Chapter XII: Sorry

96 6 6
                                    

Nakakainis. Ang sakit niya magsalita. Akala  naman niya napakadaling mag desisyon. Vacation yun, meaning may possibility na malayo yung lugar na pupuntahan. Knowing my lola and mom? Napaka strict kaya nila. Ni ayaw nga nilang naggagala ako e. Kung di lang ako pinapaalam nitong pinsan ko e hindi talaga ako makakagala. Oo spoiled ako kay mama pero kahit ganun, she's very strict. Lalo na at mag isa lang akong anak at babae pa. 

Naglakad-lakad na lang muna ako. Tutal malapit naman na magsimula next class ko. Bahala na si Maria sa mga yun, kahit wag na nila ako gawing assistant. Okay lang. Hindi naman ako nangangailangan ng pera e. Si Maria, ooKahit siya na lang gawin nilang assistant nila tutal mas kilala naman ni Maria ang mga hashtags compare sa akin. Diba?

"Sorry." 

Halos mahulog na ata puso ko sa sobrang gulat. Ano ba naman yan? Pinili ko na nga lang mag isa, may mang iistorbo pa.

Hindi ko na nilingon, kilala ko naman na kung sino siya. Hays. Nakatingin na naman silang lahat. Ang sarap lang dukutin ang mga mata nang mga taong 'to.

"Pst. Sorry na."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.  Hindi ko alam kung san ako pupunta para maiwasan ko siya. Naiinis kasi talaga ako sa kanya e.

"Hindi mo talaga ako papansinin?"

And then suddenly, narinig ko na lang ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

'OMG! Lumuhod si hashtag Ronnie!'

'Why did he do that?'

Napalingon naman ako sa narinig ko.
And there, I saw him na nakaluhod nga?!

"Hoy. Ano ka ba? Bakit ka nakaluhod diyan?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin e."

"Tumayo ka na nga dyan. Tignan mo nga o, nakatingin na silang lahat sa atin."

"I'll stand when you forgive me."

Ano ba naman 'to? Gumagawa pa siya nang scenario. Pag uusapan na naman kami nito e.

"Oo na okay na." sabi ko sa kanya. Nakakahiya na talaga 'tong nagyayari.

"Napipilitan ka lang naman ata e?" Hays. Ba't ba ang hirap kausap ng lalaking 'to?

"No, I'm not. Tumayo ka na kasi dyanMalapit na magsimula next class natin o." sabi ko.

"Sige na nga. Basta okay na tayo a?"

"Oo."

There tumayo na siya. But I never expect what he did next. Hinawakan niya kamay ko.  Intertwined.
---

Just keep supporting! ❤

I Fall To A Hashtag❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon