Chapter Three

30 1 0
                                    





Chapter Three


Tumunog ang cellphone ko.

Second is calling...

Kinuha ko kaagad at sinagot. Uminom muna ako ng tubig.

Nag g-gym ako ngayon. And it's a Monday morning. Two days, hindi ko sinasagot ang mga texts at tawag ni Red. Sina Hazeam at Second lang ang nakakausap ko palagi.

Absent ako ngayon. Partly because ayokong makita si Red. Other reason is tinatamad ako.

"Hey Royce!" Bati ko sa kanya.

He chuckled. "San ka?"

Umirap ako. Tumingin ako sa malaking salamin na dingding, at pinunasan ang pawis ko.

I'm doing really well with this fitness thing. Konting push na lang, and my waist will finally be a perfect 24.

"Oh wait. Let me guess. Gym." Inunahan niya na ako sa pagsagot. Sinarado ko ang bunganga ko na sana'y magpapakipot pa sa paglahad ng lokasyon ko ngayon.

"How do you know?"

"Tss." Narinig kong may nagtanong sa kanya kung sino raw ang kausap niya. Mukhang hindi niya lang man binalingan ng atensyon. "I know you from your face to your butt."

Umirap na ako. Kinuha ko na ang mineral bottle at towel ko at nagbihis na sa banyo. Pina-loud speaker ko na lang ang tawag. Ako lang rin naman ang tao dahil maaga pa.

"Ba't napatawag ka?" Tanong ko.

Tumikhim siya. "Nakalimutan mo na naman? May practice tayo sa dance troupe. Kailangan ang presensya mo."

Tumawa ako. "Ha? Why? Okay na kayo roon."

It's true. Hindi naman din ako masyadong center of attention sa group. I only dance for the reason of sweating and burning calories.

"Tss. Sige na. Please?"

Umiling na lang ako. "Okay fine. Sa dismissal na ako papasok."

"Good. See you."

Second is such a bitch. Siya lang talaga ang may alam sa nararamdaman ko para kay Red. That's why he gave me looks last night. At sumang-ayon sa sinabi ko na hindi namin pagtutuonan ng pansin ang pagkanta ni Red.

Nalaman niya in a way na hindi ako nakatakas.
"Alam mo, may gusto raw si Chad na babae." Aniya nun, nung nilibre niya ako.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Well?"

Hinawakan niya ang mukha ko. Bahagya niya itong iniangat at medyo inilapit ang mukha niya. Mapanuri ang mga mata niya, nanliliit.

Hindi naman ako nagpatinag. Though my heart silently fluttered because of his touch, hindi ako nagpaapekto. Because with this gesture, alam kong naghahanap lang siya ng maaasar sa akin.

"Well.." Sabi niya. Naaamoy ko na ang bango ng hininga niyang tila hindi lang man nabahiran ng garlic rice na kinain namin.

I didn't breathe. Kasi baka maamoy niya yung akin. Nakakahiya! We're close but still. He's a guy. It's different.

He titled my head, at naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko. Hinawi niya ito at inilagay sa likod ng aking tenga.

Umirap ako. Kung hindi ako pinagtitripan, chancing namang masyado.

UncoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon