"God don't give us problems that we cannot pass, He knows us better than ourselves."
Nasa school nako ngayon, hinihintay ko sila sa may gate tulad ng dating gawi. Alam ko medyo napapalayo nako sa kanila kase dina ko madalas sumama sa gala. Minsan dahil may ginagawa pako, nag-aaral ako o dikaya uuwi nako ng maaga. Ewan kodin, I admit it, napakasaya nilang kasama, pero minsan mas gusto ko munang mag-isa at mag-aral. I mean, ng mabuti. Yung walang bulakbol na nangyayari, oo it feels good to break the rules pero parang di nya panahon ngayon e, sorry Satan, pass muna.
Kaya nandito ako ngayon naghihintay sa kanila, para humingi narin ng apologize at maparamdam ulit yung presence ko sa kanila. Hindi naman sa dumidistance ako, I just set limits.
"Hi guys."
"Hi Ira. :)"
Si Fabby yung bumati. Sya mas close ko bukod kay Gel.
"Kamusta naman?"
"Okay lang. Ikaw ah, gara mo na ngayon. Anong nakain mo? Lumalayo kaba?"
"Uy di no. Uhm, wala naman ah? Nagsisipag lang."
"Hmm."
The rest, pagkabati sakin at pag-smile ng konti, wala na. Tahimik na. Ang laki ng pinagbago, lalo na si Gel. Ganto naba kalayo yung gap ko sa kanila? Para kong di ka-member ah. Para ngang di nako kilala e. </3
But I think it's better now. Alam kong anlaki kong tanga para iwan yung mga kaibigan ko pero friends can wait, studies not. Pagkagraduate namin, pwede pa naman kami maghang-out, diba? Kailangan ko lang talaga mag-ayos muna ng pag-aaral ngayon.
Nag start nayung class, konting usap nalang ang ginagawa nila sakin, di tulad ng dati na madalas kami ma-detention sa sobrang pasaway namin sa klase, dinaig pa namin yung mga Hokage Boys sa room. :3
Hayy ano batong si Sir. May pinabibili nanamang project book. Ano ba tingin nya samin? Mayaman? -3- eh amboboring kaya ng pinabibili nyang mga libro, yung tipong para lang sa mga 'scientists-who-want-to-change-the-world' na mga topic ang nandun. hayy nako, kung dilang major subject to, nako talaga.
Buti nalang may ipon ako, yun nalang pambibili ko, saka para mabili ko na mamaya. Di naman sa walang pera parents ko, ayaw kolang humingi sa kanila palagi ng pera. Pag kaya kong bilhin o bayaran ang school needs ko, ako nalang. Pero pag medyo malaki, dun lang ako hihingi. Bait ko noh? ^_^
Natapos din ang school day. Hayy makapunta nanga ng bookstore. Teka, maisama nga si Fabby. Sya nalang kasi yung halos pumapansin sakin eh. :(
To: Fabby ^_^
"Uy samahan mo naman ako, bili na tayo ng project book. Dika paba bibili?"Message sent.
*beep* *beep*
Uy. Fast reply? Hehe.
From: Fabby ^_^
"Sorry di ako pwede eh, dito ako sa tita ko. Next week pako bibili eh."To: Fabby ^_^
"Ay osge. Bye."Message sent.
I think I'll just go there all by myself. Yung 'boyfriend' ko? Diko pa nga nakikita eh. -_- soon I'll end up this shit. Anhirap yung nakatali kapa pero walang sense. Di tuloy makaflirt sa ibang boys. Ay dejoke lang. Pero may point naman ako diba? :3