SimulaI hear the word 'love', and I still see your face. No matter how hard I try, no matter how hard I try to stop, it's still you.
Kaya nung nakita kong isinama mo siya ngayon, sa usual table natin sa coffee shop na yan, parang bumagyo. Bumagyo at natangay ang katinuan sa ulo ko. Umulan ng malakas, tulad ng mga luha kong sana'y mabawasan ang krisis sa tubig.
Bakit ba nandito siya? I'm trying to move on. Kaya nga idinala ko si Stephanie rito. You pushed me away, Bleu. Pero bakit habang tinitingnan mo kami, umiiyak ka?
Hindi ko maiwasang mapalipad ang mga mata kong pulang-pula na sa direksyon nila. Basta't kumikirot ang puso ko. Bakit mo ginagawa sa akin to, Red?
Pwede bang tigilan mo na ang pag-iyak? I'm trying my best to keep a straight face. Pero ang gusto ko lang talagang gawin ngayon ay pawiin ang mga luha mo. Gusto kong halikan ka. Ngayon na. I don't care kung makita man yun ni Stephanie ngayon.
Napapikit ako sa sakit. Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin. Sino bang hindi titingin sa akin? Na kanina pa ako nagpipigil na humikbi ng malakas? And it's because of Red. Ang sakit pala talaga. Noon, pinagtutulakan ko pa siya. Ngayong nakita ko na siyang may ibang babae, parang gusto ko na lang siyang kunin ulit! But then... I want him to be happy. Maybe you are happy now, Red, dahil ang lapad ng ngiti mo habang pinipicture-an ka ng babaeng kaharap mo ngayon.
Napipilitan akong ngumiti para sa camera ni Stephanie. Nakapikit ka na ngayon, Bleu, because I know you think na masaya ako kasama si Stephanie. How can I be happy when all I think about is why you are crying now. It's because of me. Right? Lagi namang ako. I accept it. Just take me back!
Umiling ako. Hindi ko na kaya. Pinapahiya ko na ang sarili ko rito. Ang sakit na rin ng ulo ko. Kailangan ko nang umalis. Kaya't tumayo na ako, at umambang aalis na.
She shook her head. Ayaw mo na ba talaga sa akin? Alam kong hindi mo narinig ang isip ko, pero bakit parang hinihindi-an mo na naman ako kahit sa malayo? Why? And why are you going away? Don't go! Alam kong masakit ang ulo mo.
Hindi ko alam kung anong nangyari, basta ba't nadapa pa ako dahil dumilim ang paningin ko ng ilang saglit. At may mga kamay na sumalo sa braso ko.
She almost fell, but I caught her. Hindi mo ba nakikita, Bleu, na kahit literal ka pang mahulog, ako pa rin ang sasalo sa'yo.
I know it's him. I looked into his beautiful eyes.
I looked at my sunshine.
I still want you, Red.
I still want you, Bleu.