Chapter TwoI don't know who's more drunk: me or Hazeam. Dahil ngayon, siya ang nag-uuwi sa akin. Hindi ako uminom nang uminom at mas matino pa ang paningin ko, pero si Hazeam ang may hawak ng manibela.
Sumabay na ako sa kanya dahil nasa same subdivision lang naman kami.
Napa-seatbelt ako nang hindi siya tumigil sa red light. Grabe ang pagharurot niya sa sasakyan nung pumula ang ilaw! The cars complained with their horns at tila nakakabingi na. Dagdagan pa ng malakas na tawa ni Hazeam dahil tuwang-tuwa siya sa ginawa niya.
"Haz!" Sigaw ko sa kanya. Pero wala nang magagawa ang sigaw ko. He already did it. He already committed a traffic violation. I won't doubt kung matatagalan bago siya makapag-renew ng license dahil kitang-kita ang violations sa CCTV. But then, he has money. I just don't know kung gagamitin niya, o ng dad niya.
Haz is the son of Romulo Dumuerte. He was our former city mayor. He is now running for president.
I don't know much more kasi hindi naman ako dito nakatira for many years, but I do know that they have money. Not excessive, kasi super humble si tito. Their house is not even that big! And this car is their only car.
Kaya I doubt kung makakatakas si Haz sa violation na yun. Si tito man ang sasalo nun dahil minor pa si Haz, I'm sure pagagalitan siya.
Tumawa lang si Hazeam. Mokong.
Nagpatuloy siya sa ginawa niya, driving like an idiot kahit na may speed limit dito. A part of me wants to grab the steering wheel and change places with him dahil nakakahilo na talaga yung mabilisan niyang pagliko-liko ng sasakyan para makapag-overtake.
But a part of me also sympathizes with him. I know he's cooeing his broken heart right now.
"Pwede ka namang magdrama mamaya pagkarating sa subdivision eh. Pero pwede ba, wag mo akong patayin kasama ng patay mong puso." Sabi ko sa kanya.
Tumahimik siya at medyo binagalan na ang pag-drive. I'm not proud of it dahil hindi naman siya sa mga salita ko tumino, kundi sa sight ng gate ng subdivision namin.
Good. Kasi kung ano man ang maaninag ng gwardiya ngayon sa kanya at sa akin ay mapupunta talaga kaagad kay tito.
Me, I can get drunk anytime or party any time I want because I was raised in Australia with friends na normal lang ang lahat. This is a phase of growing up for my parents.
Pero kay Haz, no. Ni hindi ko nga alam kung alam ba ni tito na uminom siya tonight. Baka naman magpapatulong pa siya mamaya to cover him up. And I'd be willing to do that. He has done me favors in the past. Ito lang ang paraan na makakabawi ako sa kanya, ngayon na nakauwi na ako.
Tumigil ang sasakyan sa may entrance at ibinaba ko ang bintasa sa side ko dahil ito ang malapit sa guard house.
Sumilip kaagad ang guard.
"Hi guard!" Bati ko.
Tumawa siya. "Ay naku, kayo po pala ma'am Royce. Magkasama po kay ni Sir Hazeam?"
Tumango ako.
"Saan po kayo galing, ma'am?"
What?
"Nag dinner lang. Can we enter now?"
"Oh okay, okay po Ma'am Royce."
At may pinindot na siya kaya't tumaas ang harang sa bukana ng entrance. Ngumiti muna ako bago itinaas ang bintana.
Mabagal na ipinadausdos ni Hazeam ang sasakyan. Sa ruta ng bahay namin siya unang tutungo.
"Thanks." Sabi niya.