(February 3, 20xx Friday)
Cradoe's POV
Natanggap na kami ni Eros sa Xerxes Academy. Kaso pagkatapos nun hindi ko na siya nakita. Nagteleport ata? Haha de joke lang.
Nagugutom nako. Asan na ba yung canteen ng eskwelang to? Sa sobrang laki maliligaw ata ako haha. Magtatanong nalang ako. Tutal Lunch break na ata nila kasi nagsisilabasan na yung mga estudyante. Mangangalbit nalang ako.
*poke *poke
"Um, excuse me po. Asan po yung canteen dito?" nagpacute pa ako haha
"Ikaw?! Are you stalking me?!" stalking daw? sino ba to
"Ah haha. Hindi po ako stalker. Nagkita na po ba tayo dati?" di ko mamukhaan e
"What?! You can't remember this pretty face of mine?!" ay grabe siya oh haha. pero parang nakita ko na siya dati. di ko lang matandaan kung saan.
"Vida, don't be rude! Um, sorry po sa asal niya. Badtrip siguro haha. Anyway, papunta kami sa canteen ngayon so, we will show you the way. Diba guys?" sabi nung mabait na maamo yung mukha
"Yep!" pag-aagree nung tatlong babae. ngayon ko lang napansin na puro babae pala sila.
"What no!" -reklamo nung pretty daw haha
"VIDA..." tinignan siya ng masama nung isa nilang kasama.
"Fine! Tara na!"
__________
Canteen...
"Here. Nandito na po tayo kuya." sabi nung parang leader nila.
"Ay? Wag niyo na akong tawaging kuya. Ako si Cradoe, mag-aaral ako dito starting next week."
"Ganun ba? Sabay ka ng kumain samin. I'm Carys. President of our class. Ito si Grania, Maitea, Mina, and yung masungit si Vida. Pagpasensyahan mo na siya. Di naman ganyan yan e kaso ewan kung bakit masungit ata ngayon."
"It's because he can't even recognize me! That's unforgivable!" -Vida
"Sorry miss, pero namumukhaan na kita kaso di ko alam kung saan kita nakita." paliwanag ko.

BINABASA MO ANG
A Week Of Love
RomanceNaniniwala kaba kay Mr. Kupido? Ako oo! Bakit? Papatunayan ko sayo na totoo si Kupido basta basahin mo to ^^