Chapter 2

13 0 0
                                    


"Xander Ford Esquivel, saan tayo pupunta?"

Simula pagka-alis namin sa bahay naririndi na ako sa babaeng 'to

"Please, pwede bang hintayin mo na lang na makarating tayo? Malapit na. And please, quit calling me Xander Ford Esquivel all the time!"

Sinadya ba ng Diyos na gawing weirdo ang mga anghel niya?

"Eh? Diba Xander Ford Esquivel naman pangalan mo?"

Siguro isa sa mga kailangan nito bago makaakyat sa langit ay common sense!

"Obviously, full name ko ang Xander Ford Esquivel! You can simply call me Xander! Common sense Athena!"

Bakit kailangan ko pang magdusa kasama ang anghel na 'to

"Okay. Magkano bili mo sa kotse mo?"

May connect ba sa kanya o sa mission niya kung magkano 'tong kotse ko

"Shut-up. It's none of your business"

"Tinatanong lang naman kung magkano 'to e"

Sinilip ko siya sa backseat, nagmumukmok ang anghel. Ang cute rin pala niya pagtahimik lang siya

"Regalo lang 'to sa akin. Ni daddy."

Naalala ko na naman, kung naging malakas lang ako nung araw na yun sana kasama ko pa rin sila

"Hmmm, ano yung daddy?"

Pinagtitripan ba ako ng babaeng 'to?

"Seryoso? Hindi mo alam? Daddy yung tawag ko sa papa ko"

"Nasaan na pala yung mama at papa mo? Bakit ikaw lang mag-isa sa bahay niyo?"

Kailangan ba talaga niyang iungkat yung nakaraan ko? Pati pala anghel ngayon chismosa na rin

"Oo ako lang mag-isa sa bahay. Bumaba ka na"

Sabi ko sa kanya pagkahinto ko ng makina ng kotse

"Paano?"

Sabi niya habang sinusubukan itulak yung pinto

Tumayo ako sa driver's seat at lumipat sa backseat para tulungan siya

"Una, itaas mo 'tong lock. Tapos hilain mo 'tong lever at itulak mo"

Pagkatapos ko sabihin yun, nilingon ko siya. Di ko napansin, sobrang lapit pala ng mukha namin

"Salamat!"

Sabi niya at ngumiti ng parang anghel. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam pero ang weird sa feeling

"Xa-Xander? Ayos ka lang?"

Sabi niya habang tinatapik ng mahina yung mukha ko

"Bumaba ka na"

Yun lang nasabi ko sakanya, yun din naman yung ginawa niya

"Bakit ganito? Parang huminto yung mundo ko kanina, isa ba yun sa mga gayuma ng anghel? Tama, baka dahil lang yun sa ability niya"

Bulong ko sa sarili ko

"May sinasabi ka Xander?"

Tanong niya sakin habang parang batang nagpapaikot-ikot ng tingin sa paligid

"Wala, sabi ko ang cute mo"

The hell! Cute? Saan nanggaling yun!

"Talaga? Cute ako?!"

Lagi bang naeexcite ang mga anghel sa mga simpleng bagay? Ano ngayon kung cute siya

"Oo ang cute mo, mukha kang aso"

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon