Avi
Maaga akong nagising ngayon para pumasok. Ewan ko naunahan ko ngang magising ang alarm clock ko. Dali dali kong ginawa ang daily routine ko at bumaba para kumain.
Syempre ako naman heto, excited dahil binilin ko kay Nang Tessa bago nagmadaling pumunta sa kwarto ay Bacon ang ulam kahapon.
Kahapon...
Haysss, naalala ko nanaman yung katangahan ko kahapon. Yaaah, kailan ka pa naging Overeacting Avi. Aish! Kainis naman.
"Nak, ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah."
Tanong ni Nang Tessa kaya nabalik ako sa realidad. Ngumiti lang ako sakanya ng alanganin at nag-thumbs up.Agad kong tinungo yung dining set at umupo. Nakahanda na yung plato at kutsara tinidor pati kanin kaya nakangiti akong kukuha ng pinakamamahal kong bacon nang..
Teka, ba't walang bacon? T^T
"Nang, sabi ko bacon ngayon eeeeh."
"Eh nak, wala ka namang binili na bacon. Kaya nga sobrang nagtaka ako kahapon na wala kang nabili na bacon eh kadalasan tumpak-tumpak ang binibili mo." Mahabang lintanya ni Nang.
Luh?! Bumili kaya ako ng Bacon. Impossible namang...
O_____O
"Una na ako nang." Sabi ko at sumubo ng isang ham. Agad akong dumiretso sa driver ko at sinabing dumaan muna ng supermarket.
Agad naman ako naghanap ng bacon kaso nga... Next next month pa daw magkakaroon ng Baconaires. Ang tanging brand ng bacon na kinakain ko.
Argh! Di pwede to! Pagkatapos kong madismaya sa paghanap ay lamyang-lamya akong nagpahatid sa CCU. Syempre hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na ng classroom sa kadahilang malapit na mag---
*KRING KRING*
Agad kong diniretsyo ang seat ko at saktong nagbell. Wooh! Muntikan na yun.
Argh. Buti nalang. Kaso arghh! Malas! Wag mo sabihing naiwan ko sa kotse ng walangyang lalaking yon ang bacon ko. Tsk.
"Goodmorning class!" Sabi ng professor namin at bumati lang kami ng 'morning' sakanya habang nakaupo.
Sanay nanaman sila saamin kaya di na sila umangal.
"A very beautiful morning, dahil may bago kayong kaklase." Sabi ni Prof. Yung iba mukhang naexcite syempre ako wala akong reaksyon dahil wala naman akong pake sa bago naming classmate, buti sana kung mababalik nun yung bacon ko, Psh.
"Gentlemen, you may now enter." Sabi ng prof at pumasok ang isang lalaking matangkad.
Makapal ang kilay
Pointed nose
Rounded chinky eyes
Pinkish lips
At well built ang katawan.
Teka, Avi are you checking him out? Nahihibang ka na ba? Tsaka parang pamilyar ah...
Agad nagtilian ang malalandi kong kaklase nang maharap na niya ang mukha niya sa klase. Naglalakad lang kasi siya kanina kaya sideview lang ang nakita kanina.
"I'm Alex." Sabi ng lalaki. Teka, parang nakita na talaga kami---
"YOU!?" Sabi ko at automatic na tumayo. Kaya agad akong nakahakot ng atensyon galing sa klase at galing kay ma'am.
"Me?" Sabi niya at tinuro ang sarili niya ng walang reaksyon. Aba, putek ang angas errrr.
"YES YOU! BACON STEALER!" Sabi ko. Agad
Naghari ang katahimikan sa classroom nang biglang humalakhak ang walangyang lalaking to.At pakshet, kasi buong buhay ko ngayon lang ako pinagtawanan ng buong klase.
Oo, nakijoin sila sa pagtawa ng walangyang Alex na to na halos mangiyak-ngiyak na kakatawa.
"Hahahaha, Si Ms. Anti-boyfriend may obsession yata sa bacon."
"OMG! So childish. Ahahah."
"Hahaha. Nakakatawa naman siya. Bacon Stealer? The heck?! Ahahahah"
Agad ko naman silang sinamaan ng tingin nang makarinig ako ng comments, kaya ayun tahimik. Ha! Mga loser ang lakas ng loob pagtawanan ako argh!
"So.. Mr. Bacon *giggles* I mean Mr. Alex kindly seat beside..." Luminga-linga si prof para maghanap ng uupuan. "Ms. Salvadore."
"Hell no! I ain't gonna seat beside that ugly guy." Sabi ko at binigyan ng death glare si Alex.
"Wala ka nang magagawa Ms. Salvadore and besides there's no other chair beside the chair next to yours." Sabi ni Prof at ginesture si Alex-guy na pumunta sa tabi ko. Agad naman siyang pumunta sa chair na katabi ng sakin at umupo don.
Wala na rin akong magagawa kaya inirapan ko nalang siya. At hinarang ang napakaganda kong bag malapit sa kanya. Bandang binatana kasi ang pwesto ko kaya dumikit ako ng husto doon at dumungaw lang habang dada naman ng dada ng kung ano ano yung prof sa harapan. At syempre wala na akong pake dun.
Alex
Putek! Ang cute talaga nung babaeng yun. Mr. Bacon daw, Hahaha sige na ako na corny. ( ^ω^ )
pero, WAHAHA ang kulit maasar. Mukhang aswang na umuusok yung ilong.
Anyway... Ang galing kong mag-acting noh?! Kunyare di ko na sya matandaan. Oh diba Best Actor! dapat pala mag-artista nalang ako kasya mag-model. Pero kahit na! Magaling pa rin ako mag-acting(≧∇≦)
Anyway, Highway ba yun? Ewaan, Basta! I'm Alexander Phoenix Herera, oh diba? pangalan palang... BOOM! tss... moody daw ako... ay oo nga moody ako hehehe. Gwapo daw ako ay mali GWAPONG GWAPONG TO THE zillion times. Mahangin din daw weeehhh??! Di nga? nagsasabi lang naman ako ng totoo ehh??*(*^◯^*)
Ok at dun nagtatapos ang aking napakagandang introduction. Pweeee! Ano ba yan nakalabwisit 'tong panot na 'to dada ng dada.
Ang BORING!!
Agad akong nag-evil smile nang biglang mag-ting utak ko. WAHAHAHAHA.
Tumingin ako sa katabi ko at kinalabit. Weeee excited na akong makita yung mukha nya pag-naasar.
*poke poke poke*
Nge! Bakit ayaw nya lumingon?! Waahh!! First time ma-ignore yung kagwapuhan ko! T^T arrghh...
*poke poke poke pok----
"Errr...ANO BA KANINA KA PA AH!! YOU STUPID BACON STEALER!!" Wahahaha. Ayan na naman yung mala-aswang nyang mukha na may umuusok na ilong!Tumawa ako ng tumawa ng...
*pak*
Arayy!! T^T ansakit! Hinamasmas ko yung mukha kong sinutok nya! Whaaa... Hindi lang sya Bacon Addict, Sadista pa. Magsasalita sana ako nang...
*KRING KRING*
Avi
Buti nalang talaga nagbell na kundi hindi lang suntok aabutin ng bwisit na lalaking yan sakin.
Tsaka who the hell is he para hawakan ako, grrrr.
Agad akong dumiretsyo sa CR carrying my health kit. Agad akong nag-wash ng hands at naghilamos. Nilagay ko din nang sanitizer yung area kung saan niya ako pinoke.
Sunod na pumukaw ng atensyon ko ay yung reflection ko sa salamin. Gosh, mukha akong haggard. Kasalanan ng bwisit na lalaking yon.
First time. First time may gumawa non, at lalaki pa. Ha! Di niya siguro ako kilala.
Pwes, kung kailan kong isampal sa mukha niyang ako si Ms. Anti-Boyfriend gagawin ko para matantanan niya lang ako

YOU ARE READING
Ms. Anti-Boyfriend
Teen FictionStory by: cupcakehugs_ [formerly psycho_goddess07] Si Avi. Isang bipolar na babaeng ayaw na ayaw sa lalaki ay makakahanap ng katapat niya. Ano kayang mangyayayari sa buhay niya bilang Ms. Anti-Boyfriend? Taglish | 2016 WARNING: medyo cliché