Wala silang idea kung ano ba talaga ang kanilang hinahanap. Basta ang clue lang nila ay mahanap ang isang estrakturang tinayo ng isang siyentipiko at gamitin palabas ang ginawa nitong makina o kung ano.
Nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa kalagitnaan ng gubat.
"Jayson, kaya mo bang I trace ang coordinates natin?" Tanong ni Dr.Dave kay Jayson.
"Paumanhin doktor, pero tila'y nababaliw ang instrumento. Ibat-ibang mga numero ang lumalabas sa Coordinates X and Y. Kung kaya't di niya matukoy. Masiyadong malakas ang electro magnetic field sa bandang ito ng isla." Sabi niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sa kanilang pag-lalakad, nakita nila ang isang malaking pavillion. Agad silang pumunta rito at nakita ang napakalaking butas pababa. Ngunit wala itong kahit na anong bagay na pwedeng madaanan pababa.
Agad na nilabas ni Jayson ang isang rolyo ng tali, itinali sa isang poste, at inilugay pababa.
Isa-isa silang bumaba sa lugar at tumambad sa kanila ang isang bagay.
"Isang Submarine?" Namanghang itinanong ni Marcus sa kanila. Agad nitong inakyat at nagtangkang buksan ang pasukan sa taas nito. Ngunit masiyadong mahigpit.
"Jayson tulungan mo nga ako" pakiusap nito.
Agad-agad na umakyat si jayson at tumulong sa pag-bukas. At tagumpay silang binuksan ito.
BINABASA MO ANG
Secrets Of The SEA That We Never Knew
FantasiaMarami tayong mga hindi nalalamang mga sikreto ang nananatiling nakatago sa mga kailaliman ng karagatan. Naniniwala ka ba sa mga sirena at sa iba pang mga nilalang sa ilalim ng karagatan? Sabi ng karamihan ay purong haka-haka at pantasya lamang ang...