Chapter Ten 💝

9.9K 199 12
                                    

Chapter Ten : Past
________________________________________

NAPAKURAP ako nang ilang beses at pilit na tinatanong ang sarili ko kung nananaginip lang ba ako o hindi? Namula ang pisngi ko nang dumako ang tingin niya sa akin at bigla niya akong pinagtaasan ng kilay.
Damn! I am not really dreaming!
I swallowed the lump on my throat and look away. It was really Reigan who's standing right in front of me. At pakiramdam ko malalagutan ako nang hininga.
He look really matured even now. He's still handsome even without any emotion written all over his face.
Ano kayang nangyari sa kanya sa loob ng ilang taon? Because from the looks of it, he really loss too much weight from the last time I saw him. Siguro stress sa trabaho kaya ganoon.
At ano'ng ginagawa niya rito?
Oh, hell! Bakit ko ba sandaling nakalimutan na boyfriend nga pala siya ni Ate Charlotte.
"Okay ka lang?"
Bumaling naman agad ang tingin ko kay Clyde dahil sa tanong na 'yon. Marahang pinisil niya ang kaliwang kamay kong hawak niya. He let out a smile. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang tumango.
Dalawang linggo narin ang lumipas simula nang mangyari ang engagement party namin ni Cylde sa isang prestigious hotel. And from the looks of it, mukhang assuming lang talaga ako ng gabing 'yon na isiping si Reigan ang huling lalaking nakasayaw kong humalik sa akin. Kasi kitang-kita naman ngayon na kasing lamig pa ng yelo ang pagkakatingin nito sa akin.
"Mabuti nalang at pinayagan tayo nina Mama at Papa na mag-outing sa resort na 'to. It's so refreshing," nakangiting sabi ni Ate Charlotte habang papasok ito sa malaking villa kung saan kami naka-check-in.
I sighed.
Ang awkward naman kasi ngayon nang sitwasyon namin. Sino naman ang hindi? Apat lang kami ang nandito at kasama pa naming dalawa ni Clyde ang mga taong minahal namin noon. This is Ate Charlotte's plan, a three days vacation at Isla El Grego Beach Resort na pagmamay-ari ng magulang namin. It's like taking a little break before we plan everything about the wedding. Kung alam ko lang na sasama si Reigan sa amin dito, tinanggihan ko na sana ang offer ni Ate Charlotte na bakasyon.
"Alam kong pagod tayong lahat sa naging biyahe kaya magpahinga nalang muna tayo. Mamaya doon tayo kakain sa El Grego Restaurant, masarap ang pagkain nila doon." Kinuha nito ang travelling bag na dala-dala nito. "Tara na, Fallon. Tabi tayo sa isang kwarto, uh," anito.
Binalingan naman niya ang dalawang lalaki.
"At kayong dalawa naman ang magkasama since dalawang room lang naman ang meron dito sa villa," dugtong nito.
Hindi naman hinintay ni Ate na makapagsalita ang dalawa dahil hinigit na niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa taas. Bakas na bakas ang excitement sa mukha niya. Napapailing nalang ako.
Ate Charlotte really loves to go to a place like this dahil gustong-gusto nitong magsuot ng bikini at magtampisaw sa dagat. Magkaiba kaming dalawa, kasi ako ayaw ko naman. One of the main reason is that, hindi talaga ako marunong lumangoy.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na pumasok si Ate Charlotte sa loob at binitiwan nito ang bag sa sahig at walang pag-aalinlangan na lumapit sa kama at ibinagsak ang katawan nito doon. Hindi ko na napigilang ngumiti.
"Atlast! I can feel heaven!" nakangiting bulalas nito at ipinikit pa niya ang mga mata niya.
Natawa nalang ako at pumasok sa loob bago tuluyang isinara ang pinto. Nagtungo ako doon sa isang kama at inilagay ko sa gilid ang bag ko. Bumangon naman si Ate mula sa pagkakahiga at bumaling sa akin na may ngiti sa mga labi nito.
"Alam mo ang suwerte mo talaga, Fallon, at ikakasal ka na," masayang sabi niya. Gusto ko sanang sabihin na mas ma-suwerte siya kaysa sa akin pero hindi ko 'yon ginawa.
"Hindi ko aakalain na kayong dalawa ni Clyde ang magkakatuluyan. Paanong nangyari 'yon? I mean, 'diba mag-bestfriend lang kayo noon? Kung sabagay hindi naman malabong mangyari na magka-inlaban kayo sa isa't-isa."
Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni Ate. Four years ago, when I runaway from everything ay sumama ako kay Cylde sa States nang bumalik na ito.
At isa lang ang alam ko....ang alam namin ni Clyde kung bakit namin ginawa 'to.....
Because this is the best for all of us upang hindi na kami magkasakitan.




***************************

MABILIS lumipas ang oras. And it's already 7:00 in the evening kaya napagpasyahan naming lahat na kumain nang hapunan sa El Grego Restaurant. Excited na excited si Ate habang naghahanap kami ng mauupuan namin dito sa loob. Mukhang siya nga lang ang hyper sa aming apat.
"Dito nalang tayo," suhestiyon ni Ate Charlotte at nauna nang umupo.
Sumunod naman si Reigan sa kanya at umupo ito sa tabi ni Ate. Nagkatinginan naman kami ni Clyde and he smiled to me. Napailing nalang ako nang pinaghila niya ako ng upuan. Nakangiting umupo naman ako doon while he sit beside me of course.
"Oh! That's so sweet of you," bulalas ni Ate. "You're every inch of a gentleman, Clyde."
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Clyde dito. Hindi ko naman napigilang mapatingin sa gawi ni Reigan ngunit agad na nag-iwas din ako ng tingin nang makitang mariing nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko nag-unahan sa pagtibok ang puso ko.
I bit my lower lip at pinaglaruan ko 'yong mga daliri sa kamay ko. I felt so tense all of a sudden.
Gosh, why would he look at me like that?
"What's your order, hon?" dinig kong tanong ni Clyde.
Dahil sa kaiisip ko, hindi ko man lang namalayan na lumapit na pala sa amin ang waiter. Kung hindi pa ako sinabihan ni Clyde ay hindi ko pa mapapansin 'yon.
Nag-angat naman agad ako ng tingin at napalunok. Tinignan ko 'yong listahan ng menu na nasa ibabaw ng mesa ngunit ni isa doon parang walang pumapasok sa isip ko.
"I want a Pork Clam Orientale, an Italian rice and water would do," biglang order ni Reigan kaya hindi ko napigilang mapatingin sa kinaroroonan niya.
Ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin nang biglang dumako ulit ang tingin niya sa akin.
"Fallon," tawag sa akin ni Clyde at hinawakan niya ang kamay ko upang makuha ang atensyon ko.
Napatingin naman ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"I'm asking you, what's your order? I already gave mine."
"Ahmmm, ano...ano...ikaw nalang ang bahalang pumili," sagot ko.
Mariing tinitigan ako ni Clyde na para bang pilit niyang inaalisa ang kalagayan ko. Ito kasi 'yong unang pagkakataon na siya ang pinapili ko ng pagkain na kakainin ko.
I heard him sigh in the end. Walang imik na binalingan nito ang menu.
"Shrimp roll, is that okay with you?" tanong nito.
Napaangat naman ako ng tingin at ni hindi ko manlang napagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Kinakabahan kasi ako. Paano ba naman kasi ramdam na ramdam ko kasi ang paninitig ni Reigan kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
What the hell is happening on me?
"Fallon is allergic in shrimp, Clyde. Don't tell me you don't know?" biglang apila ni Reigan na ikinagulat ko.
Bumaling naman ang tingin naming lahat sa kanya.
He still remember that?
Ngunit agad ding nakabawi si Clyde at binalingan ulit ang menu upang hanapan ako ng ibang pagkain.
"Oo nga! Allergic pala talaga si Fallon sa shrimp. Naalala ko pa noong bata pa kami. Nagkaroon siya ng madaming pantal nang kumain siya niyan," bulalas ni Ate Charlotte. "Iba nalang ang piliin mo para sa kanya, Clyde."
"How about Sipit Croquettes, Fallon?" tanong ulit ni Clyde.
I was about to say something ngunit naunahan na ako ni Reigan.
"Hindi kumakain ng seafood si Fallon except for fish, Clyde. And you're ordering her a crab. Are you really his fiancee? Even a small things like that you don't even know about her?!" Reigan burst out from nowhere.
Namutla naman ako nang makita ko ang galit sa mukha niya. Kaagad na hinawakan ko naman ang kamay ni Clyde when I felt him moved.
I know Reigan's words went over board. At kahit hindi totoong nagmamahalan kami ni Clyde and we are just marrying each other for convenience. Nakakaka-offend pa din iyong mga sinabi niya.
"Excuse me, Mr. Montenegero," kalmadong sabi ni Clyde kay Reigan. "Instead of bothering us here why don't you just focused on your orders. And yes, Fallon is my fiancee! Stop questioning that thing dahil lang wala akong alam sa mga maliliit na bagay tungkol sa kanya. My bad. Nakafocus kasi ako sa mga malalaking bagay sa buhay niya kaya ganito. And she is my fiancee not yours so stop ogling."
Kinabahan ako nang makitang mas lalong dumilim ang anyo ni Reigan. I know Reigan too well. Kapag galit ito, you can't stop him. At ayokong magkagulo sila rito lalo na't napakaraming tao.
"Ahmmm, ano....chicken sandwich nalang sa 'kin at orange juice," basag ko sa tensyon na nakapalibot sa amin. "Hindi rin naman ako kakain ng heavy meals kasi busog pa naman ako," paliwanag ko nang bumaling ang tingin nilang lahat sa akin.
Lies. Paniguradong gugutumin ako nito mamaya.
I sighed. Kapag hindi ako gumawa ng paraan katulad nito paniguradong magkakagulo na naman. Hindi naman sila umangal pa sa paliwanag ko kaya nakahinga ako nang maluwag.
I look at Reigan and he really look so pissed right now. Pakiramdam ko may kung anong mabigat na bagay na kumawala sa dibdib ko nang matapos kaming kumain.
Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kapag nag-away na naman silang dalawa. Pasalamat nalang ako at medyo madaldal si Ate Charlotte habang kumakain kami dahil nababawasan ang tension sa dalawang lalaki ngunit hindi ko parin maiwasang masaktan sa tuwing nagku-kuwento si Ate ng tungkol sa buhay nito sa loob ng apat na taon na kasama si Reigan.
At hindi nga ako nagkamali sa sinabi ko na gugutumin ako. Dahil pagsapit ng gabi habang nakahiga ako ngayon sa kama ko ay ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Ate Charlotte at tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw nito. Himbing na himbing ito mula sa pagkakatulog.
And I think it's about time to sneak out para lang matignan ko kung ano ba ang pwede kong makain doon sa kusina.
Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa katawan ko. And without any noise I hurriedly get out of our room.
Dahan-dahan din ang ginawa kong pagsara ng pinto upang hindi makagawa nang kahit anong ingay. Pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako nang tuluyan.
Inilabas ko ang cellphone ko and I used it to served as a flashlight. Hindi ko napigilan ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad ako patungo sa kusina.
Sa wakas ay magagawan ko na rin nang paraan ang pag-aalburuto ng tiyan ko.
Ano kaya ang puwede kong makain sa baba?
Sana naman meron.
Napakunot ang noo ko nang makitang bukas pa ang ilaw sa kusina.
Iniwan ba nilang bukas ito o merong tao?
May gising pa ba sa ganitong oras ng gabi?
Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa loob. Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pamilyar na likod ng isang lalaki na mukhang may inaasikaso sa coffee maker.
And when he turn around I almost sucked my breath and I can feel my heart palpatating.
"A-anong ginagawa mo rito, Reigan?" I asked without thinking.
He gave me a cold stare at hindi man lang nito pinansin ang tanong ko. Instead, kinuha nito ang bowl na may laman yatang ulam na mukhang mainit pa at inilapag sa ibabaw ng mesa. May nakalatag na ring pinggan doon at kanin.
Is he going to eat also?
Eh, madami na naman siyang nakain kanina, uh.
Mukhang mali pa yata ang timing ko sa pagpunta rito. Ayaw ko siyang makasabay sa pagkain.
"Eat now, Fallon," mariing utos nito at hinila ang bakanteng silya.
Pakiramdam ko nanginig ang tuhod ko sa itinuran niya.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.
He sigh and went to get his coffee. Tinignan ko lang ang bawat galaw niya. He went to the other side of the round table. He pulled the chair and sit on it.
"I cook your favorite sinigang. It's number 1 on you're list, right? I know you're hungry. Sandwich lang ang kinain mo kanina."
Napaawang naman ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako gutom," kaila ko ngunit bigla namang kumulo ang tiyan ko.
I blush when I heard him chuckle.
"Tell that to your growling stomach, dear," he teased.
I gave him a glare.
"Hindi ako kakain! Salamat nalang. Iinum nalang ako ng tubig," asik ko at naglakad patungo sa fridge.
I open it and I was about to get a cold water when he pulled my hand. Nanlaki naman ang mga mata ko nang hinila niya ako at pinaupo sa upuang pinaghila niya kanina.
"Forget about you damn pride, Fallon! Just eat what I cooked for you!" inis na sabi niya.
Mas lalong pumula ang pisngi ko. I bit my lower lip to refrain myself from arguing.
"Sa-salamat," nahihiyang sabi ko.
Dumako ang tingin ko sa sinigang na baboy na mainit pa.
"Your welcome." He smiled showing his white perfect teeth. "Alam ko naman kasing mangangalkal ka ng pagkain sa ganitong oras kaya kita pinaghanda."
Mangangalkal?
What a term!
Parang sobra naman yata iyon.
And he did what?
"Paano mo naman nalaman?" I asked habang nilalagyan ko ng kanin ang pinggan ko.
Gutom na talaga ako at samahan pa na paborito ko 'yong ulam kaya ibabaon ko muna ang hiyang nararamdaman ko sa kanya.
"Just like the old times. Noon kasi nahuli kitang gumising nang ganitong oras at naghanap ng makakain sa kusina kasi tinapay lang ang kinain mo noon."
Mayroong kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. And I can't help but to feel a pang of pain inside my chest remembering about the past...
A past where it brings pain on my whole system.
A past where I forget how to love myself.
"That was all in the past, Reigan," malamig na sambit ko.
And I want to take back what I've said when I saw a glint of pain on his eyes for some certain reasons I can't determine why.
"I know." He sighed. "I just can't help to reminisce those scenes. I'm sorry."
Ramdam ko ang pait sa boses niya pero hindi ko iyon pinansin. Kung ano man ang pinapahiwatig niya sa mga pinagsasabi niya ngayon ay wala paring magbabago. Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Maraming pumapasok sa isipan ko ngunit pinipilit kong huwag intindihin ang mga bagay na 'yon dahil alam kong napaka-impossible. Malabong mangyari. At kung maaari man.
Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?
Hindi naman ako manhid para hindi makaintindi ng mga sinasabi at ipinapahiwatig niya.
"Do you love him?" he asked all of a sudden.
Natigilan naman ako sa pagkain dahil sa itinanong niya.
I was shock!
Hindi ko ini-expect na magtatanong siya nang ganito. At alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
It must be Clyde....
"Yes," sagot ko.
And that's true.
I love Cylde. I love him but not as a woman who love her man but a bestfriend who love her bestfriend. At pareho naming alam 'yon.
"Ikaw? Kailan ka mag-pro-propose ng kasal kay Ate?" pagwawala ko sa usapan.
Hindi ko naman magawang matignan ang magiging reaksyon niya. Because I'm afraid....scared that when I look at him I can see emotion which can make my heart melt and surrender.
Baka magmakaawa na naman ulit ako sa kanya.
Baka bumalik na naman ang dating Fallon na nagpapaka-desperada para mahalin niya.
Ang Fallon na walang ibang iniisip kundi ang sarili niya.
This time, kailangan kong gawin ang tama.
And that is to change myself and forget the old me....
"I can't still tell. I'm just waiting for the right time to propose to the woman I love ng walang sagabal."
Sagabal?
Bakit?
Mayroon bang sagabal ngayon sa pagmamahalan nila ni Ate Charlotte kaya hindi niya magawang makapag-propose ng kasal sa Ate ko?
Kung ganoon, ano naman 'yon?
"Well, goodluck. I know mapapasagot mo rin naman siya ng yes sa huli." I stop myself to sound so bitter and hurt after saying those things. Kahit ang totoo sa loob-loob ko ay parang pinapatay na nito ang puso ko.
Sadya ba akong isang masokista para lang masabi at marinig ang mga bagay na ito?
"I don't know yet," malungkot na ani nito. "That's if she doesn't hate me all this time."
Ha? Nag-away ba sila ni Ate kaya ganito? Pero mukhang okay naman sila kanina, uh.
"Do you hate me, Fallon?" he asked out of nowhere.
Naguluhan naman ako sa tanong niya.
"A-ano?"
Parang hindi kasi pumasok sa utak ko ang tanong niya.
This time, napaangat na ako ng tingin at nakita kong ngumisi siya nang mapakla.
"Why am I still asking you this anyway? Infact, I already know the answer. Sa lahat nang nagawa ko noon sa 'yo siguradong kinamumuhian mo ako ngayon."
Kinamumuhian?
That's overrated.
Kinapa ko 'yong damdamin ko para sa kanya.
I don't loathe him neither hate him.
Oo, nasaktan ako ngunit hindi niya kasalanan 'yon.
It was my fault dahil ako ang nagpumilit kaya wala akong karapatang magalit sa kanya.
"I don't hate you, Reigan. Dahil 'yong mga nangyari noon, it was all my fault. Ako naman 'yong namilit at sumiksik ng sarili ko sa 'yo kaya bakit ako magagalit sa 'yo dahil wala ka namang kasalanan do'n. Kaya huwag mong isipin na kinamumuhian kita. Infact, nahihiya nga ako sa 'yo dahil sa mga pinaggagawa ko noon. Ang tanga ko. But don't worry, hindi na ako babalik sa dati. After four years, napag isip-isip ko na tama 'yong sinabi mo noon na ang tunay na pagmamahal ay hindi pinipilit. Kaya nga manghihingi sana ako ng patawad sayo, Reigan. Sa mga ginawa ko noon...I'm s-----------"
"Don't," putol nito bigla sa sasabihin ko. And I saw a glint of sadness flashed on his brown eyes. "Just don't say you're sorry for what happened before."
"Pero------"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo.
"Finish your food, Fallon," malamig na sabi niya.
I froze from the sudden coldness. Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala siya sa kinaroroonan niya at nagtungo sa gilid ng kusina kung saan ang refrigerator. Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang naglapag ng isang basong fresh milk sa harapan ko.
"I know you love to drink fresh milk after falling asleep," mariing saad nito. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa pisngi ko. "Don't ask me why because one thing for sure, I remember everything about you, Fallon. All of it and every single bit of it."
Napaawang ang labi ko nang dahil sa sinabi niya.
"Goodnight, Fallon," malambing na sabi nito bago tuluyang umalis.

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon