Chapter 5

6 0 0
                                    

One out of ten. Medyo madali pala 'to kaysa sa inaakala ko. Siyam na lang at maaalis na sa buhay ko ang anghel na 'to at makakauwi na si Alice.

"Nakikita rin ba ng mga target mo yung nakita kong blue na feather?" Tanong ko sa kanya habang nanonood ng tv

Wala na namang nangyari pagtapos nung gabing yun, umuwi na kami at nagpahinga

"Oo, 'di naman bulag si Autumn para 'di makita yun" Pilosopo naman niyang sagot, kailan pa siya natuto sumagot ng ganito? Hindi ko na lang papansinin para maiwasan ang hindi pangkaraniwang pag-uusap

"Hindi ba siya magtataka kung ano yun? Paano kung sabihin niya sa iba?"

"Pagtapos ng misyon natin sa kanila or nakuha na natin yung positive essence, makakalimutan nila yung about sa ating dalawa" so I don't have to worry about sa mga targets as long as makuha ko sa kanila yung kailangan namin

"Doggy, bakit namatay yung mama mo?" Kailangan ba talagang alamin? Hindi ko na lang siya inimik at naghahanap ng mapapanood

"Kakausapin mo ng maayos di ka naman sasagutin, may sayad yata" Sabi niya tsaka pumunta sa kusina,

Nakakailang pindot na ako sa remote pero wala pa rin akong mahanap na matinong palabas. Bukod sa araw na 'to, kailan nga ulit ako huling nagbukas ng T.V?

Oo nga pala, kailangan ko pang bilhan ng damit si Athena. Hindi naman pwedeng damit lagi ni mommy ang susuotin niya

"Doggy!" Sigaw niya mula sa kusina pero 'di ko na pinansin. Anghel naman siya, kaya naman niyang solusyunan yun gamit ang magic niya

"Xander Ford Esquivel!" Bigla siyang tumakbo palapit sa akin, umiilaw yung kwintas niya

"May malapit na target!" Napatayo ako sa sinabi niya, kailangan makuha na namin agad yun para mas mabilis akong makahiling

"N-Nawala..." Walang ganang sabi ni Athena, huminto nga sa pag-ilaw yung kwintas niya

"Baka sira na yang kwintas mo" Bumalik ulit ako sa pagkakaupo sa sofa

"Hindi! Hindi nagkakamali 'tong Crys-" Napahinto siya sa pagsasalita dahil biglang tumunog yung telephone "May mamamatay!" Bigla niyang sigaw at parang ewan na nagpapanic sa loob ng kusina

"Athena, tigilan mo nga yan!" Napahinto siya sa pag-papanic at mukhang nagulat din dahil sa pagsigaw ko

"Sino 'to?" Sabi ko sa kabilang linya ng telepono

"Xander Ford Esquivel diba? Magkita tayo mamaya sa park, 3 pm isama mo yung anghel" Pagkasabi niya nun bigla na lang binaba yung tawag

"M-may tao sa loob niyan?" Tanong niya sa akin habang papalapit sa telephone

"Ewan ko sayo" Hindi ako mapalagay sa tumawag, paano niya nalaman yung tungkol kay Athena? Anong kailangan niya bakit gusto niyang makipagkita?

"Alam mo ba, sa langit kapag may ganung tunog, ibig sabihin may mamamatay. Kaya akala ko kanina may hahatulan na naman" Sabi niya habang sinusuri yung telepono

"May tanong ako, kung mahanap man natin yung susunod na target, kailangan ko lang siya paaminin, diba?" Paninigurado ko para alam ko na ang gagawin sa susunod

"Hindi." Diretso niyang sagot at ngumiti na parang sobrang inosente "Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mo lang magpaamin, depende yun sa trait na hina-hunt natin. For example kay Autumn, ang trait na pinipigil kasi niya sa sarili niya ay Honesty, kaya simpleng pagpapasabi lang ng totoo ang kailangan niyang gawin"

It means hindi pare-pareho ang way para makuha yung positive essence. Akala ko pagpapaamin lang ang kailangan nilang sampu

"Paano ku-" napahinto ako sa sinasabi ko ng bigla ulit siyang nagsalita

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon