1 : Speechless

57 8 2
                                    

One shot #1
Speechless

....
Elaine

Lunes. Umuulan nanaman. Ang lamig, napakalamig. Tanging buhos lang ng napakalakas na ulan ang maririnig.

Stranded ako ngayon dito sa Law building ng university namin. Nakasuot ako ng unipormeng pinatungan ng paborito kong pula na jacket, maging ang face mask ko na panakip sa bibig ay suot ko rin.

Bakit ako stranded? Naiwan ko lang naman ang payong ko sa bahay. Inilahad ko ang palad ko upang mabasa ito ng kaunti mula sa munting ulan na tumutulo sa bubong, ang sarap sa pakiramdam.

Nakakacomfort talaga ang ulan. Hindi ko maiwasang mapangiti, kahit stranded ako dahil sa ulan - hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko na napakaganda ng panahong ito. Perpekto.

Bigla akong nakarinig ng mga yapak, lumingon ako para makita kung sino ang gumawa ng ingay na iyon. Si Herald lang pala.

Si Herald ang, matatawag ko siyang best friend ko dito sa campus, oo nga best friend.

Lagi kasi akong nabubully dahil sa kalagayan ko. Siya lang yung hindi humusga sa akin, kaya dahil doon, naging magkaibigan kami, at sa paglipas ng panahon, naging mas malapit sa isa't isa.

Kaya naman laking gulat ko nang lumapit siya sa akin, hinawakan ang magkabila kong balikat, at binitawan ang mga katagang

"Elaine, Mahal na mahal kita."

Wala akong nasabi.

Herald

Ulan. Napakalakas ng buhos nito. Napakaingay ng tunog ng pagbagsak ng tubig sa sahig. Pero hindi ko maipokus dito ang aking atensyon pagkat iniisip ko siya. Si Elaine.

Kanina ko pa siya hinahanap, at ang lakas lakas pa ng ulan! Baka mamaya na paano na yun? Edi hindi ako makakaamin sa kanya!

Bakit pa kasi umuulan ngayon? Ayaw na ayaw ko talaga sa ulan. Basang basa na ako. Napakahassle. Nakakainis.

Panay ang takbo ko sa palibot ng campus at nang makarating ako sa Law building, nakita ko siya.

Kinakabahan ako pero, kailangan ko na itong sabihin sa kanya.

Linapitan ko siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Elaine, mahal na mahal kita."

Inaasahan kong sabihin niya ang mga katagang "mahal rin kita"

pero ang sakit palang umasa.

Wala siyang sinabi.

At ang kinagulat ko ay nakita kong may pumatak na tubig mula sa kanyang mga mata, kahit di naman siya naulanan.

Basang basa na ang kanyang pisngi, kahit di naman siya naulanan.

Umiiyak siya. At iyon ay dahil sa akin. Way to go, Herald.

2 years kong tinago ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ayokong irisk ang friendship namin. Natatakot ako na baka unreciprocated ang nararamdaman ko, at masayang ang pinagsamahan namin.

Panay lang ang iyak niya. Sana pala hindi na lang ako umamin.

Nagulat ako ng bigla siyang nagtatatakbo, wala siyang pakialam kahit pa mabasa siyang ng napakalas na ulan.

[ Isang putok ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon