CHAPTER 6

42 3 0
                                    

Maaga ako gumising para ayusin ang gamit ko, pwede pala mag refund ng bayad pag hindi mo tinuloy yung pag stay. Ayos ahh. Pero may bawas na syempre nasa 5% din ang babawasin sa bayad ko.

Nag enjoy ako kahapon, kasama ko si ylona. Kahit mas matanda ako sa kanya ang matured ng batang yun, ang kulit kasama. Nalaman ko din sa kanya na yung crush niyang model na pareho namin tinitignan ay Tommy ang pangalan.

(TELEPHONE INCOMING CALL)

Tumunog yung telepono sa loob ng hotel room ko.

"Hello" bati ko sa kabilang linya.

"Hi miho, richard here. ready ka na ba? Dito na ako kasi natulog sa condo kagabi para maantay kita. Andito din friend ko na pansamantala mo na makakasama ko, alam mo na naman yun di ba?"

Nabanggit nga niya yun sa akin kahapon, di na ako tumanggi. Saglit lang naman daw doon yun eh. Saka ayoko na maghanap ng ibang titirahan jusko pahirapan na naman.

"Oo, papunta na ako sensya na di ko maibigay yung celfone # ko sayo ahh, wala pa akong fone eh. Kita kits na lang mamaya"

Pinutol ko na ang tawag at dali dali akong lumabas ng kwarto, hatak hatak ang maleta ko. Nang nasa elevator na ako nag check pa ako ng fone kong may message ba ang lalaking yun sa akin, wala naman message. May text na pumasok pero di ko binubuksan kong sino. Mga naka save naman sa contacts niya. Kabilinbilinan pa naman ng ungas na yun na huwag gagalawin ang cellphone niya.

-TOMMY-

"Good morning pare, aga mo ahh" bati ko kay richard na nasa kusina.

Kumuha ako ng kape sa coffee maker, hinatak ko na din ang selya at umupo paharap sa kanya.

"Oo pare, darating kasi yung tenant ko eh. Alam mo pare ang ganda niya, ganun mga type kong babae eh" richard said. Kinikilig pa ang ungas habang nakatanga sa chandelier ng kusina.

"Really? Paano yan ako ang kasama baka mainlove sa akin yun" biro ko kay richard. At sinamahan ko pa ng mahinang tawa.

Tumingin naman ito sa akin at biglang tumawa ng malakas.

"Di siguro pare, kung ako nga na magkasing gwapo tayo dedma ako eh, saka hindi yun ang mga tipo mong babae" wika nito. At natatawa pa din. Pero tulala na naman.

"Hey bro are you okay? Mukhang tinamaan ka ahh" weird ni richard. Ngayon ko lang siya nakita ng ganyan. Kahit sa ex niya di naman ganyan yan mag kwento ng una nito makilala yung ex niya for 2 years.

Sumubo na ako ng egg at kanin. Habang pinagmamasdan lang ang namumulang mukha ni richard.

"I don't believe in love at first sight bro, pero yung chiks na to ang lakas ng appeal. Alam mo yun? Astig talaga" sabi nito at nilalaro ng kutsara ang kanin sa plato niya.

"By the way, alam niya ba kung sino makakasama niya sa condo na to? Did you tell her who am i?"

"No, ng sinasabi ko kasi na may makakasama siya, she agreed to me agad bro. Sabi niya wala siya pakialam sa makakasama niya, ang weird lang kasi imbes na ako ang mag ask ng identification cards, ako ang hinihingian pare."

"Weird nga yan, binigay mo naman?" Tanong ko sa kanya.

"Oo bro, pinakita ko pa ang ID ko sa SMyouth Agency natin para masabi ko na maayos akong tao" natawa naman ito habang nagkwento sa akin.

Tumayo naman ito pag tapos kumain, nasa lababo na ito nag huhugas ng pinggan nakamasid lang ako sa kilos niya. Parang di ko matukoy, excited na masaya na ewan itong si richard.

"Why so happy?" Tanong ko sa kanya.

"She's coming bro, maliligo na ako para fresh naman ako pag humarap sa kanya" wika nito. At ngumiti pa ng matamis bago tumalikod ito papunta ng banyo.

Nagkibit balikat na lang ako. Tinuloy ko na ang pagkain. Tinignan ko naman sa gilid ng mesa ang celfone ni miho. Maya na ako makikipagmeet gusto ko pa nasa akin ang fone niya eh. Pero alam ko na tadtad na ang fone ko ng misscalls and messages kaya kailangan ko na makuha yun.

Really? Gusto mo na talaga kamo siya makita! Oo na gusto ko na siya makita.Para makuha ang celfone. Hindi dahil gusto ko siya. Talaga lang ha! Oo naman. Bakit ba kinakausap ko sarili ko. Tsssk

End of chapter

Please vote and comment thank you

The Last Excuse [TOMIHO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon