CHAPTER 5

52 4 0
                                    

-MIHO-

Katapos ko lang mameet ang may ari ng titirahan ko, ang swerte ko dahil nakita ko agad yun sa OLX at bakante pa. Mag check out na ako bukas sa hotel, wala na rin akong iisipin dahil kumpleto na din sa gamit ang condo mura pa at nasa malapit lang, nag advance na ako ng dalawang buwan. Antayin niya na lang ako bukas sa condo binigay naman sa akin ang address eh.

(INCOMING CALL)

Ito na naman yung engliserong bakulaw na yun, bakit kasi di pa ngayon ibigay ang cellphone ko ang dami pa kasi niyang alam eh.

"Nandeshou? (Ano kailangan mo)"

"Wow, nice greetings. Wala ako naintindihan, baka minumura mo na ako ha"

"Baka"

"Hey i know that! Baka means idiot right?"

"Ano ba kailangan mo?" Pag iiba ko ng usapan. Wala na naman ako maintindihan. Di ko maintindihan kasi nasa pilipinas naman at marunong naman mag tagalog bakit di gamitin ang sariling wika. Tssk

"Bukas meet tayo sa condo ng friend ko, di ako pwede lumabas" wika nito sa malamig na boses.

Bigla naman tumayo ang balahibo ko. Anata wa utsukusarimasu ga arimasu (ang ganda ng boses niya). Ano ba hitsura niya? Baka pangit? Sabi fans daw ako? Baka sikat? Or baka nangangarap ng gising. Napatawa ako ng mahina.

"Tumatawa ka ba? Tinatawanan mo ko?"

"Dami mong alam! Geh text mo ko bukas para makuha ko na yang cellphone ko bye!"

"Teka"

Pinutol ko na ang linya.

Isturbo sa pag malling ko. Andito ako sa MOA tama nga yung picture na nakita ko sa net maganda yung sea side, kumuha ako ng iilang pictures sa camera na dala ko. Naalala ko na naman ang magulang ko, sigurado nag aalala na sila sa akin. Di naman ako tatanggi sa kasal, panahon lang hinihingi ko na maranasan maging malaya, bago man lang ako mag pakasal. Alam ko kasi don din ang bagsak ko ang mag pakasal.

Malas ko naman di ko pa nararanasan mag mahal, sabi nila pwede naman daw matutunan mag mahal eh, matuturuan ko bang mahalin si hiro?

"Miss bulaklak gusto mo?" Tanong ng batang lumapit sa akin. Napatingin din naman agad ako sa isang rosas na inaabot niya. Inangat ko ang mukha ko para pagmasdan siya.

Mukhang hindi naman ito mahirap, maayos ang pananamit at maayos din ang hitsura. Nasa edad trese ito.

"Salamat ahh, bakit binibigyan mo ko ng bulaklak?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko naman ang bulaklak sa kamay niya.

"Ang lungkot mo kasi, sayang ang ganda mo pag ganyan ka lagi nakakasira ng ganda yan"

Nagulat naman ako sa sagot niya. "Paano mo nalaman na nalulungkot ako?"

Tumingin ito sa akin at ngumiti ng matamis, ang cute naman ng batang to. Umupo naman ito sa tabi ko paharap sa dagat.

"Syempre kanina pa kita pinagmamasdan diyan, sabi kasi ng mama ko pag may babaeng malungkot bigyan lang daw ng bulaklak mawawala na ang lungkot nila" wika ng bata.

Sayang wala akong kapatid, ang swerte naman ng magulang dahil may anak sila ng gaya nito. Napalaki nila ng maayos. At malambing pa.

"Salamat ahh, totoo pala sabi ng mama mo. Nakakawala ng lungkot ang bulaklak" napangiti naman ako at tinignan ang rosas na hawak ko.

"Francoooooooo!!!!!!!!" Napalingon kami pareho sa sumigaw.

Bigla naman tumayo ang bata, siya ba yung tinatawag na franco?

"Sige ate alis na ako, huwag ka na malungkot ahh. Subukan mo magmahal para lagi kang masaya" wika nito at ngumiti. Tumakbo na ito papunta sa lalaki na sumisigaw kanina.

Tumango na lang ako. di ko alam sasabihin ko sa kanya. Pag nagmahal ba magiging masaya ba ako? Nanonood ako ng mga drama, lagi naman silang umiiyak eh. Di ba nakakatakot yun? Tumayo na din ako. Mag iikot ikot na lang ako sa mall. Para malibang naman ako.

Sa paglalakad ko sa ikalawang palapag napadaan ako sa isang brand shop ng mall, ang laki kasi ng poster na nakadikit sa salamin ng shop nila. Ang gwapo naman ng model, mahaba ang buhok, ang tangkad siguro nito. Kahit na naka-upo siya sa poster niya at nakahawak sa buhok niya. Ang cute ng mata, di ko maalis ang tingin sa mga mata niya parang nanunuot sa buto yung tingin niya. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

Shit! Ano to? Kinabahan ako sa poster? Yung totoo nababaliw na ba ako?.

Di ko man lang namamalayan ang oras, nakatayo lang ako sa poster na nasa harap ko. Grabe kahit saan tignan walang maipintas ang gwapo nga naman talaga niya. Kaso feel ko playboy to! Pakialam ko naman kung playboy. My god! (Naks My god? English yun ah) Yung totoo miho? Crush mo? Bulong ko sa sarili.

"Ate pwede ka ba umusog? Nasa gitna ka kasi eh di ko matanaw ang buong mukha ng mahal ko" singit ng boses sa tabi ko.

Napatingin naman ako kung sino.

Isang cute na cute na dalaga, morena ito at naka school uniform pa. Ke bata bata pa kung maka mahal naman ito akala mo alam talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal.

"Gomen gomen (Sorry sorry)" tipod kong wika.

Naglakad na ako papasok sa shop na yun, titingin lang. Iniwan ko yung bata na nakatulala.

Mali yata ang desisyon ko na tumingin-tingin, dahil pag pasok ko nagkalat ang poster niya sa shop. Kahit saan ako tumingin puro mukha niya ang nakikita ko. Di na naman bago sa akin ang mga model, sa japan yung ibang kakilala ko model din. Pero itong model na nasa poster grabe ang gwapo eh.

Ewan ko anong meron, pero di ko talaga maiwasan titigan yung mata niyang nangungusap.

"Ang gwapo niya di ba ate?" Singit ng isang boses.

"Ikaw na naman?" Wika ko. Yung bata kanina na nagpaalis sa akin sa labas.

"Japanese ka? Nagsalita ka kasi ng hapon kanina. I'm ylona, you are?" Wika nito.

"Gomenasai, no english" nahihiya kong sabi.

"Omo! Ang cute totoo nga na di nagsasalita ang koreans and japanese ng english" wika ni ylona. Kumikislap pa ang mga mata nito.

"Oo di kami nag Aaral ng english" tipid kong sabi sa kanya. At kinalikot ko na lang ang mga naka display na damit sa hanger.

"That's cute ako si ylona, ikaw ano pangalan mo?" Turo nito sa akin.

"Ahh konnichiwa ylona-chan, ako si miho" inabot ko ang kamay ko sa kanya. At nakipagkamay naman ito.

Bumalik ang tingin ni ylona sa maliit na poster na nasa harap namin. Yung mata niya punong puno ng paghanga sa lalaking nasa poster. Mukhang ang laki ng paghanga niya talaga ah.

"Siya ang bestfriend ng kuya richard ko, kaya maliit pa lang ako crush na crush ko na siya bukod sa gwapo lagi niya ako dinadalhan ng pasalubong pag pumupunta siya sa bahay namin" wika ni ylona habang nakatingin pa din sa poster. Kumikislap ang mata nito.

Di na lang ako kumibo. Napansin ko naman na bumaling ito ng tingin sa akin.

"Tara ate miho kain tayo gutom na ako, close na tayo ahh" at hinatak ako palabas ng tindahan.

End of chapter

Please vote and comment thank you.

The Last Excuse [TOMIHO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon