Chapter FourMagpapagabi kami ni Second ngayon. And expected, dahil mag cho-choreograph daw kami.
Isang malaking "daw".
Tumawa na naman si Second habang sumasayaw ako ng chicken dance sa harap ng salamin. Hinahawakan niya ang tiyan niya habang tumatawa, na tila ba'y maiihi na siya kapag hindi ako tumigil.
"Oy! Daya mo ah! Ikaw na ang mag choreo ulit!" Umalingawngaw ang malakas kong boses sa paligid. Halos lahat yata ng kabuuan ng lobby ay nasakop na ng boses ko. Kaya't tinakpan ko ang bibig ko dahil baka pasukin pa kami ng guard dito at pagalitan pa kami.
May excuse letter naman kami na magpapagabi kami ngayon. Kaya't hindi kami basta-basta mapapataboy ng kahit sino rito.
Malapit nang mag six o clock. May mga tao pa naman pero nanatili na sila sa labas ng lobby. Sumusulyap sila sa amin kapag naaaninag ang tawanan namin. At nakikitawa sila dahil sa nakakahiyang ginagawa namin.
Tumayo si Second at bahagya akong tinulak para siya na ang nasa gitna ng salamin. Hinintay ko ang gagawin niyang kababalaghan.
"Talo ka na rito." Aniya, sabay salampak sa tiles ng sahig at nag-grind.
"Oh my god! Mahalay!" Tili ko dahil hindi talaga siya tumitigil.
Mas idinidiin niya pa ang sarili niya, at mas binabagalan ang motion kaya't mas nagiging malaswang tingnan.
Tumawa ako at tinabunan ng kamay ko ang mga mata ko. Pero sinisilip ko pa rin siya dahil nakakatawa talaga. Sabayan pa ng ekspresyon niyang tila nasasarapan siya sa ginagawa niya ay sumigaw na talaga ako.
I can't believe the guts of this guy!
May narinig kaming sumipol galing sa labas. Tumigil din si Second dahil pawis na pawis na siya at napagod na. Napahiga siya sa sahig habang tumatawa pa rin.
"Fuck you, Royce! Ikaw lang nakakatulak sa aking gawin 'to!" Sabi niya sa akin.
"We're fair square!" Ani ko. Lumapit ako sa bag at kinuha ang water bottle ko. Uminom kaagad ako.
Tumayo si Second at lumapit sa akin. Inilahad niya ang kamay niya, makikiinom na naman sa bote ko.
Umirap ako pagkatapos kong uminom at binigay din kaagad sa kanya. Uminom siya at umiling.
"We're each other's first kiss." Sabi niya.
Tumawa naman ako. "Excuse me? My lips are reserved for you-know-who, kaya no thanks. You are gross."
Umiling na naman siya. "Ano na ang nangyari sa you-know-who mo? Nakita ko silang magkasama kanina ni you-know-who."
Umirap ako. I know that.
Nawala ang bahid ng tuwa sa aking sistema at pinalitan ng pagseseryoso, at pagkaselos na rin, nang nakita ko ang mga texts ni Red sa akin.
Hindi ko naman siya nirereply-an. It's been days since we last talked. Pero parang wala lang sa kanya. He keeps on texting, updating, kahit na ayaw ko.
Kung noon ay big deal talaga sa kanya kapag hindi ako nakakapag-reply, ngayon ay parang wala na lang sa kanya. Of course, kapag naman kasi may mas mahala na sa'yo, kailangan mo nang tanggapin dahil wala ka nang magagawa.