CHAPTER 9

46 3 0
                                    

-TOMMY-

In my 22 years of existence, never in my life na naniwala ako sa TADHANA, that kind of word makes me feel so creepy. Pero paano ko ipapaliwanag ang nangyayari na to? Yung tenant ni richard ay si miho. Sa dami ng tao bakit siya pa? Yung feeling na bubungad sa harap mo ang taong gusto mong itanggi na ayaw mo makita. Pero ayan yung nasa harap mo. Ano to joke?

Di ko naman maitatanggi na sadyang ang lakas ng attraction ni miho sa akin, pero hindi naman siya ang babaeng gusto kong makasama eh, ayoko kasi ng porma niya. Bukod pa sa ang lakas ng loob din sumagot sagot. Pero bakit ganito ako? Parang gusto ko na lagi siya nakikita.

Inaya ko pa mag lunch ngayon sa labas, knowing na pwede ito ma-issue dahil sa akin. Bahala na nga. Ito na naman ako sa ugali ko na nag iisip ng kong ano ano.

Just enjoy the day tommy. Paalala ko sa sarili.

(INCOMING TEXT)

Sender: Richard J.
Bro, how's miho? Is she alright? Huwag mo aawayin ha. Lagot ka sa akin.

Type niya si miho? Halata naman kanina habang nakatingin siya kay miho
Namumula pa ang mukha. Bakit pa ba ako nagtataka don. Inamin din naman niya sa akin kahapon yun

Reply: Richard J.
She's with me. We're goin to eat in a japanese restaurant here in Makati. Wanna join?

Malabo naman siya na makarating may schedule siya ngaun. Hahaha inaya ko lang para asarin ito.

Napatingin naman ako kay miho na omoorder ng foods, wala ako alam sa japanese na pagkain kaya siya na lang ang bahala. Ang cute cute niya magsalita ng hapon parang anime, nag hihigh pitch kasi ang boses niya. Ganun na ganun ang mga anime kasi eh. Nakikipag usap siya kanina sa manager magaling din siya sumagot nakikita sa tuwa ng expression ng mukha ng kausap niya na maganda pinaguusapan nila. Wala lang talaga ako maintindihan.

Nandito kami sa Sukiyaki resto ito lang kasi ang japanese resto na may privacy, dahil bawat table may wall talaga. Ang kumakain dito walang pakialam sa mga pumapasok na customer, minsan na kasi to nabanggit ni richard sa akin. Kaya dito ko siya dinala na hindi nag aalala na dudumugin kami ng mga tao dahil nakakita lang ng celebrity sa gusali.

Pinagmamasdan ko ang bawat kilos ni miho, napapansin ko na natural dito ang may mataray na aura, yung tipong ang cold na nga mataray pa. Pero di nakakabawas ng ganda. Siya yung naiiba sa mga babaeng nakilala ko, yung mga nakakadate ko na babae kasi they're the type of girl na sweet, and the way they speak andon yung sophisticated, very feminine talaga. Kabaliktaran non si miho, natural na natural sa kanya ang lahat ng kilos niya. Alam mo yung walang pretensions.

(INCOMING TEXT)

Sender: Richard J.
Yes bro i like her. She's unique right? Alam mo naman ganyan mga type ko di ba. :)

Di ko magawa mag reply sa message ni richard sa akin, sabi ko nga di na ako nagugulat na may gusto siya kay miho. Pero bakit ganito nararamdaman ko? Parang ayoko naman ibigay si Miho sa iba. Noooo! This can't be. Di ako natutuwa sa mga nararamdaman ko. Itinago ko na lang sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Sir/Ma'am thank you for waiting" wika ng service crew.

Napalingon naman si Miho sa service crew na nag seserved sa amin ng mga orders naming pagkain.

"Arigatogozaimashita" wika ni Miho. Ang cute niya talaga pag nagsasalita ng japanese.

"Doitashimaste" wika ng service crew. Nakatitig pa kay Miho na parang nagpapacute. Aba't nakakagago to ah?

"Hai" at nag bow naman si Miho. Nakangiti pa ito.

"Sige na, salamat dito" singit ko naman. Tinaasan ko ng kilay ang crew na yun na agad agad naman na umalis.

Bwesit na waiter yun ah.

"Bakit mo ginaganun yung waiter tommy?" Tanong ni Miho. Na nakataas pa ang kilay
Bakit di ba pwede paalisin yun? Alangan naman ayain ko na kumain kasama namin.

"Nagpapacute lang yun eh, saka may pangiti-ngiti ka pa don. Bakit type mo ba yun ha?" Di ko na maiwasan mapasimangot.

"Anong type? Nag thank you lang ako. Natural sa amin mga japanese ang ganun pakikitungo lalo na sa ganitong restaurants" wika nito.

"Pilipino yun, di naman japanese yun!" Naiinis talaga ako.

"Whatever" wika nito. Napangisi naman ako english yun ah.

"Naks may whatever ka ng nalalaman ahh" pang aasar ko sa kanya.

"Kumain na lang tayo Tommy ang dami mo pang satsat, para pag tapos natin kumain punta ako ng grocery"

Naglakbay tuloy ang imagination ko, para kasi kaming mag asawa na kailangan pag tapos ng date punta ng grocery. Tapos uuwi ng bahay. Ang saya ng puso ko.

Mukhang di na maganda tong nangyayari sa akin, baka atakihin ako sa puso pag pinigilan ko talaga ang nararamdaman ko, mukhang kailangan ko na maniwala sa Destiny and Love. My god! Ano ba ang gagawin ko.

Baka pag pinatagal ko pa na di aminin sa sarili ko, ayun pa maging dahilan na magkasakit ako! Miho i think i like you.

End of chapter

Please vote and comment. Thank you

The Last Excuse [TOMIHO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon