| 2 |

4 0 0
                                    

Avi

"Avi napakasama mo! Mang-aagaw! Slut! Whore!" Sabi ng isang kilalang tinig.

"Turing namin sayo kaibigan pero wala inagaw mo lahat. Wag ka na aasa na magiging magkaibigan pa tayo ulit." Malamig na sabi naman ng isa.

Napahagulgol nalang ako sa isang tabi. Hindi ko naman ginusto mangyari yon eh. Ngunit wala pa ako sa katinuan para ipaglaban ang sarili ko.

"Please, kayo nalang ang meron ako." Nakaluhod kong sabi ngunit tinalikuran lang nila ako at patuloy na naglalakad palayo sakin.

"A!!!!! N!!!!!"

"Avi!! Avi!!"

Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang boses ni Manang Tessa. Agad ko siyang niyakap dahil damang-dama ko yung sakit ng pagiwan nila sakin ulit.

"Sssh, Tahan na." Sabi ni Nang habang hinahaplos haplos yung buhok ko. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko don kaya pinunasan ko yung mga luha ko sa mukha gamit kamay.

"Nak, may breakfast na sa baba. Sunod ka na ha." Nakangiting sabi ni Nang Tessa.

"Opo, Nang. Masusunod." Pang-response ko na sinabayan ng pilit na ngiti.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng narinig kong sumara ang pinto.
Napasapo ako ng mukha at bahagyan pinasasampal ito.

Avi.. Avi.. Avi.. Kalimutan mo na sila.

Tama, dapat di ako papaapekto sa kanila. Tama, Tama!

Tumayo ako sa paghiga ko at nagdiretsyo sa CR, toothbrush, hilamos. Inayos yung higaan at bumaba para magbreakfast.

Weekend pa naman ngayon kaya dapat happy akooo.

Bacon and eggs ang ulam kaya naman nakakagana. Eh sa masarap bacon eh! Angal ka? =_=

Nguya lang ako ng nguya ng bacon ng biglang magsalita si Manang.

"Nak, pagrocerry mo pala tayo mamaya. Kung maari lang? Dahil wala na tayong stock eh." Sabi niya habang nakatingin sa ref.

Na-ok sign lang ako kay Nang. Ayos lang naman sakin kasi isasabay ko siya mamaya pagbili ko ng school supplies.

"May pera ka pa naman diyan diba? Yun nalang muna ang gamitin natin." Sabi niya ulit. Ok sign nanaman ako.

Pera? Never yan naging problema saamin, saakin. Kasi nagpapadala ng sangkaterbong pera yung mga magulang ko every month ng 1 milyon.

Haha, feeling ko nga sinusuhulan nila ako eh. Na parang bayaran na anak ganon. Hays.

Pagkatapos kumain ay dali-dali akong naligo at nagsuot ng kahit anong damit na mahablot ko sa closet. Isang pair of jeans at isang simpleng T-shirt at Checkered jacket kasama nila ang Converse shoes kaya nagmukha akong simpleng tao.

Nilugay ko lang ang buhok kong brown at umalis na. Makeup? Nah, I'm not that kind of girl.

Dumiretso ako sa Ford-y ko at pinaharurot ito paalis. Papuntang mall. Sanay na akong magisa magstroll at hindi siya awkward sa pakiramdam, actually mas komportable nga eh. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na madaldal na kayang magbring up ng kahit anong topic. Kumbaga, I'm a bad conversationalist.

Dumiretso ako sa NBS at Supermarket para bilhin yung mga school supplies ko at mga groceries. Syempre dinagdagan ko ng Bacon para laging Bacon ang ulam *U* buti nga naabutan ko pa yung bacon kasi limited lang daw yun, kaya ayun hinakot ko na lahat ^__^

Matapos bilhin lahat ng kailangan ay pumunta muna ako sa favorite spot ko, umupo ako sa isang bench sa park na nasa outdoor area ng mall at nagpahinga. Syempre ikaw naman pumunta sa malayo-layong lugar habang may dalang anim na plastic? =__= Mukha nga akong tanga kanina dahil halos hila-hila ko nalang yung ginrocery ko eh.

I just sat there quiet and feel the cold breeze upon my skin. Kaya gustong gusto ko pumunta dito eh, malamig ang simoy ng hangin at kakaunti lang ang taong pumupunta.

Tumayo na ako't umalis nang makaramdam ako ng pagod at gusto ko nang makauwi.

Agad akong dumiretso sa Parking at sa kasamaang palad ay shet! Nabutas yung plastic ng isang kong ginrocery. Kaya gumugulong gulong yung mga de lata ngayon sa sahig pati yung bacon ko at ibang veggies nasa sahig narin buti nakapackage sila pero nakakahiya mukha akong tanga dito >///<

Agad kong pinulot yung bacon at veggies nang mapagtanto kong may tumulong pala sakin at inabot ang mga de lata.

Tumingala ako ng shet ang gwapo--- este este pero seryoso ngayon lang ako nanghumaling sa gwapo ng isang... Lalaki. Teka, lalaki? Agad akong napalayo nang matauhan dahil syempre allergic ako sa kanila. Aabutin ko na sana yung mga delata kaso nahuhulog ang mga ito.

Napabugtong hininga nalang ako sa inis.

"Miss, tulungan na kita." Sabi ng lalaki. Tinignan ko lang siya ng pataray at di pinansin.

Tsk, pareparehong moves ng mga lalaki.

"Edi wag, magdusa ka diyan!" Sabi niya at tinalikuran ako.

Tse! Di wow sayo, di ko kailangan ng tulong mo. Psh.

Dali dali kong nilagay sa ibang plastic yung delata kaso hindi talaga sila kasya lahat. Napaupo nalang ako sa sahig, dahil masasayang lang effort ko, haysss.

"Psh. Aarte-arte pa kasi." Ay buset! Ba't nandito pa to?

Agad niyang dinala yung anim na plastic, Bacon, Veggies at mga de lata at itinangay ito papunta yata sa kotse niya.

"H-Hoy!"

T-teka, ano siya magnanakaw?

Agad ko siyang sinundan habang may kaba na namumuo sa dibdib ko. Syempre marunong ako ng self-defense pero syempre naman babae ako lalaki sya.

Nilagay niya yung groceries ko sa loob ng kotse niya. Teka, anong modus to? Tsaka yung bacon ko last na piece na yon at next next month pa daw magkakaroon ng stock. Hindi pwede kunin niya ito sakin.

Pagtas niya may gawin sa loob ng kotse niya ay lumabas siya teka, p-pati ako hoholdpin niya?

Pagkatapos niya kunin groceries ko katawan ko naman? Waaaaag.

"Oh!" Napapikit nalang ako't hinintay yung patalim na itusok sa katawan ko ngunit wala akong naramdaman.

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko at nangitla ako ng nakalahad ang kamay niyang hawak hawak ang groceries ko na ngayon ay naka-eco bag na. Dali-dali ko itong hinablot at dali-dali tumakbo papuntang sakyan ko. Nilagay ito sa back seat at pinaharurot ng mabilis.

Shet, ba't kasi ang lawak ng imagination mo Avi. Nakakahiyaaa >////<

Ms. Anti-BoyfriendWhere stories live. Discover now