag-dilim dahil kung hindi, mag-bebreak sila ni Agu. Mag-cocomplain pa sana siya kaso nagkampihan kami para mapalayas siya dito. Ang landi kasi, nakaka-irita. Pero, may kabaitan rin.

Nag-spin ulit at si Francis ang naituro. Dare rin ang pinili niya kaya naman, inutusan namin siya na isayaw niya si Csheneviev gamit ang isang song na para sa patay. Tuwang-tuwa si Csheneviev kasi habang hinahawakan siya ni Francis sa bewang, nakikiliti naman siya. Impakta talaga to si Best. Nag-spin ulet yung bottle at si Ben na ang naturo. Dare ang pinili niya at may naisip akong isang bagay. Ang dare ko ay halikan niya si Agu para malaman namin kung naka-move na nga ba sila sa isa’t-isa. Nainis naman siya saken pero pinaalala ko sakanya na special ang araw na to saken kaya naman pinag-pasensyahan niya na lang ako. Una, tumayo siya at nagpa-alam naman muna siya kay Keifer pero pinayagan siya neto ngunit bakas sa mukha ni Keifer na ayaw niya sanang pumayag. Naglakad siya ng mabagal at parang kinakabahan pa pero ng makarating siya sa may harapan ni Agu, tumayo na si Agu at hanggang baba lang siya neto kaya naman, kelangan niyang mag-tip toe para maabot ang lips ni Agu. Bakas sakanila ang pagkasabik sa isa’t-isa. Parang gustong-gusto na-man yun Agu at tumugon sa halik ni Ben. Habang nasa kasukdulan sila ng paghahalikan…

“Tama na nga yan guys.”, turan ni Madeline na parang sinasaway na ang dalawa.

                Agad namang tumigil ang dalawa pero bakas sa mukha ni Agu na parang kulang pa yun. Si Ben naman, namumulang umupo sa tabi ni Keifer. Bumulong naman sakanya si Keifer pero rinig na rinig namin yun.

                “Ang takaw mo naman.”, bulong ni Keifer.

                Dahilan para mas lalong mamula si Ben. Si Anthony naman ay tumayo at may kinuha lang sa bag sa may upuan. Dumating naman si Bernadette na may dalang tig-iisang payong para samin. Galing talaga ng babaeng ‘to. Gagawin lahat wag lang mawala sakanya si Agu. Anyway, mag-sspin pa sana kami ng bottle pero dumating na si Manong Guard at pinapa-uwi na kami.

“Bilisan niyo na’t umuwi na kayo. Kung hindi pa kayo uuwi, isusumbong ko kayo sa principal.”, palaging linya na pantakot ni Manong Guard sa mga studyante. Pero natatakot rin naman kami kaya agad-agad naming nilisan ang room. Kanya-kanyang uwi, pero si Ben, kasama niya si Anthony at Keifer.

Hymn Of Love (Bromance/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon