May 2nd chance pa daw sa mga gusto mag audition para sa Music Club. Eh dahil gustung-gusto ko talaga mag audition e kakapalan ko na mukha ko. Why not try diba? Wala namang mawawala. Hays. Ba't kasi ayaw sumali ni Maria? Mas gusto pa niyang maging tour guide/assistant nung mga aliens na yun kesa i-showcase yung talent niya.
After lunch daw yung audition which is 1 o'clock pm na. Dahil vacant time ko gun hanggang 3 makakasama ako sa audition.
Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay ng instructor. Ang unfair nga e pag sa students malate lang ng ilang minuto minsan seconds pa nga may penalty na pero pag sa teacher wala. Tss.
"Pst. Sungit."
Nagpapapansin na naman 'tong Ronnie na'to.
"Hi Cadee!"
Nagulat naman ako sa pagsulpot nitong si Tom.
"Hahahaha."
Parang tanga tong si Maria, tumatawa mag isa.
"Oh bakit--"
Wala na pala si Tom. Bumalik na sa upuan niya.
Kainis yun.
"Hello Cadee!"
Bigla namang sumulpot tong si Jon. Anong meron?
" Hahaha!"
Napalingon naman ako sa pagtawa na naman ni Maria. Baliw na ba 'tong babae na'to? Ano bang nakakatawa?
" Bakit---"
Okay. Bumalik na pala si Jon sa upuan niya. Bakit ba trip ako batiin nitong mga to?
"Guys, cancel na daw class natin kay Sir Seb, next meeting na lang niya tayo imeet but we expect daw for recitation. Yun lang. " announce nung si classmate. I don't know his name.
Grabe, ngayon lang pinaalam samin. Nasayang 36 minutes namin sa pagtunganga. Nako. Tapos expect for recitation daw. Hays.
"Maria, tara punta na tayo sa dorm." sabi ko sa kanya. Wala na kasi kaming class e. Vacant na kami all day.
BINABASA MO ANG
I Fall To A Hashtag❤
FanficAyoko sa mga artista pero bakit minahal kita? Naiinis ako sayo pero nahulog pa rin ako sa isang tulad mo? And now here we are, yung mga bagay na imposibleng mangyari ay nangyayari na.