Chapter 3

8 1 0
                                    

Ang weird naman ni Migs. Bakit kaya un tumakbo? tss. papabol na sana kaso... weird talaga. Anyway, it's a good way to end my day.

Pero hindi pa pala matatapos ang araw na to ng ganun ganun nalang.

'Shamz...' Oh sh*t, Jaco. Teary eyed na ako. God knows how I hope and pray to hear him saying my name again. Don't cry Shammy. Tatagan mo lang. Poker face ang best solution.

'Yes?' Gusto ko pa sana mag smile kaso never akong naging good liar.

'Pwede ba tayong mag-usap?'

'About what?'

'About us.'

'Us? Jaco, wala ng US. Alam mo yan.'

'I know, I just miss you.' He walked towards me, hugged me and kissed me in my forehead.

Then he walked away.

I was like O_O What just happened?

Tapos naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko. Jaco, bakit mo ko ginaganito. Sobrang mahal kita. Akala ko mahal mo ako, akala ko hindi mo ako iiwan, akala ko... hai. madami talagang namamatay sa maling akala. 

Pero masama bang magexpect sa kanya? E ako kasi willing akong gawin lahat para sa kanya e.

Tama. Willing akong gawin lahat.. lahat lahat para bumalik siya sa akin.

Nung iniwan niya ako, nag oo lang ako..

What if...

sabi ko ayaw ko?

Hai. 

 ------------------------------------

* Secret Admirer's POV

Ayun nanaman siya, umiiyak nanaman. 

Pero ano naman ang magagawa ko?

Simula ng makilala ko siya, nagbago ang pagtingin ko sa mga babae.

dati, akala ko puro kaartehan lang sila, kakikayan at pagpapaganda. Pero dahil kay Shamz, naisip ko na ang babae kailangan lang talagang intindihin, alagaan at pasayahin.

Willing akong gawin lahat para sakanya kaso... mahirap.

Ayan na nga at umiiyak pa din siya pero alam ko maya maya pupunasan na nya ang luha niya, ibow ng bahagya ang ulo at didiretsong cr. Tapos pag labas nya, ayun, parang walang nangyari.

Strong girl.

I heard her. She's up to something. Sana hindi na lang niya ituloy.

Anyway, just to clear things up. Hindi naman ako stalker, not much actually. hehe.

I hate to see her in her miserable state. Hindi naman siya dating ganu. Hindi naman siya dapat ganun.

Pero wala naman magagawa. Nangyari na ang dapat mangyari. May isang taong dapat sisihin kung bakit ganto na si Shamz ngayon. Hai.

-------------

* Shammy's 

Medyo nabuhayan ako ng loob ha. Tama. Medyo nawala ako sa sarili ko nung mga nakaraang buwan kaya nag pakalango sa kalungkutan. Bakit ngayon ko lang naisip na ipaglaban ang nararamdaman ko? Sana hindi pa huli ang lahat.

Pero ano ang first step ko? Pati mkakaya ko kaya mag-isa to? I'm sure hindi ako tutulungan ni Aya. Papagalitan lang ako nun. So that's it. Ako na lang bahala sa lahat. Kaya ko ito! Jaco, you'll be mine again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Have loved and lostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon