Dos

108 5 0
                                    

Late na ako nagising dahil kay Zander, hindi kasi sya mawala sa isip ko pamula nung sinabi ni sir na magkakatrabaho ulit kami. Kaya naman heto ako ngayon dali daling nag-ayos ng mga gamit ko. Hindi ko na naisipan pang kumain or magsuklay man lang dahil sobrang late ko na sa trabaho ko.

Tinakbo ko na pamula dito sa condo ko hanggang office para kahit papaano naman ay hindi ako masyadong late. Hinihingal pa ng dumating ako sa office ng salubungin na naman ako ni Enzo

"Babe, hingal na hingal ka ah. Don't worry maganda ka parin naman" bati niya sakin ng nakangiti

"Mamaya na tayo mag-usap Enzo, may hinahabol ako. Late na ako sa meeting ko" may sinabi pa si Enzo pero di ko na naintindihan kasi mabilis kong iniwan si Enzo at nagdiretso ako sa office ni Sir

Hingal na hingal pa ako pagpasok ko sa office ni sir. "Sorry sir, i'm late" sabi ko kaagad kay sir. Pagtingin ko kay sir nakatulala lang sya sakin na parang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Do we have a meeting today Casey?" Tanong ni sir

"Ahmmm di ba po, ngayong ang meeting for the new project na sinasabi nyo" taka kong tanong kay sir.

"Ha? As far as i know bukas pa ang meeting natin regarding that project, mali ba ang nasabi sayo ni Leila?" Pagkasabi ni sir nun, ay sya namang pagpasok ni Leila

"Leila, you arrived at the perfect time. Nainform mo ba ng ayos si Casey about sa meeting nya bukas? Sabi nga kasi ngayon daw yung meeting e" sabi ni sir

"Yes sir, actually i texted her yesterday about the information regarding the meeting with you and Sir Stone and she even replied pa nga sir e" sabi naman ni Leila. Tiningnan ko naman ang phone ko at nakita kong tama nga na bukas pa ang meeting namin.

OMG Casey nakakahiya ka! Kung ano ano kasi tumatakbo sa isip mo, yan tuloy napahiya ka kay sir.
"Sorry sir, i thought ngayon na yung meeting, my mistake" sabi ko na lang nagsorry din ako kay Leila. Tatawa tawa naman si sir na humarap ulit sakin

"Hahaha. It's fine Casey, don't be too excited. Magkikita rin naman kayo ni Zander e, napapaghalataan kang miss na miss mo sya e" biro sakin ni sir

"Sir hindi ah. Nagkamali lang e" sagot ko naman sa kanya. Oem napaOA ata ang reaction ko, defensive masyado. Si sir naman ay tatawa tawa lang pati si Leila ay tumatawa dahil sa naging reaction ko

"Defensive mo masyado Ma'am Casey" sabi ni Leila

"Hindi ah"

"Hahaha ok lang naman yan Casey, namiss din naman namin si Zander, pero mas halata lang talaga yung pagkamiss mo hahahaha" sabi ulit ni Sir

"Sir talaga! Lagi nyo ako niloloko. Sige na po sir balik na ako sa table ko. Sorry po ulit"

"Sige sige Casey, focus sa work wag mo muna sya pakaisipin. Bukas na bukas naman magkikita na kayo ulit haha" pahabol pa ni sir bago ako umalis

Bumalik na lang ako sa table ko at napaob-ob na lang ako sa table ko sa kahihiyan na inabot ko kanina. Compose yourself Casey! Ayusin mo sarili mo. Bulong ko sa sarili ko.

Habang nakatungo parin ako ay may kumilbit sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh, musta ang meeting mo" nakangiting sabi ni Enzo, alam kong pinagtitripan ako neto

"Che. Kainis ka, bakit di mo sinabi sakin dali dali pa naman ako pumunta sa office"

"Sinabi ko kaya sayo, pero hindi mo ako pinansin" sabi nya sakin

"Ha? Bakit wala ako narinig?"

"Syempre dali dali kang umalis, iniwan mo pa nga ako e, yayayain pa sana kitang magbreakfast"

"Oh? Ahhhh! Kakainis dapat pinigilan mo parin ako, kakahiya kay sir kanina" bigla naman niyang ginulo ang buhok ko at may inabot saking isang box

"Hahaha. Hayaan mo na yun, cute mo naman e kapag naiinis haha. Ito oh pancake kain ka muna alam kong di kapa nagbebreakfast"

"Naman e, ginulo mo pa buhok ko. Thanks nga pala dito sa pancake kain tayo dun sa mini kitchen" niyaya ko sya para kumain kami

Mabilis na natapos ang araw at uwian na nga namin ngayon, inihatid pa ako ni Enzo hanggang sa lobby ng condo ko. Inantay ko siyang makaalis bago ako pumasok.

Paglabas ko ng elavator ay may nakita akong lalaking papasok sa unit na katapat ng unit ko. Aba may tumitira na pala ngayon doon, sabi ko sa sarili ko. May bago na naman akong neighbor na makakaclose nito. Kaclose ko kasi mga katabi kong unit dito. Bago ako pumasok sa unit ko ay tiningnan ko muna ulit ang pinto ng katapat kong unit para kasing may iba akong nararamdaman sa nakatira doon hindi ko lang alam kung bakit.

Romancing the STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon