#Chapter4: Tour The Hashtags

103 5 2
                                    

Yung may mga kasama ka pero feeling mo mag isa ka. Nakakainis talaga. Bakit pa kasi ako kasama sa tour thingy na'to? Pano ba naman kasi sila magkakasamang naglalakad tapos ako parang tanga dito sa likod. Samahan mo pa yung tinginan ng mga estudyanteng nakakakita samin. Kasama ba naman kasi namin ni Maria e mga artista na gwapo kuno na sikat pa daw, sinong di maiinggit sa posisyon namin ngayon? Well, kay Maria lang dapat pala sila mainggit kasi kasabay niya yung mga lalaking yun. Nasa likod lang nila ako.

Maya-maya dinumog na kami, I mean yung mga hashtags nung mga babaeng mahaharot na 'to. Buti na lang at medyo malayo ako sa kanila kung hindi lasog na katawan ko. Gaya ni Maria. Haha. Anyare sa babaeng 'to?

"Hoy! Mga punyeta kayong mga babae kayo! Ang babastos niyo! Kita niyong naglilibot kami sa buong campus tapos bigla kayong dudumog at talaga pang pati ako ha!" sigaw ni Maria dun sa mga babae. Kaso parang walang kwenta lang yung pagsigaw niya dahil hindi naman siya pinansin nung mga babae.

Maya maya bigla na lang may humila sa akin and the next thing I know tumatakbo na kami nitong si ano. Sino ba'to? Tss. Si messy hair? Argh! Bakit ba kasi diko inalam ang mga pangalan nila?

Paglingon ko sa likuran namin, tumatakbo narin sila Maria at mga Hashtags palayo sa mga babaeng yun. Haha. Mga engot. Tawa lang sila ng tawa habang tumatakbo. Pati ako natatawa na din. 'Tong kasama ko tumatawa na din. Malapit na kami sa office ni Mr. President nang marealize ko na magka holding hands kami nitong si #MessyHair 😨. Tinanggal ko agad yung kamay ko na hawak niya. Dahil siguro sa bigla niyang paghila sakin patakbo kaya diko napansin na magkahawak pala kamay namin. Tss. Kasalanan nang mga babaeng yun. Ang awkward tuloy. 😣

I Fall To A Hashtag❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon