"Piggyback ride"

589 28 0
                                    

Kathryn's POV

"Tara na Juls." Yaya ko.

"Teka girls pwede bang sumama ako sa inyo?." Tanong ni Liza kaya napatingin sa akin si Juls.

"The more the happier , tara." Sabi ko kaya lumabas na kaming tatlo.

"Kath!." Napahinto kami at napalingon.

"Na-miss kita , pwede bang sumabay?." Asar ni Dj kaya napangiti ako.

"Halika na nga ng bola ka pa." Sabi ko kaya agad niya  kinuha yung bag ko at siya ang nagdala.

"Di naman mabigat eh." At kinuha ko pabalik yung bag ko.

Nilapit niya yung mukha niya sa akin at hinawakan yung bag ko.

"I-kikiss kita pag hindi mo binigay." Asar niya kaya binitawan ko na

"Ehem ehem may tao po dito." Asar nila Juls at Liza.

"Ewan ko sayo." Sabi ko na lang at nagpatuloy na kami sa paglakad.

"Liza bakit di mo igaya yung schedule mo sa amin ni Kath para palagi tayong magkasama , diba Kath?." Request ni Juls.

"Oo para maging closed na din tayo para maging bestfriend na din tayo." Pag-sang ayon ko.

"Sige mamaya ipapachange ko pahiram ng schedule mo Juls ah." Pagpayag niya.

"Oo ba samahan ka pa namin , para naman di ka ma-bored kakahintay. Matagal pa naman."

"Tama ang tagal gumalaw yung teacher dun." Sabi ko at nagtawanan kami.

"Teka! Ilang taon na ba kayo naging magkaibigan?." Tanong niya at nagtinginan kami ni Juls sabay ngiti.

"Kanina lang umaga." Sagot ko kaya halatang gulat si Liza.

"Wow! Talaga? Parang matagal na kayong magkakilala kung titignan." Gulat niyang sabi.

"Kaya ikaw malay mo mamaya mag bestfriends na din tayo." Tuwang sabi ni Juls.

"Wish ko nga eh." Nanggigigil na sabi Liza.

"Uhm..Kath." Napatingin ako kay Dj.

"Ano yun?." Tanong ko.

"May emergency eh , una na ko ah." Sabi niya at binigay sa akin yung bag ko.

"Oh? Sige bye--" napatigil ako dahil bigla niya kong hinalikan sa labi tapos ngumiti ng nakakaloko.

"Bye!." Paalam niya at tumakbo na paalis.

"Hoy! Bumalik ka nga dito!!." Sigaw ko.

"Grabeh ang haba ng hair mo teh." Asar ni Juls at nagtawanan sila ni Liza.

"Patay talaga yun sa akin mamaya." Inis kong sabi at napatingin ako sa likod ko.

Si James , nakita niya ba yun?? Bakit ang lungkot ng tingin niya sa akin? Ewan!! Naguguluhan ako!!.

Ng naglakad palapit sa akin si James napaiwas na ako.

"Girls tara na." Yaya ko at nauna ng naglakad.

"Hoy! Kath teka lang! Ang bilis mo namang maglakad." Habol nila.

"Kath hintayin mo nga kami." Tawag nila Liza.

Ng makalayo na kami huminto na ako at napaupo sa may stairs. .

"Kath ano bang problema?." Tanong ni Julia at tumabi sa akin.

"Oo nga Kath , sabihin mo sa amin. Dahil ba dun sa ninakaw na halik ni Dj?." Tanong ni Liza at umupo naman sa bandang kaliwa ko.

"Hindi dun." Lungkot kong sagot.

"A Girl At My Door"(KathReid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon