Silang lahat ay namangha sa kanilang nakita. Isang napaka gandang paraiso ang sumalubong sa kanila. Isang lugar na tila'y maliit na bersyon ng Greece. Maraming mga matataas na poste ang nakatayo sa lugar at may kakaibang disenyo, na kung susuriing mabuti ay kapareho ng mga corintian at doric designs ng mga Griego.
Malapit nalang ang daungan, ngunit ang kanilang sinasakyang bangka ay naisadsad sa isang mababaw na parte, sanhi ng sapilitan nilang paglusong sa tubig papunta sa lupa.
Sa kanilang paglalakad, napansin ni Dr.Dave na may nakaukit sa sahig, ngunit natatakpan ang ilang parte nito ng alikabok at mga bato.
Agad niyang tinanggal ang mga iyon gamit ang kamay, at nabuo ang isang larawan.
Agad lumaki ang mata ni Dr.Dave dahil sa nakita. Maliban sa mukha, Mayroon ding mga nakasulat sa linguaheng Griego.
Patuloy sa pagkuha ng mga litrato si Ellies
Agad nakilala ni Dr.Dave ang nakaukit, Iyon ay ang diyos ng tubig, si Poseidon. At ang nakasulat ay "Athlantis". Ang matagal nang nawawalang isla.
![](https://img.wattpad.com/cover/70956534-288-k246742.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets Of The SEA That We Never Knew
FantasíaMarami tayong mga hindi nalalamang mga sikreto ang nananatiling nakatago sa mga kailaliman ng karagatan. Naniniwala ka ba sa mga sirena at sa iba pang mga nilalang sa ilalim ng karagatan? Sabi ng karamihan ay purong haka-haka at pantasya lamang ang...