"Upset(day 7)"

667 34 0
                                    

Kathryn's POV

Dahil sa nangyari kanina di pa rin ako makatulog >.<!! Bakit ba yun nagawa ni James? Siguro nainis lang siya sa akin kaya niya yun nagawa!! Pero dapat talagang halikan ako? Ha?! Di naman atah tama yun?! Napahawak ako sa lips ko. . Eeeeehhhh!!! >.<

Makalabas na nga muna magpapahangin muna ako. Nagtungo ako sa balcony pero nandun si James kaya nag-lakad na ako papasok ulit kwarto.

"Kath teka!." Napahinto ako sa tawag ni James.

Napaharap ako sa kanya.

"Uhm?." Sabi ko.

"Ahm.. I'm just gonna remind you about what I said earlier." Paalala niya.

"Sige , tulog na ako. Goodnight." At pumasok na ako sa kwarto.

Gising pa din siya? >.<!! Bakit ba ako naco-conscious? Kath tigilan mo na yan!! Kuya mo lang yan kuya , kuya , tama kuya mo lang. Phew.

* * *

Six pa lang sa umaga gising na ako , ewan ko ba kung bakit tuwing walang pasok lang ako maaga magising. Makababa na nga mag-luluto pa ako .

Pababa pa lang ako sa hagdan napahinto at napatingin ako kina James , ang cu-cute nila matulog parang mga anghel. Mapicturan nga. Umakyat ulit ako para kunin yung phone ko.

Una kong kinunan ng litrato si James , nakayakap siya sa wolf na pillow . sinunod ko na si Alex na nakayakap kay Ronnie , nagyayakapan sila. Hahahaha.. Makunan nga ulit ng litrato si James.

Click . . click . . click . .

"Ang bait niya pala matulog." Sabi ko at zinoom yung kuha ni James.

"Give me that!." Biglang hablot ni James.

"Uy! Huwag mong burahin James!" Reklamo ko at dali-daling kinuha sa kanya tapos tumakbo na papuntang kusina.

"Kath erase it." Seryoso niyang sabi.

"Aga-aga ang seryoso mo! Parang isang kuha lang naman!!" Inis kong sabi at sinelect all yung ti-nake na shots ko.

"Give it to me." Tapos kinuha niya , tapos binigay ulit.

Pagtingin ko delete na nga lahat pati yung picture nila ni Nadine , binura niya?.

"Uh?! James , bakit yung pati kayo ni Nadine binura mo?." Taka kong sabi.

"Past is past." Tapos nag-hilamos na siya.

Tama nga naman past is past. So Kath forget about the kiss. Hala! Bakit ko ba yun inisip?!.

"I want egg rolls an--"

Beeepp beeeppp

Calling Enrique

Bago ko pa man masagot kinuha na ni James yung phone ko.

"Is too early , maya na toh." Tapos nilagay niya yung phone ko sa ibabaw ng ref.

"Aaisshh..sungit!." Inis kong sabi at kumuha na ng itlog.

"Tell me , is Enrique courting you?." Tanong niya.

"Huh?..hindi ah! Closed lang talaga kami atsaka mas gusto ko siya kasama kasi hindi siya masungit!." Asar ko sa kanya kaya tinulak niya ako bigla.

"Go leave! , live with him." Sabi niya at patuloy pa din siya sa pagtulak palabas sa akin sa kusina pero pinipigilan ko.

"Ano ba James?! Nag-bibiro lang nga tayo masyado ka namang seryoso." Sabi ko pero patuloy pa din siya sa pagtulak.

&quot;A Girl At My Door&quot;(KathReid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon