CHAPTER 13

35 2 0
                                    

"Kuya chard tumawag si momshie, pinauuwi tayo dahil andon si tita kadarating lang galing HK"

Bungad ni ylona, nawala kasi ito dahil may sinagot na tawag sa cellphone. Ang ina pala ang kausap nito at pinapauwi na sila.

Napalingon naman si richard sa akin.

"Nope, okay lang sa akin, paano kayo uuwi? Nasa condo ang car mo?"

"Taxi na lang malapit lang naman eh, tsaka andito naman si tommy na mukhang gusto ka masolo" wika ni richard.

Binatukan naman ni tommy si richard kaya napasimangot ito.

"Aray! Bakit ka ba nambabatok"

"Umalis ka na nga, isturbo ka eh"

"Ate miho, next time promise gala tayo. Need lang umuwi ngayon ng maaga eh" wika naman ni ylona at humalik sa pisnge ko.

Ganun din si richard na magpaalam. Pero bago pa lumapat ang labi nito sa pisnge ko, hinarangan na agad ng kamay ni tommy.

"Heep, tama na yan umalis ka na lang" wika ni tommy.

"Bro, tsk unfair mo eh akala ko talaga ayaw mo, tas ngaun binabakuran mo na. Pasalamat ka sports ako"

Di ko maintindihan ang pinaguusapan nila, may nangyari ba? Habang nasa comfort room ako kanina.

"Got to go miho, pag nasaktan ka at lumuha ka sa kahit anong problema takbuhan mo ko willing ako na maging shoulder to cry on mo" wika ni richard. Nabakas ko naman sa mata niya ang lungkot at sinseridad sa mga sinabi niya.

"Huh? Di ko maintindihan pero ok salamat chard" kusa na ako lumapit at humalik sa pisnge niya.

Lumabas na naman ng bar si richard at ylona.

"Kailangan talaga may kiss?"

"May sinasabi ka?" Tanong ko naman.

Tumayo ito at tumabi sa akin, nakaharap naman kami sa stage at kinakanta ng banda ang "Baby Come To Me" gusto ko tuloy ma awkward. Ano ba naman tong mga music nila.

"Gusto mo ng tahimik? Tara road trip tayo, punta tayo ng antipolo"

Anong gagawin naman sa antipolo? Ako ba may gusto ng tahimik? O siya? Kanina pa ako nahihiwagaan sa mga kinikilos niya ahh.

"Ano gagawin natin?"

"Basta. Maganda doon magugustuhan mo"

"Okay ikaw bahala."

Tumayo ito at may inabot ang susi niya sa isang waiter. Nag usap sila ng saglit pero di naman nag tagal.

Kinakabahan ako. Di ko mawari kung bakit ba.

"Tara na, magugustuhan mo don promise"

Inalalayan niya ako sa pag tayo at hinawakan ako sa bewang. Kinikilig ako enebeyen.

Ang sama naman ng tingin ng iba sa akin.

30minutes later

"Wow ang ganda naman dito, kita ko ang nagkikislapan na ilaw ng manila" nasa tuktok kami ng antipolo.

"Sabi ko sayo di ba? Magugustuhan mo dito. Ito inumin mo" inabot ni tommy ang beer in can.

"Kahit sumigaw ka diyan walang sasaway sa'yo, go on"

Masiyadong masaya ang puso ko ngayon, thanks to him at sulit pala ang ginawa kong paglalayas.

"Thanks tommy, dahil sa'yo ang saya ko ngayon"

Kinuha nito ang kumay ko. Npakislot pa ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko. Kamay lang yan miho huwag ka mataranta!

Tinignan ko siya sa mata. Di ko alam kong anong napakaloob na damdamin na sinasabi ng mata niya.

"Anything for you my dear miho"

"Huh? Wala naman ako maintindihan eh"

"Sabi ko, ang ganda ganda mo"

Tinitigan niya ako sa mata, yung titig na parang wala siyang makitang ibang maganda sa paligid kundi ako lang.

Hinaplos niya ako sa pisnge. Dahan dahan niya nilalapit ang kanyang mukha sa labi ko. Hahalikan niya ako? Lord totoo ba to? Gusto ko bigyan ng pag asa ang puso ko.

Lumapat ang labi niya sa mga labi ko, masuyo at banayad ang halik na binigay niya. Ramdam ko ang punong puno ng respeto at pag alalay.

Dinadama ko ang masuyong pagkakadikit ng aming mga labi.

"Jesus, your lips taste so sweet miho." Wika ni tommy.

Inangat niya ang mukha niya. Nakapikit pa din ako. Ayoko dumilat baka pag dilat ko joke lang pala mahopia pa ako.

"Tignan mo ko miho, i want to see your beautiful eyes"

Dahan dahan ko minulat ang mata ko, at ang nabungaran ko ay ang gwapong mukha ni tommy na may ngiti sa labi. Nararamdaman ko na nag iinit naman ang pisnge ko.

Yuyuko na sana ako ng hinawakan ni tommy ang chin ko para i-angat, nag hugpo ulit ang aming mga mata.

Hinalikan niya ulit ako.

Iba ang halik ni ginagawad niya, halik na masuyo na may kasamang pangangailangan. Naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng bibig ko.

Holy shit! Expert to.

Di pa ako nahalikan sa ganitong buhay ko
Totoo pala ang sabi ng tropa yung frech kiss nakakabaliw.

Di ko na namamalayan, sinasabayan ko na din siya sa ginagawa niya.

"No, baby baka mawalan ako ng kontrol" wika nito habang patuloy siya na hinahalikan ako ng madiin.

Naramdaman ko naman na nilayo niya ang katawan ko sa kanya.


"Wew! Enough,Miho damn! Baka makalimot ako.-----------"

Masuyo niya ako niyakap sa likod. Anong makalimot? Di ko maintindihan pero nag cicircus ang sikmura ko. Parang may lumilipad na mga paru-paru dito.


"Let's stay like this baby, just lemme hug you for awhile"


"Tagalogin mo ko tommy, hihimatayin ako sa hiya dito"

"Bakit ka mahihiya? Di mo lang alam na masaya ako sa halik na yun"



"Eh bakit mo pinutol?"



"Are you crazy? Di mo alam sinasabi mo"


Nakakainis tong si tommy. Masaya daw siya tapos lumayo naman agad kung kelan nag eenjoy ako. Nandidiri yata siya sa akin eh. Di ko maiwasan sumama loob.

"Ewan ko sa'yo, umuwi na nga tayo" kinalas ko naman ang kamay niya sa bewang ko.


"Miho, ano ba iniisip mo?"



"Tseeeee" bumaba na ako ng hood ng sasakyan at binuksan ang pinto para pumasok sa kotse.



"God miho babaliwin mo ko ng wala sa oras!"




End of chapter

Please vote and comment. Thank you

The Last Excuse [TOMIHO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon