| 5 |

1 0 0
                                    

Alex

"Eh Pre?! Bakit mo ba gustong magpapansin sakanya?" Sabi ni Enzo.

Nagsaskype kaming apat ngayon. Mga hating gabi na pero gising parin ang diwa naming lahat.

"Baka naman inlababo na ang uggok natin." Singgit naman ni Kurt.

Inexplain na ni Kurt yung sakanila ni Amiyah, kaya hindi na namin tinuloy yung tampo namin. Wala din namang patutunguhan, at inamin niya na din samin.

"Hoy Alex! Andyan ka pa ba?" Nabigla ako sa sigaw ni Enzo.

"Hoy! Kanina ka pa ah! Nakakabingi na." Sigaw ko pabalik. Narinig ko lang na nag-tsk si Laser at hininaan ang volume ng headphones niya.

"Hehe! Peace!" -Enzo

"Basta! Tutulungan niyo ako kay Aswang! Kailangan mapansin niya ako!" Full of conviction kong sabi nang maalala ko yung nangyari sa likod ng school kanina.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit ko gustong mapansin niya ako. May naguudyok lang sakin bandang dibdib ko na gawin ko iyon.

Pero...

Syempre, mostly gusto lang talaga siguro rin makita ang mala-aswang na umuusok ang ilong na mukha niya. Hahahaha, tuwing naiisip ko talaga yung mukha niyang yon. Di ko talaga mapigilan tumawa.

"Abnormal." Naring kong sabi ni Laser sa kabilang linya.

Aba't!!

"Hahahahaha. Oonga naman. Baka kung sino inisip mo dyan Lex?" Sabi ulit ni Kurt habang kumakain ng chips sa harap ng desktop niya.

"Di kaya, Inlababo ka na talaga kay Avi, boss?" Sabi ulit ni Enzo na mataman akong tinignan sa screen.

"Ha! As if." Sambit ko at naramdaman ko nalang pang pagtibok ng puso ko na para bang tumutol sa sinabi ko.

***

*Bzzzt Bzzzt Bzzzt*

Pikit-mata kong inabot yung cellphone kong nagvavibrate at sinagot ang tawag.

"He—"

[ALEX! NASAN KA NA BA? KALA KO BA NGAYON ISASAGAWA YUNG PLANO EH MAY BALAK KA PA YATANG UMABSENT EH!]

Napabalikwas agad ako ng pagkahiga at dali-daling tumingin sa side clock ko at...

Shit!

7:00 na!

Dali-dali kong ginawa ang ritwals. Ay teka baduy pakinggan, mga routines ko nalang. Tama, routines.

Nag-totoothbrush ako nang mapansin ko ang malalaking BAGS sa ilalim ng mata ko kaya, bakla man pakinggan ay kinuha ko yung conceler sa kwarto ni ate at tinakpan ito.

Tsk. Syempre dapat gwapo ako ngayong magpapansin ako sa aswang ng buhay ko. Hahaha.

Ay teka, mamaya na tawa. Late na pala ako!

Kaya nag-malaflash na ako at agad nakapunta
sa university gamit ang motor.

***

Avi

"Please, Please, Please!" Mahinang bulong ko sa sarili habang naka-cross ang fingers ko.

Please sana hindi siya pumasok ngayon nang matahimik ang buhay ko kahit isang araw lang T^T

Bigla akong nabuhayan ng loob ng mag-bell na. Woooh! So it means—

"Sorry I'm late!!"

Agad napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng simangot nang mali ang hinala ko.

Arghhhhh! Malas! Malas! Nakakainis talaga! Hayyys. Kala ko matataguyod ko ang araw na to na matahimik.

Oh well, so much for thoughts =___=

"Hiii Aswang ng puso ko!" Sabi ng katabi ko dito at umupo. Inirapan ko nalang siya at di pinansin.

Tsk. Baka masira pa araw ko.

Ay nasira na pala! Pumasok yung asungot eh! Grr.

"Babes naman! Pansinin mo naman kagwapuhan ko." Sabi niya na parang hindi siya naapektuhan sa sinabi ko kahapon.

Aish! Bahala siya dyan sa buhay niya.

I took a glance sa pinapasulat samin ni Ms. Ferrerra na nasa board. Psh. May libro naman ipapasulat pa.

Ipophotocopy ko nalang yung libro at idikit yun sa notebook. Para naman may kwenta pa yung pinabili nila saamin no. Kaya humiga nalang ako sa armchair ko at nagpahinga.

"Psst. Psst."

Bulong ng hinayupak na to.

Di ko lang siya pinansin at pinagpatuloy yung pahinga ko nang mas lalong lumakas yung pagtawag niya.

"Pssst! Pssst!"

"Hoy. Tumahimik ka nga kitang natutulog ako dito eh." Naiinis kong tugon sakanya.

"Bakit di ka nagsusulat? Sabi ni Ma'am ang di daw magsulat, hindi magrerecess."

"Pake mo ba? Tsaka di ako uto-uto tulad mo no!" Sabi ko at umayos ng pagkahiga sa desk ko.

Narinig ko naman ang pagsinghap niya.

"Tss. Bahala ka nga diyan." Sabi niya at nagpatuloy sa pagsulat.

Buti naman! Pinikit ko lang yung mata ko at naimagine ng good things. Makakapunta na ako nang dreamland nang...

O_____O

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!"

Napatayo't Napatawa ako nang malakas sa biglang pagsiko ni Alex sa tagiliran ko.

Wag sa tagiliran ko, dyan ang weakness ko T^T

"Ms. Salvadore! Mind to share why are you laughing in the middle of our discussion?" Mataray na sabi ng prof habang may hawak na whiteboard marker at nakataas ang kilay. Mangilan-ngilan ang nanood kasi yung iba mukhang nasindak kay Ma'am Ferrerra.

"Tch." Inirapan ko lang siya at sinamaan ng tingin si Alex na nagpipigil ng tawa sa tabi ko.

Batukan kita dyan eh #><

"Hindi porket isa sa mga mayor stockholders ang family mo Ms. Salvadore ay pwede ka nang umasta ng ganyan. Where's your notebook?" Sabi niya ulit at papalapit ng papalapit sakin.

"Pst." Sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sakanya at napatingin ako sa notebook niya na pasimple niyang hinagis sa sahig.

Pinanlakihan niya ako ng mata pero inirapan ko lang siya.

"Tss."

"Where's your notebook Ms. Salvadore?" Aniya.

"Tss."

"Fine. I will just report this to your paren--" I cut her off nang wala na akong nagawa kundi kunin yung notebook na hinulog nung uggok at iprinisinta yon sa panget na prof na to.

"Eto na! Daming dada." Pokerface kong sabi.

Mukha siyang nadismaya base sa expressions niya siguro kulang-kulang yung notes ni Alex tapos ginawa niya to para pahiyain ako no.

Argh. Boploks talaga---

"N-Nice handwriting Ms. Salvadore you may now take your seat." Sabi niya na medyo pahiya. Ha!

Nakita ko naman naghigikan yung iba kong kaklase.

Buti nga sayo =__=

Pagkatalikod ng panget na prof ay tinginan ko muna yung notebook ng uggok bago ito itapon sa mukha niya.

Kasabay naman nun ang pag bulong niya sakin ng...

"You owe me."

At kumindat pa ha. Pwe nakakarindi talaga yang gwa--- PANGET mong mukha =__=

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. Anti-BoyfriendWhere stories live. Discover now