CHAPTER 4: Come Back ?

20 2 2
                                    

Mami's POV:

I don't know why, but I think magkaayos na sila.

I mean si Haru at Rin.

Kung minsan kasi pag nagkakasagutan yang dalawang yan e hindi nagpapansinan ng 3-5 hours.

Simpleng pag aaway lang yun. Dahil lang sa pizza.

Pero tingnan mo naman, sabay sabay kaming umuwi. Ang seryoso ng pinag uusapan nila. Nakahiwalay sila sa amin ni Timo. Nasa kabilang kalsada sila. Nakahawak si Rin sa braso ni Haru.

Kung hindi mo sila kilala, aakalain mong may relasyon yung dalawa.

Ang sweet nga e. Kinikilig ako HAHAHAHAHA

Tama na nga. Baka masapak pa ako ni Haru kapag nalaman nyang nagkukwento ako sa inyo hahaha

"Mami, teka lang ha." Pagpaalam ni Timo. Tinanguan ko na lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Mami !! Gusto mo?" Aypalakangshemaynamaytaesamukha. Bigla bigla na lang sumusulpot ha! Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"PAPATAYIN MO BA AKO SA GULAT !! BIGLA BIGLA KA NA LANG KUNG SUMULPOT !! ANO KA KABUTE ?!!" Sa pag sigaw kong yun, naagaw ko yung atensyon nung dalawa sa kabilang kalsada.

"Ano na naman yan ToMami?!" Sigaw ni Haru na kasalukuyang hinihila si Rina at tumatawid papunta sa amin. Take note.. (holding hands) HAHAHA

"Itigil mo nga yang ToMami na yan. Nakakapangilabot e" sabi agad ni Timo pagkalapit samin nung dalawa.

"Wow. Nahiya ako ah." Pambabara ko naman.

"Oh mag babangayan na naman kayo"

"Shut up bossu. So.. kayo na ni Baby Dino Princess?" bigla na lang akong nakaramdam ng kamay sa ulo ko. Hinampas pala ni Haru. Awtsuu.

"Excuse me?! Anong tingin mo sakin ? Tomboy? FYI. Unang una, mas maganda ako sayo. Pangalawa, I like boys, I dont dig girls. And LASTLY, hindi ako pumapatol sa mga kaibigan ko na tinuturing ko nang kapatid! Ang incest !!" Sigaw nya straight to my ear. Isa pang Awtsuu. Tinawanan ko na lang.. pero natigilan ako..

"Kid?.." shit si Kid yun !!

Napatingin din silang lahat. And then..

"Rin.. stop this !! Wag kang umiyak. Please lang. Hindi pa tayo sure kung si Kid talaga yun. Tigil na please. Hindi ka pwedeng umuwi na maga yang mata mo. Sesermonan kami ni Tita." Tarantang sabi ni Haru sa umiiyak na si Rin. Niyakap nya ito para pakalmahin. Sus isa kang Hokage na may Breezy moves, Bossu. Two thumbs up 👍👍

Kumalma naman si Rin, pero pag lingon ko ulit sa direksyon ni Kid, wala na sya. Baka imagination ko lang.

"Girls, dito na ako. Ingat kayo ah. Jaa mata ne !!" Nasa tapat na pala kami ng bahay ni Timo.

"Jaa ! Ikamusta mo ko sa kambal mong yummy ha~"

"Mami !? Pati ba naman kambal ko??" Tapos magpout sya.

"Duh. Ikaw lang naman ang hadlang sa pagmamahalan namin ni Timothy e."

"Hoy tumigil ka sa kakailusyon mo. Madaling mag assume. Masakit masaktan. May gerlpren na si Timothy." isa pang Awtsuu HAHAHAHA

"Ang hard mo kay Orenjii" sabat ni Rin, kaya napuno ng tawanan sa tapat ng bahay nila.

"Sige na. Uuwi na kami. See you bukas." And with that, iniwan na namin si Timo at pumasok na sya sa bahay nila.

"Oh. HaRina. Dito na lang ako. Ingat sila sa inyo HAHAHA sigii na bukas ulit." Papasok na sana ako ng gate. Kaso may nakalimutan akong sabihin HAHAHAHA.

"And one more thing. Diretsong uwi ha. Bawal ang eeehmmm. Bata pa kayo." Pang aasar ko sa kanila. Namula naman sila parehas. HAHAHAHA

"Yadaa !! Itigil mo sabi yan e !!" Pag alma ni Haru na parang nagrereklamong bata.

"Ehh? Yabai.." poker face na sabi naman ni Rin habang nakatingin sa baba.

Umalis na rin sila. Hinila na kasi ni Rin si Haru. Kasi naman susugurin ako HAHAHAHA.

Mukhang naging maganda ang paguusap nung dalawang yun. Babalik na siguro ang dating Rin. Salamat kay Haru..

[Eve ._. Kamusta naman? Ako .. ewan ko. Mehh. Sana enjoy kayo kahit papano. Medyo lame, yah right. Alam ko. Iba naiisip ko e. :( so.. enjoy this lame update..]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will It Still Be You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon