2: Escape

32 5 2
                                    

One shot #2
Escape

.....
Princess

Ang ganda ng pangalan ko no? Siguro iniisip niyo na napakagara ng buhay ko, at namumuhay ako na parang prinsesa.

Absolutely wrong.

Actually kabaligtaran nga eh. Dahil para akong nabubuhay sa impyerno.

Hindi ko alam kung bakit pero isang araw, bigla na lamang niya akong nilayo mula sa pinakamamahal kong ina at mga kapatid.

Pagkatapos ay namalayan ko na lamang na nabubuhay na pala ako sa ilalim ng iisang bubong kasama ng demonyo.

...
Madalas ay basta basta niya lamang hahawalan ang iba't ibang parte ng aking katawan na walang saplot.

May mga pagkakataon ring pinapaliguan niya ako, at nararamdaman ko ang kanyang haplos sa aking katawan.

Pinapakain niya ako, oo, pero nakakababoy dahil ang nilalagay niya sa plato ko ay tanging tira tira na lamang niya. Ang malala pa ay linalagay niya lang ito sa sahig, na para bang pinagbabawalan akong kumain sa hapagkainan.

Meroong mga araw na kinukulong niya ako sa kanyang silid, at tinatabihan sa kama, habang ang kanyang mga kamay... kay lilikot nanaman.

At para siguradong hindi makatakas mula sa impyerno, bago siya matulog o umalis ay linalagyan niya ako ng kadena.

...

Diba buhay impyerno talaga ako dito?

Pero ngayon na ang huling araw na mabubuhay ako sa impyernong ito!

Dahil napagdesisyunan ko na tatakas na ako, hindi ko na kaya pa ang mga pinanggagagawa dito sa akin ng demonyong iyon!

Lumabas siya ng silid. Naiwang nakabukas ng konti ang pinto.

Di na ako nag aksaya pa ng panahon, dali dali akong lumabas sa silid at tinantsa ang paligid.

Katahimikan.

Nang mapagtantong wala siya sa malapit ay dali dali akong pumunta sa hagdan.

Nakabukas rin ng konti ang pinto palabas - ang pinto na magdadala sa akin palabas ng impyernong ito, tungo sa kalayaan!

Puno ng pag-asa, dali dali akong bumaba ng hagdan at nakarating sa unang palapag.

Ngunit

Isang napakalaking ngunit,

Nakita ko siya.

At muli ay ibinalandra niya sa kanyang nakakadiring pagmumukha ang isang malademonyong ngisi.

Ngisi na nagsasabing wala na akong kawala.

Ngisi na nagsasabing hindi niya hahayaang makaalis pa ako sa impyernong ito.

Ngisi na nagsasabing oras na na bumalik sa silid, kasama niya, kaming dalawa lang.

Walang ano-ano'y binuhat niya ako, nagpumiglas ako ngunit sadyang napakalakas niya!

Hindi na ako nakaalma pa ng makarating na ulit kami sa ikalawang palapag.

Muli ay natanaw ko ang munting liwanag mula sa nakabukas na pinto sa unang palapag.

Nabuhayan ako ng loob at napuno ng pag-asa ang sistema ko.

Sa aking buong makakaya ay sumigaw ako.

Sumigaw ng sumigaw.

Paulit ulit na pumalahaw.

Ngunit

parang wala talaga atang nakakarinig eh.

Unti unti, bawat hakbang niya, mas lumalapit na kami sa silid niya.

Unti unti, bawat hakbang niya, ay mas lumalayo ang aming distansiya mula sa nakabukas na pinto sa unang palapag.

At unti unti, bawat hakbang niya, ay parang napapaos ang aking boses at nawawalan ng pag-asa.

Tumigil na siya sa paglalakad.

Isa lang ang ibig sabihin nito.




Biglang may dunaloy na pakiramdam sa aking buong sistema - masamang pakiramdam.


Galit, takot at pighati.



Andito na kami sa harap ng pinto tungo sa silid niya, sa impyerno ko.


Hinawakan niya ang door handle at unti-unting binuksan ang pinto.

Sa huling pagkakataon ay sumigaw ako at nagpakawala ng pagkalakas-lakas na palahaw -



"ARF ARF!!!!"


*click*

Narinig ko na ulit ang tunog ng paglock ng pinto.

Habang dala dala ako, ay kinuha niya mula sa aparador ang isang dog collar na may nakalagay na "princess" , inilagay niya ito sa leeg ko.

Day 153. Escape attempt #52 - declared failed.

Wakas.

Author's note:
Heyoo ! ~ i actually had to retype this because wattpad was having some bugs and somehow this chapter (draft) got deleted.

Sorry if it's kinda lame... and yes, iba iba ang genre ng mga one-shots dito, that is why i tagged it "random" :)

So vote/comment/share para masaya lol if nagustuhan lang naman :)

-definitely not nikki

[ Isang putok ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon