Avi
Matapos ng mahaba kong monologue sa loob ng CR ay napagpasyahan kong lumabas para makipagkita kay Amiyah.
"Loka ka! Antagal mo sa CR. Onti nalang, iisipin kong tumae ka dun." Sabi ni Amiyah habang nilalantakan yung lunch niya. Ako kinakain ko na yung Chocolate souffle na order ko sa canteen. Heaven *Q*
"Baliw." Sabi ko nalang dahil masyado akong focus sa Dessert na kinakain ko.
Meron kaming sariling table ni Amiyah dito sa canteen eto yung cornermost part ng canteen, katabi ng artificial fountain. Syempre, exclusive to samin kaya walang umuupo dito.
"Nga pala best! Bacon Stealer!?" Sabi ni Amiyah while wiggling her brows, kaya biglang napatigil ako sa masarap na kinakain ko at sinamaan siya ng tingin.
Yung tipong tingin na akala mo may laser. +_+
"Chilll! Nalaman ko lang yun kay Erica. Hahahaha, grabe epic daw yung away niyo nung lalaki." Sabi ni Amiyah. Na halos mabilaukan ako sa sinabi niya.
Argh! Humanda ka sakin Erica.
Sya si Erica Nicolette Takashi. Siya ang school's bestfriend, in other words, Friendly. Kaso nga lang, Gossiper siya. Chismosa, masyado yatang pinanindigan ang pagiging Information officer ng school's gazette. Siya lagi ang pinagmumulan ng mga chismis.
Putek, at dinamay pa ako =___= Lagot talaga yun pagnag-krus kami ng landas.
"Avi, ano ba kasing---"
Naputol ang sasabihin ni Amiyah nang..."ASWANGGGG!!!"
Aba't ang kapal talaga ng mukha netong hinayupak na to na tawagin akong aswang at umupo pa sa tabi ko. Agad naman akong napalayo dahil allergic nga ako sakanila.
"Hoy! Umalis ka nga dito! Upuan namin to eh!!" Sigaw ko sa walangyang Alex na to. At putakte, nagdala pa ng kasama niya."Chill ka lang Aswang, wala na kaming maupuan eh." Pa-cool niyang sabi. Sasagot na sana ako sakanya nang tinawag niya yung mga takte niyang kaibigan at nagsiupuan sila sa table namin.
"Hoyy, wala kay—" at tae, pinutol naman ni Ami yung sasabihin ko. Bahala nga kayo diyan, sinasayang ko lang laway ko sa mga walang kwenta =__=
"Hi, Friends!! I'm Amiyah Corson pala! Bestfriend ni Avi." Sabi ni Amiyah at nakipagkamay kay Alex.
"M-miya..." Narinig kong bulong ng lalaking mukhang chickboy. Tinitigan niya si Amiyah ng ilang segundo at umiwas din.
Tsk. Ang weird naman ng mga takteng to.
Di ko nalang sila pinansin at kumain nalang ng Chocolate souffle ko. Psh.
Alex
"Hi! Alex's the name. Nice to meet a beautiful lady like you." Sabi ko dito kay Amiyah, na bestfriend ni aswang.
Avi pala pangalan non. Pangalan palang pala talaga mataray na.
"Alex, sino namang tong mga kasama mo?" Sabi ni Amiyah habang nakatingin kay Laser na mukhang walang pake sa mundo.
Sa totoo lang, maganda tong si Amiyah eh. Type ko sana eh kaso taken na ako, Si Avi lang ang aswang sa puso ko.
Lul. Corni.
Hahaha ang sarap kasi nyang asarin. Parang aswang na umuusok ang ilong hahahaha.
"Eyooo! I'm Enzo Davis!! Nice to meet youuu!" Sabi ni Enzo nangiting ngiti at nakipagkamay kay Amiyah. Inabot niya din kay Avi yung kamay niya kaso tinignan niya lang to.
Loyal talaga si babes ko sakin. Ahahahaha.
"Laser Montero." Sabi ni Laser habang nakapokerface, inabot ni Amiyah yung kamay niya kaso tinignan lang ito ni Laser. Kaya kinuha ni Amiyah ang kamay niya ay kinamay dito.
At ang weird lang, dahil palihim na ngumiti si Laser.
Eh putek! Once in a blue moon lang ata ngumiti ang uggok na yan eh. Tsk.
"Kilala mo na ako, miya." Sabi ni Kurt habang nakatingin sa pagkain niya. Seryoso ang boses niya kaya nakita ko sa pheriperal vision ko na napukaw din nito ang atensyon ni aswang.
"Ahhh, yung babaerong lalaki na paglalaro lang sa mga puso ng babae ang ginagawa?" Sabi ni Amiyah at ngumiti ng mapait.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Meron ba kaming malaman tungkol sa inyo ni Amiyah, Kurt?
Avi
Nagulat ako sa sinabi ni Amiyah. At nakikita kong ganun din ang nararamadaman nila Alex (fine, di ko muna siya aawayin ngayon) dun sa lalaking mukhang chickboy.
"Mas kilala mo ako diyan miya. Sa tagal ba naman ng pagsasama natin?" Ngumiti ng nakakaloko yung lalaki kay Amiyah habang namumula naman sa galit si Amiyah.
Nanatili naman kaming tahimik at pinakiramdaman ang temsyon.
Pagsasama?
Agad naman naginit ang ulo ko sa nalaman ko. Syempre bilang bestfriend niya wala dapat lihim sa isa't isa. Kaya nga kahit nakakatakot, sinabi ko sakanya ang nakaraan ko. Pinagkatiwalaan ko siya ng sobra tapos siya pala ang magtatago ng lihim saaming dalawa?
Tatayo na sana ako nang maunahan ako ni Alex, na may cold expression. Mas lalo akong nagulat nang hilahin niya ako palayo. Syempre pumiglas ako dahil wala akong panahon makipagpikunan sakanya.
"Ano ba!" Napasigaw ako ng maputol yung takong ng sapatos ko kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Hehe! Peace!" Sabi niya at nagpeace sign. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi nakakatuwa Alex! Bakit mo ba ako hinihila?" Sigaw ko ulit sa kanya. Nakakapanginit ng ulo, hindi ba niya alam na naasar na ako kay Amiyah tapos dadagdag pa siya't hinila ako sa likuran ng school.
"Wala. Trip ko lang hahaha!" Sabi niya at tumawa ng parang baliw.
"Pwede ba! Bakit ako pa napili mong pagtripan!!? Nakakainis ka! Nakakabanas ka! Nakakairita ka! Please pwede ba layuan mo na ako! Hindi mo ba ako kilala pwes magpapakilala ako!! Ako si Avianna Phoebe Salvadore ang Ms. Anti-Boyfriend. Allergic ako sainyong mga hayop na lalaki. Kaya please lang tantanan mo na ako!!" Sabi ko't nababadtrip sa walang kwenta niyang sagot. Sobra sobra sobra na talaga akong nakukulitan sakanya para syang linta na kapit ng kapit sakin.
Natatakot ako! Baka... Baka... Mapalapit ako sakanya at... at... Mangyari na nanaman ang lahat. Mangyari na naman ang lahat ng nangyari sakin. Ang...ang..IWAN AKO NG LAHAT!
"A-Avi..."
Tawag niya sakin. At nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya.
"A-Ano?" Nagulat ako na makitang ang kaninang mga matang nasasaktan ay naging seryoso.
"Ipapaalam ko lang sayo na kahit ilang beses mo akong pagtulakan ay gagawin ko ang lahat para pansinin mo ako. Hindi kita susukuan."
Sabi niya at nilisan ang lugar.At sisiguraduhin ko din sayo na hindi ako magpapadala sayo.
YOU ARE READING
Ms. Anti-Boyfriend
Teen FictionStory by: cupcakehugs_ [formerly psycho_goddess07] Si Avi. Isang bipolar na babaeng ayaw na ayaw sa lalaki ay makakahanap ng katapat niya. Ano kayang mangyayayari sa buhay niya bilang Ms. Anti-Boyfriend? Taglish | 2016 WARNING: medyo cliché