One Shot #3
Con-Artist.....
Aling YulieLunes.
Kabubukas ko pa lang ng tindahan ay bumungad na agad ang mukha ng batang lubos nang napalapit sa akin, lalo na sa anak ko.
Hindi na ako nagulat sa kanyang pagdating dahil sa mga nakaraang buwan - madalas siyang pumupunta dito para bumili ng iisang bagay lamang.
"Heto band-aid."
"Salamat po Aling Yulie, alam niyo na talaga yung pinunta ko dito hehe."
Paano ba namang hindi ko matandaan, araw araw na lang ay bumibili dito ng band aid ang batang ito.
"Connie ha, pansin ko madalas kang bumili niyan. Baka kung ano na iyan."
"Natutunan ko po ito kay Yllaine" sabi niya sabay turo sa band aid na may drawing drawing na nakapalibot dito.
Pagkasabi niya noon ay may nakita akong kakaibang emosyon sa kanyang mata, pero sandali lang ito. Maging ako ay nakaramdam ng kirot sa aking puso dahil sa naalala.
Siya ang nagputol ng katahimikan tsaka sinagot ang tanong ko kanina.
"Wala po ito, kasi yung aso namin si Taft lagi akong kinakagat. Ang talim pa naman ng ngipin nun' alangan namang hindi ko pansinin diba? Hahaha!"
Napailing na lang ako sa kwento ni Connie.
"Oh siya sige, huwag ka nang magpakagat ulit kay Taft ah?"
"Susubukan po hehehe" nag peace sign siya sa akin at umuwi na sa kanilang bahay na nasa kabilang kanto lamang.
...
Martes.Muli, pagkabukas ko ng tindahan ay si Connie nanaman ang una kong nakita.
At muli, bumili nanaman siya ng band-aid at gaya kahapon - si Taft nanaman raw ang may sala.
Ito ang nangyare sa mga dumating pang araw, hanggang sa naging linggo; hanggang sa naging buwan.
Kaya naman nagtataka ako ngayong - Miyerkules -dahil ito ang unang beses na hindi ko nadatnan si Connie sa tindahan.
Walang Connie na bumili ng band-aid.
Walang Connie na nag "good morning Aling Yulie"
Walang Connie na kinagat ni Taft.
Medyo napuno ako ng kaginhawaan dahil ibig sabihin ng hindi niya pagbili ng band aid ngayon, hindi nadagdagan ang sugat niya.
Pero nasanay na siguro ako sa presensiya niya araw araw kaya may halong pag-aalala akong nararamdaman.
...
Huwebes.Mag aalas dos na ng hapon, wala pa rin akong Connie na nakita. Mabuti naman at hindi na siya kinakagat ni Taft, pero medyo namimiss ko na ang batang iyon, lalo pa't medyo ko naaalala ang anak ko sa kanya.
Napagpasyahan kong isara muna ang tindahan dahil wala pa namang bumibili, may kailangan pa kasi akong bayaran. Bibisitahin ko na lang rin si Connie tutal doon banda sa kanto nila nakatira si Nena na tiyak hinihintay na ang bayad ko.
Pagdating ko sa kabilang kanto, medyo nanibago ako dahil pabulong na nag uusap ang karamihan. Siguro kung teenager pa ako, malamang sa malamang nakisawsaw na ako at nakiusyoso sa kung ano man ang chismis ngayon.
BINABASA MO ANG
[ Isang putok ]
Cerita PendekOne shot(s stories) ⚠ disclaimer : endings might not be happy. im sorry.