SOL: 8

80 8 0
                                    

Riena's

Last week nung gumradweyt kami. Umuwi rin ang parents ko galing Korea para maka-attend sila sa graduation noon. ヽ(^。^)ノ Masaya naman kasi matagal ko silang hindi nakasama.

"O anak. Mag-iingat ka ha?"

Tinignan ko si mom at saka tumango. Nandito kami ngayon sa airport, hinatid ko sila kasi babalik na sila sa Korea.

"Susunod ka don ha? Magbakasyon ka muna don kasama namin."

"Syempre naman dad!" I smiled at them and hugged them. Family hug bro!

Don pala ako magbabakasyon sa Korea. Baka don na rin ako maghanap ng trabaho or baka don na lang din ako for good.

"Sige na. Mauna na kami at baka maiwan pa kami ng plane hahaha."

Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi.

"Have a safe flight! Love you both."

"We love you too. Take care."

And with that, umalis na sila. Nagpahatid naman ako kay Manong sa bahay.

Pagkarating sa bahay nahiga lang ako sa sofa habang nakatitig sa ceiling.

Yung notebook ko hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita. Napaka-careless ko kasi. Nakakainis.

Si Junhoe? Iniiwasan ko na siya simula nung nabasa ko yung message niya na yon, nasaktan ako syempre. Galing na sa kanya e. Ayaw niya sakin. Hindi niya ko gusto. Ayaw niyang sinusundan ko siya. In short, he doesn't like my presence. Siguro minsan pinanalangin non na sana mawala na ako hahaha.

*bzzt bzzt*

From: Chanpao
Riena! Pasyal tayo! May ipapakilala din ako sayo.

Pero pagod ako. Hays. Ayoko umalis.

Magrereply na sana ako nang mag-vibrate na naman yung phone ko.

From: Chanpao
Wag ka nang maarte. Pupunta na ako dyan sa inyo.

No choice. Tsk.

Okay naman na yung suot ko. Hindi na lang siguro ako magpapalit. Hahaha. Tinatamad din ako mag-apply ng make up. Sus. Si Chanpao lang naman e.

*ding dong*

Ang bilis a?

Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Todo smile pa ko non.

"R-riena..."

Pagkatapos niyang sabihin yon nag-collapse siya sa harap ko. Agad ko naman siyang sinalo. Ano ba yan, feeling hero si ate Riena niyo. Ay in fairness ha? Mabigat siya.

"Junhoe. Umayos ka nga."

Inakay ko siya papunta sa kwarto ko. Medyo nahirapan din ako sa kanya sa pag-akyat sa hagdan. Pero keri naman kasi nanghihina lang naman siya kaya niya pa naman maglakad.

Ayoko siya don sa baba baka makita siya ng mga maid. Hays.

Pagkarating namin sa kwarto, inihiga ko agad siya sa kama ko.

"Junhoe. Ang aga mo naman maglasing. 5 pm pa lang o."

"Tsk. I don't fucking care." Aba't nakuha pang magsungit nito?

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Malayo pa yung bahay namin kaya dito ako dumiretso. Pake mo ba?"

Bahala ka nga dyan. Bwiset na 'to.

Lumabas ako ng kwarto tapos pumunta sa kitchen para kumuha ng basin na may lukewarm water at towel. Ganon ba dapat? Oy di ko alam!

sassiness overload | ju-ne x jisooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon