(February 5, 20xx Sunday)
Eros' POV
"Eros!"- Tris
putik!
"Ano?!"
"Ano na gagawin natin ngayon?"
"Ang kulit mo talaga! Bahala na nga kasi bukas!"
"Pero ilang araw nalang yung natitira." -Tris
Tama siya. Ilang araw nalang pero wala parin kaming nagagawa.
"Kaya yan! Dito ka lang, bantayin mo yung bahay. Lalabas lang ako saglit."
"Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang."
__________
Playground...
"Bakit ba tawag ka ng tawag?! Iniwan mo na kami kaya bakit ka nangungulit ngayon? Diba yan naman yung gusto mo? Yung mawala na kami sa buhay mo?!"
teka, pamilyar yung boses na yun ah.
"Anak, hindi mo kasi naiintindihan. Nagkamali ako alam ko yun. Pero anak patawarin mo sana ako."
"May pagkakamali ka talaga! Yun yung naging ama kita! Kaya pwede ba? Layuan mo na kami ni mama!"
Si Carys!
Tumakbo siya palayo. Baka tatay niya yung kausap niya. Pero mukhang nagsisisi na talaga yung tatay niya e. Pano ko kaya siya makukumbinsi na magpatawad?
Lalapitan ko muna siya. Kailangan kong magpakilala.
Sinundan ko siya. Nakaupo siya sa swing kaya umupo ako sa tabi niya at inabot ko yung panyo ko.
"Salamat." -siya
pinunasan niya yung luha niya gamit yung panyo ko.
"Kaya ba galit ka sa lalaki?" nagulat siya nung tinanong ko yun.
BINABASA MO ANG
A Week Of Love
RomanceNaniniwala kaba kay Mr. Kupido? Ako oo! Bakit? Papatunayan ko sayo na totoo si Kupido basta basahin mo to ^^