Chapter 1 - Pag-Tatagpo

4.8K 150 2
                                    

Isang gabing madilim, ang mga bituin sa langit ay nagkukubli. Sunod-sunod na mga kulob at kidlat ang bumubulabog sa buong kalangitan.

Samantala, isang barko ang kasalukuyang bumabaybay sa karahasan ng mga alon ng Pasipiko.

Sa mahigit dalawang-daang pasahero na nasa loob ng barko, iilan lamang ang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa labas. Lahat sila'y nagsasaya, nag iinuman, nag sasayawan, at ang iba ay nahihimbing na.

Sa isang kwarto, isang siyentipiko ang kasalukuyang nakatayo't tumititig sa karahasan ng mga alon mula sa bintana.

"Kailan ko ba kayo mahahanap" bulong nito sa hangin. Tumalikod siya mula sa bintana umupo sa kaniyang lamesa at tinignan ang mapa ng mundo na nakadikit doon. "Saang parte ba kayo naroroon" bulong nitong muli sa hangin.

Siya si Dr.Dave Treville, 64 gulang. Siya ay hindi tumtigil sa pag-hahanap sa ibat-ibang parte ng mundo. At sa ngayon kanilang tinatahak ang kalawakan ng Pacific Ocean papuntang Hawaii. Mayroon siyang dalawang assistant: sina Jayson Mayhem, at Kesha Rah.

Si Jayson ay nagtapos ng Information and communication technology. Tulad ng ating inaasahan sa mga IT experts, sila'y magagaling pagdating sa computer at kung ano-ano pang may kinalaman sa teknolohiya.

Si Kesha naman ay isa ring siyentipiko ngunit nakasentro lamang sa Botany, o pag-aaral sa mga puno't halaman.

Silang tatlo ay kasalukuyang nagtutulong-tulong para patunayan ang isang pahayag.

Sa kanilang pagbabakasyon noong nakaraang taon sa Hawaii, sila ay nakakita ng mga kung ano na mabilis na lumalangoy mula tubig.  Ang mga nilalang ay may katawang maihahalintulad sa katawan ng tao ngunit walang mga paa, kundi ay buntot. Nagawa pa ng isa sa mga ito na tumalon mula sa tubig papataas sa ere.

Kung kaya't ito ay kanilang isina-publiko ngunit sila'y pinagtawanan lamang ng karamihan dahil sa kakulangan ng ebidesiya.

...

Silang tatlo ay kumakain ng hapunan sa Dining area sa mga oras na iyon, nang may biglang tumawag sa pangalan ni Dr.Dave.

"Doktor Dave!" Ang doktor ay napalingon.
"Hindi kami makapaniwala na makikita ka namin ng personal! kami ay naniniwala sa inyo" sabi ng dalawang estranghero at nagpakilala ang mga ito.

Si Ellies, isang photographer. Base sa kanya, kaya ito naniniwala sa doktor ay dahil ito ay minsan nang nakakuha ng di umano'y sirena sa kanyang mga litrato. Ipinakita nya ang kaniyang mga kuha at nagtinginan silang tatlo. Tinitigang mabuti ang kaniyang mga kuha at sila'y lubos na namangha.

Si John, isang mechanical engineer. Magaling sa pag-aayos ng mga makina.

Silang dalawa ay mag-asawang papunta rin sa hawaii para magbakasyon.

Pagkatapos ng mahaba-habang pag-uusap. Ang mag-asawa ay nagpaalam na, nakipag-kamay sa kanila at pagkatapos ay umalis na sa kadahilanang medyo malalim na ang gabi, minabuting na rin ng tatlo na bumalik sa kani-kanilang mga kwarto.

At ang kaganapan naman sa labas, habang tumatagal tila'y mas lumalakas ang hampas ng mga alon, hangin at ang pagbugso ng ulan.

Nang walang ano-ano nakita ng kapitan na may paparating na malaking alon papunta sa kanilang direksyon. Dali-dali nilang iniba ang direksyong tinatahak ng barko, pero dahil sa bilis nto, sila ay naabutan.

Secrets Of The SEA That We Never Knew Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon