(February 2, 20xx Thursday)
Love Kingdom...
Eros POV
"Love month again. I guess magiging busy nanaman tayo." -David
"Yeah, I know. Lagi namang ganito tuwing Feb. Sigurado ako mas madaming hopeless romantic ang makakasalamuha ko." -ako
"Kamusta na pala yung babaeng binabantayan mo since last 2 years? Man hater parin ba?" -David
"Si Carys? Parang. May bago siyang mga kaibigan na di naniniwala sa mga cupids. tawagin banaman akong mr. stupid." -ako
"Anung balak mo?" -David
"Wala naman akong magagawa hanggat di ako nakaassign sakanya e" -ako
"Bakit di mo nalang irequest kay mr. Valentine?" -David
"Ewan. Siguro tama na yung di siya yung target ko." -ako
"Hoy Eros, wag mong kakalimutan na cupids tayo. Tayo ang gumagawa ng paraan para magkaroon sila ng pag-ibig kaya hindi tayo pwedeng umibig sa mga tao." -David
"Alam ko! Hindi mo naman kailangan na mag-alala. Isa pa, anak ako ni Venus at Mars. Di ako pwedeng gumawa ng mali." -ako
"Ahaha. Siguraduhin mo lang. Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Pinapatawag ka ni Goddess Venus. May mahalaga daw siyang sasabihin sayo." -David
"Sige. Magkita nalang tayo sa lupa." -ako
__________
"Goddess Venus, pinapatawag niyo raw po ako?" lumuhod ako sa harapan niya.
"Anak. Hindi ba't sinabi ko naman sayo na wag mona akong tawagin na Goddess? Anak kita kaya tawagin mo nalang ako ng mama." -Venus
"Pero hindi maari. Hindi tayo tao para tawagin kita sa hindi pormal na pangalan." -ako
"Ayus lang naman sakin anak e. Pamilya tayo kaya ayus lang kahit hindi tayo tao na tawagin mo akong mama." -Venus

BINABASA MO ANG
A Week Of Love
RomanceNaniniwala kaba kay Mr. Kupido? Ako oo! Bakit? Papatunayan ko sayo na totoo si Kupido basta basahin mo to ^^