"Jealous"

608 22 0
                                    

Kathryn's POV

"Guys saan ba kayo galing?." tanong ni Liza at umupo ako sa tabi niya.

"Nagpasama lang ako." sagot ko at napatingin kay James , nginitian ko siya at binalik niya din naman yun.

"Nagpasama daw , pero parang may something na." bulong na asar ni Julia sa akin pero ngumiti lang ako.

"Ha? Ano bang pinagsasabi niyo?" deny ko. .

"Girl may nililigawan yan , ayun oh katabi niya." bilin ni Liza at nginuso niya sila James at Devon na magkatabi tapos nagsha-share ng libro.

Kath , diba nga sabi ni James na tutor niya lang si Devon. Tutor lang.

"Malay mo closed lang talaga sila. May ganon naman eh." Sabi ko pero bigla silang tumayo.

"Halika nga." tapos hinila ako patayo ni Liza.

"Excuse lang Devon ah." Paalam ni Julia at nagtungo kami sa garden at umupo sa Bermuda grass.

"Bakit niyo ba ko dinala dito?." tanong ko.

"Kathy huwag na lang kasi si James yung gustuhin mo meron naman dyan sila Daniel , Enrique--"

"Psssttt!! Akin yan si Enrique." Bilin ni Julia kay Liza.

"Girls di niyo kasi naiintindihan eh." Sabi ko pero napakamot lang sila ng ulo nila.

"Kathy , Nililigawan ni James si Devon at Kathy huwag mo naman sirain yung fansclub namin na 'Javon' , not again." lungkot na sabi ni Liza.

Sasabihin ko ba sa kanila? Siguro nga na kailangan ko ng sabihin para matigil na din yung ilusyon nila na may nagaganapan na ligawan sila James at Devon.

"Girls may sasabihin ako sa inyo pero promise me first." sabi ko.

"Alam na namin yan." asar ni Liza.

"Gusto mo si James noh?" Asar pa ni Julia at nagtawanan sila.

"Hindi tungkol dun!." Inis kong sabi at napahinto sila sa kakatawa.

"Eh? Tungkol saan?." takang tanong ni Julia.

"Hindi nilili--"

"Hi Girlss!!!" napahinto ako dahil biglang sumulpot si Devon.

"Hi Devon kamusta na yung presentation? " Tanong ni Julia.

"At kamusta na kayo ni James?." sabi ni Liza at tumili.

Psshhhfff -__-
Liza hindi nga siya nililigawan ni James.

"Ha? Ayun ang sweet nga niya eh." tuwang sagot ni Devon.

Sinungaling!! Isusumbong kita kay James.

"Iiieeeee!! Sagutin mo na siya Devon , perfect couple talaga kayo." sabi pa netong isang tong.

Pati ka ba naman Juls??.

"Di pa pwede eh , pero willing naman siya maghintay." dahil sa sinabi niya lalo akong nainis.

"Pasok lang ako." tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Julia.

"Sorry , may pagtingin kasi si Kath kay James kaya nagagalit." Pagumanhin ni Liza kay Devon.

"Um? Talaga? Mukhang kinakailangan ko ng sagutin si James ah." Natahimik kami sa sinabi niya.

"Di biro lang kayo naman di mabiro." bawi niya at nagsitawanan kami pero yung akin fake lang.

Plastic ka talaga!! Akin lang si James. .pag nalaman nila na ako talaga ang nililigawan ni James , mapapahiya ka talaga Devon.

"Naku! Nagugutom na ako." Reklamo ni Julia.

"A Girl At My Door"(KathReid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon