EAIS 3

18 1 5
                                    

Kriiiiiiining!! Sigaw ng alarm clock ko. Bumangon na agad ako, naligo at kumain na ng almusal.

Habang kumakain ay presko pa rin sa aking isipan ang panaginip ko kagabi. Excited na nga akong matulog. Haha

Pagtapos ko mg paalam kay ermat at erpat ay umalis na ako papuntang eskwelahan.

Ngiti akong naupo sa aking silya at through out the discussion ay active akong nag rerecite.

"Si Beuwolf po" sagot ko sa isang tanong ng prof namin Sa Lit 1.

"Very Good Gean! Kumpleto na ang recitations mo dito. Assured na ang 10% ng 1st prelim grade mo. Keep it up. By the way, give chance to others, ang mga kulelat mong kaklase muna ang rerecite, lalo ka na Niko" sambit ng aming prof at tinuro si Niko. Nilingon ko ito at bigla nya akong inismiran. Problema neto? Umupo na din ako.

"Char. Matalino ka pala?" sabi ng katabi ko. Nagulat naman ako kasi napaka baba ng boses nya. Kung sa choir malamang base sya,  yung tipong ganun. Marunong pala tong mag "Char"? Nahawa ata ni Melai Cantiveros.

"Nakikinig lang" sagot ko naman at ibinaling ang atensyon sa prof ko.

Natapos na ang klase at dumiretso na sa library para mg reseach para sa assignment namin sa next class hndi kasi ako nkagawa ng assignment kagabe.

2 hours ang vacant ko kaya mdyo mahaba-haba ang oras ko.
Dito ang tambayan ko kasi kunti lang ang mga estudyante, di tulad sa ibang parts ng campus na kumpol kumpol ang mga tambay na puro bully. Walang mapili, mapababae man o lalaki, grabe manlait. Baklang chararat dw kasi ako. Pake nila. Pag ako gumanda, mamatay sila sa gulat. Haha bigla ko tuloy naalala mga pambubuli nila.

***
First year college days. 1st sem

"Ako po si Gean Alcantara, i'm silent yet pwede nyo naman akong makausap. Idol ko po ang 1D" pakilala ko sa isa sa mga subjects ko. 1st subject ko yun kaya kabadong kabado. Wala pa naman akong kakilala kasi bagong lipat lang kami dala na rin na kung saan saan naka destino si erpat. 5 years ang contrata niya dito kaya we opted na lumipat na rin. Only child lang ako kaya di kami nahirapan kung saan mg rereside.

"Talaga? sample nga ng kanta nila" dagdag ng prof namin.

".....so let me Kess yu." pagtatapos ko. Bigla naman nagtawanan ang lahat na ipinagtaka ko. Mdyo 30 seconds din akong nagtaka ng ma realize ang dahilan ng pagtawa nila. Kess yu? Omeged na mispronounce lang ang OA naman nila. At simula nun Kessyu na tawag nila sa akin. From then on, Di ko na rin sinasabi na idol ko ang 1D every may introduce-yourself session ang mga class ko, mahirap na.

**
1st year 2nd sem

Sinubukan kong sumali sa pep squad ng skul para subukan kung may silbi ang flexible kong katawan at para mapalapit sa crush kong makalaglag panty kung sumayaw na si Renz.

Sunod sunod na ang pag peperform ng mga applicants after matawag ang pangalan nila. Di ko tuloy maiwasang kabahan lalo na't maraming mata ang nakatingin, kita ng kapwa applicant mo ang performance mo.
"Ano ba yan ang galing naman ng lahat, ako ata ang fe-fail ng mood ng mga judges dito" sambit ko sa isipan.

"Gean Alcantara!" sigaw ng isang member. Pumunta na ako sa gitna. Rinig na rinig ko ang mga bulungan na puro pangungutya, may sumigaw pa ng Go Kessyu! Omeged,  kaba overload na.

"Sige na sumayaw ka na" sabi ni Jane, isang senior. Head ng mga babaeng cheerleaders. Nagchampion din sya sa isang contest na Dancing Duo na lalong nagpasikat sa kanya. Nakaka intimidate tuloy.

Tinugtug ang Move Like Jagger at nag simula na akong sumayaw. Hiphop2x muna ang sinayaw ko tapos sinumulan ko ng ipakita ang flexibility ko. Nakikita ko ang affirmation sa kanilang mukha which shows na nagagalingan sila. At tinapos ko ang pagsasayaw ng pamatay kong split.

"Kreeeeek" boom punit!!!

Omeged!!! Wardrobe malfunction! Lupa!!! Kainin mo ako please.

At nagtawanan sila. Mabilis akong lumabas. Lalo pa akong pinagtinginan ng mga tao sa hallway. Lakad takbo ang ginawa ko sabay tabon ng napunit kong short. Ngunit sa laki ng butas, ay di talagang pwedeng di maiwasang di mahalata ng mga nadadaanan ko ang kahihiyan kong yun.

Sinumpa ko ang araw na yun, mga 2 days din ako ng absent, pero tukso pa rin ang inabot ko.
Hanggang nasanay n lang ako. Kiber na lang!

***
Kaya ngayong 2nd year na ako, umiiwas na lang ako. At ginawa ko ng tambayan ang library.

Natapos ko na ang assignment ko ng biglang tumunog ang school bell, hudyat ng next class. May 1hour pa ako kaya i decided to take a nap.

**
"Hi gean!" ngiting sambit ni Gab. Here i am again. I realized im sleeping in his lap. Nasa isang kiosk kami ng school.

"Gabi na ba? Ambilis naman." tanong nya.

"hindi, napa Nap lang ng saglit sa library" sagot ko at bumangon na.

"Siya nga pala. Yung lindol kanina, di ikaw may gawa nun. Sadyang natural lindol lang yun. It doesnt mean na panaginip mo to eh, you have that outrageous freewill. close to reality pa rin ang ganap dito" singit niya, na medyo ikinasaya ko din. Pero nalungkot din ng kunti kasi akala ko mg kaka power na ako. Hahaha ewan ko ba kay author. Ene be yen.

"Siya nga pala, dumaan yung prof mo kanina at nakita ka nyang himbing na himbing. Pinapapunta ka niya sa faculty room" nakangiti nyang sabi. Halatang green ang iniisip niya.

"Mahirap ma miss ang ganitong opportunity!" at tumayo na at dali daling tinungo ang faculty room.

Pero di ko namalayan na hindi pala plain ang ang daanan sa paligid ng kiosk na yun. Na tisud ako at nasubsub ang mukha sa halamanan.

"Dugo?" sambit ko ng mapansin and pulang kulay sa panyo ko matapos pinunasan ang mukha ko nito.

Hi! Dito na ba mag e-end ang journey sa panaginip ni Gean? Subaybayan!
Vote and comment :)

Every After I Sleep (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon