3

28 1 1
                                    

Clarine's point of view

Nung pagka alis ni Sofia para makipag date, Niyaya ko yung iba na mag impake ng pang camping at hintayin si Sofia, inutusan ko na din si Jovy para magimpake ng damit si Sofia para magbibihis nalang sya. Bait namin no? Kyut kami e.

Di kami kumpleto ngayon kasi si AbiGail, Raven, Teri at Shevaun umalis muna kasi may importanteng pinapagawa sakanila.

Niready ko nadin yung mga kotse namin.

Yass. Tig iisa kami ng kotse, magkakaiba nga lang kulay pero parehas na isang klase lang (Audi R8)

*Habang naghahanda*

"GUYS! IM HOME!!" Sabi ni Sofia

Napatakbo kami papunta sa Salas tapos nagulat kami sa nakita namin.



























SI SOFIA NAKA BOLD!





















Charot lang naman yun, ano ba! XD
Nakita namin si Sofia hawak ang munting bouquet ng roses at isang Baby Pink Giant TeddyBear na mas matangkad pa sakanya. Giant nga diba?

"Malandi kaaaa!" Sabi namin tapos patawang lumapit sa kanya at tinanong ko "Anong nangyari kanina?" Sabi nya naman "Eh malamang nakipagdate!"

"Langya ka! Malamang yung mga nangyari!" Sabi ko habang binatukan ko sya

"Aray naman bes!" Sabi nya tapos nag kwento na sya.

------

Sofia's point of view

"Sobrang saya mga bes! Nirenta nya yung park na palagi naming pinupuntahan! Kami pang tao dun kamo tapos ang ganda ng pagkaayos nya sa kinainan namin sa park! Tapos nag hoholding hands kami! Tapos dinala nya ako sa lugar na una kaming nagkita tapos nakita ko na to'!" Sabi ko tapos pinakita yung Teddy Bear "Ang gaan nga eh! Akala ko mabigat, tapos sabi nya kapag nakapag ipon na kamibg dalawa dun kami magpapakasal! Tapos titira kami sa ibang bansa!" Sabi ko sa kanilang lahat

"Grabe naman bes! Edi kayo na Goals!" Sabi ni Aubrey ng umiinom sya ng coke.

"Teka bat hanggang ngayon umiinom ka parin ng coke? Nagpapakamatay kaba? Ge laklak mo yan sa lalamunan mo! Dejk isa ka sa bridesmaids ko" sabi ko

"Magbihis kana! Aalis tayo!" Sabi ni Steven

"Saan tayo pupunta?" Sabi ko naman

"Mag M-midnight drive tayo tapos camping nadin! Naka-impake na mga gamit mo Magbibihis kanalang" sabi ni Engelbert

"Naks naman! Sige wait lang" sabi ko habang paakyat dala yung mga bigay sakin ni mj at nagbihis ng V-neck na black and white tapos leggings na black at yeezy boost 350 pirate black, tinanggal ko na yung make-up ko at binaba ko yung nakita kong varsity bag na puno ng mga damit ko. Kinuha ko na yung phone, wallet at susi ko at nagtali ng buhok ko.

"Tara na!" Sabi ko habang papunta sa garahe namin

------

Clarine's point of view

Since kami ay naka sakay na sa kanya kanyang kotse namin sinabi ko sakanila yung venue, nirenta ko na kanina yung lugar na yun at babayaran ko nalang, para kami kami lang yung tao hanggang bukas.

"DARE KO. KUNG SINO YUNG MAHUHULI ILILIBRE TAYO SA LEYTE!" Sabi ni Aubrey at Nanguna na samin pero wala namang nagulat kasi kaya naman namin gumastos ng malaki para dun buti nalang nasa likod ako ni Aubrey naka park kaya nauhan ko na yung iba haha.

Race to Mt. Pinatubo are we?

Di ko na namalayan na ako na pala yung pangalawa sa huli, pagkatingin ko sa rear mirror ko nakita ko si Jade kaya tinadyakan ko pa lalo yung gas pedal ko tapos umilag ilag sa mga iba ko pang kasama. Di ako magpapatalo DUH!

Tawa kami ng tawa hanggang sa makaabot kami sa Mt. Pinatubo. Which ends sa second ako

1st.Aubrey (kasi nanduga)
2nd.Ako
3rd.Engelbert
4th.Steven
5th.Sofia
6th.Jovy
7th.Jade
8th.Bea
At Nahuli si MaryJane, bumili pa kasi sya sa MiniStop! Haha.

Pagkarating namin si Aubrey nakatambay sa labas ng Venue at umiinom ng Sting. walang pakielam sa sikmura eh!

"So...MaryJane! Pagkatapos ng Enrollment Leyte na us ha? Laview! Hahahaa" sabi ni Aubrey

"Nanduga ka kasi eh!" Sabi nya

"MiniStop pa more! Maaabutan mo na sana ako eh!" Sabi naman ni Aubrey

"Lego na guys!" Sabi ni Steven habang hawak nya yung mga gamit nya at nilock yung kotse nya.

"Tara!" Sabi naming lahat at pumasok na sa Venue

Di namin namalayan na mag S-sunrise na pala. Tinignan ko yung orasan ko 5:30 na pala! Ang layo pala ng byahe namin papunta dito.

Sobrang Ganda ng View. Buti dinala ko yung Polaroid ko at nakuha ko agad yung litrato bago pa hanginin.
Yung tubig sobrang ganda din! May halong blue at green yung kulay ng tubig kaya nakaka engganyo maligo mamaya.

"I set-up na natin yung mga tent natin!" Sabi ni MaryJane at nilapag na namin lahat ng gamit namin sa area namin.

Pagkatapos naming mag set up ng tent kumain kami ng almusal at nagbihis ng pangligo, nagdala ako ng mga salbabida at yung machine na pambomba. Nagsuot ako ng black triangl na two-piece tapos nagsuot ako ng short at Black na tanktop at lumabas na sa tent ko.

"Guys! Tulungan nyo ko sa mga malalaking salbabida!" Sabi ko habang sinasabit ko yung twalya sa balikat ko at kinarga yung ibang salbabida.

Kinuha na nila Engelbert at Steven yung iba pang salbabida at Dala naman nila Bea at Mary Jane yung pagkain at inumin namin habang sila Jovy, Sofia at Aubrey ay nagdala ng mga blankets at mga malalaking payong at speakers.


*to be continued*

CrossOverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon