Riena's
"Riena! May ipapakilala ako sayo di ba?"
Agad akong napatingin kay Chanpao. Kasama ko nga pala siya. May ipapakilala daw kasi siya sakin e.
"A, oo hahahaha. Sino ba yung lucky girl?"
Afsvajakakal pumapag-ibig na o!
"E hahahaha. Wala siya dito e. Nasa Korea."
"E bakit mo pa ako pinapunta dito?! Poto nomon! Dapat nag-aayos na ako ngayon e."
Hay nako Chanpao! Hindi kita maintindihan. Hindi na naman ata 'to nakapag-breakfast e. Hays.
"Sure ka na ba talaga dyan Riena?"
Tumango lang ako sa tanong niya. Sigurado na ako. Wala naman akong mapapala kay Jun--- I mean dito. Wala naman akong mapapala dito. Maghahanap na lang ako ng trabaho sa SoKor.
"Aalis ka talaga ng bansa? Paano si Junhoe hyung? I mean paano na kayong dalawa? Ah I mean, iiwanan mo na siya? Susuko ka na?"
Tinignan ko siya ng seryoso. Alam nilang lahat except kay Junhoe na aalis ako. Ayoko ipaalam sa kanya. Wala naman siyang pake e. Matutuwa pa nga yon kapag umalis na ako e di ba?
"Chanpao.. anong paano kami? Meron bang kami in the first place? Sumuko na ba ako? Hindi ko alam. Pero nagsasawa na ako. Masyado na akong nasasaktan dahil sa kakalapit ko sa kanya kahit alam ko namang wala lang talaga ako para sa kanya."
Tahimik lang siyang tumango sa sinabi ko.
"Mauna na ako. Mamaya nang hapon ang alis ko haha."
Tumayo na ako at lumabas sa cafè na iyon. Nararamdaman kong nakasunod lang sakin si Chanpao.
Yung babaeng ipapakilala niya sa akin na nasa South Korea ayon yung babaemg nililigawan niya. O di ba? Binata na ang bebe niyo.
"Ihahatid na kita."
Tinignan ko si Chanpao at nginitian ito.
"Okay lang ako Chanpao. No need hahaha pero salamat na rin."
Hindi naman na nagpumilit si Chanpao. Wala naman siyang magagawa e.
Naglakad-lakad na lang muna ako hanggang napadpad ako sa isang pamilyar na bahay na ito.
Parang noon lang sinusundan ko siya hanggang sa makauwi siya ng safe dito. Itong bahay na ito, ito yung bahay na pinapangarap kong mapasok noon. Dahil noon, pinapangarap ko na dadalhin ako ni Junhoe sa bahay na ito para ipakilala sa mga magulang niya bilang girlfriend niya.
Ngumiti ako ng mapait dahil sa mga naisip kong iyon. Dahil sa kakahangad ko lahat ng iyon nauwi sa wala. Mahirap din pala talaga mag-assume kasi masasaktan ka lang sa huli.
I sighed and turned around. I started walking again and stopped to a place where you can only see a trash bin.
Ito yung lugar kung saan huli ko siyang nakita. Ito yung lugar kung saan huli ko siyang nakausap. Ito yung lugar kung saan niya ako tinalikuran.
Naalala ko bigla nung nahuli niya akong sinusundan ko siya, hindi ko alam kung saan ako magtatago. Basurahan lang ang choice ko non. Pero ano pang silbi ng pagtatago ko kung nakita niya na ako noon diba?
Dito sa lugar din na ito, kung saan talagang tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na pilit kong tinatakpan ng mga ngiti ko noon. Kung hindi dumating si Song baka nagwala na lang ako dito noon. This is the place where I broke into pieces.
"Piece by piece he collected me on this place where you abandoned me." I whispered.
Itinuloy ko na lang ang paglalakad. Hindi naman kalayuan sa bahay namin ito. Actually, next street lang yung bahay namin. Kayang-kaya kong lakarin. Napagpasyahan kong sa Korea na rin tumira. Hindi alam ng mga kaibigan ko iyon. Ayokong ipaalam sa kanila dahil may plano pa rin naman akong bisitahin sila dito kahit papaano.
BINABASA MO ANG
sassiness overload | ju-ne x jisoo
NouvellesStory about Riena Choi and Junhoe Goo from the story "Gayfriend" ---- Blackpink's Jisoo as Riena Choi iKON's Ju-Ne as Junhoe Goo Started: 04-25-2016 Completed: 05-16-2016 COMPLETED Note: Characters in this story are requested.