Cuatro

82 4 0
                                    

Mabilis lumipas ang nga araw at wala paring pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Zander, ganun parin siya konting mali ko napupuna na. Konting late galit na kaagad sya. Tapos minsan naman hindi niya talaga ako pinapansin. Para ngang never pa kami nagkaroon ng matinong pag-uusap e, puro trabaho! trabaho! Trabaho!

At hanggang ngayon wala parin akong contact number niya laging si Leila lang ang tinitext or tinatawagan ko kung asan na ba si Zander. Para bang kahit ang lapit lapit namin sa isa't isa ay pakiramdam ko sobrang layo niya parin.

Ngayon nga andito kami sa office, may inaayos kasi kami sa about sa shipment ng material na gagamitin, nadelay yung delivery kaya namomroblema kami kung pano namin aayusin to. Habang umiisip kami ng paraan kasama si Sir at Leila ay biglang tumayo si Zander at nagpaalam na may tatawagan lang siya.

Ilang sandali lang ay bumalik rin siya at sinabi saming solved na daw ang problema. Nakausap niya raw kasi yung kaibigan niyang nagsusupply ng same material kaya daw nila magdeliver ngayon kaya naman wala na kami problema.

"That's good news, sabi ko na nga ba maaasahan talaga kita sa project na ito Zander. By the way sino ba yung kaibigan mo na napakiusapan mo para naman mapasalamatan ko din siya" sabi sa kanya ni Sir

"Ahh wala po yun sir, it's my job. Si Eunice po yung anak ng may-ari ng supplier ng napasukan kong company before" napatingin naman ako sa kanya nun.

"Ahh. Babae pala, iba talaga karisma nitong si Zander isang tawag lang payag kaagad haha. Maganda ba yun?" Tanong ni Sir, ako naman nag-aantay lang ng isasagot niya kay sir

"Hahaha. Oo sir maganda yun" tatawa tawang sagot ni Zander. Napayukom naman kamay ko sa narinig ko.

"Haha. Ayos ah. Girlfriend mo ba?" Tanong ulit ni sir

"Ha? Hindi po sir, we used to worked together before kaya naging friends ko po" paliwanag niya. Sus friends lang daw, KAINIS

"Mabuti naman, baka kasi magselos itong si Casey e" sabi naman ni sir, napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yun

"Ha? Sir, bakit naman po ako magseselos? Hindi naman po ako girlfriend niyang si Zander" sagot ko na lang

"So Ma'am Casey gusto mong maging girlfriend ni Sir Zander?" Sabi ni Leila

"NO!" napalakas na sabi ko at napatingin ako kay Zander kung ano naging reaction niya, pero para wala lang naman sa kanya

"Ay ang defensive. Nagtatanong lang naman ako Ma'am Casey hahaha" sabi ni Leila, si sir naman tatawa tawa lang

Habang nagtatawanan sila sir ay biglang nagring ang phone ni Zander at tumayo naman siya at nagpaalam na kelangan niya daw sagutin yung tawag

"Baka tumawag ang girlfriend haha" sabi ni sir na patuloy parin ang pagtawa

"Ayy nako sir, napapansin ko nga laging may tumatawag diyan kay Sir Zander e" sabi naman ni Leila

"Oh? May girlfriend ba yang si Zander ha Casey? Tutal naman naging magkatrabaho kayo dati baka may nasasabi siya sayong nagustuhan niya or niligawan niya?" Tanong ni sir

Meron Sir akong kilala na niligawan at nagustuhan niya, infact kilalang kilala ko nga e kasi AKO yun pero sinaktan ko lang siya. Gusto ko sana sabihin yan pero hindi ko magawa

"Wala naman sir, actually hindi naman po kami nakakapag-usap about personal things laging trabaho lang napapag-usapan namin" sagot ko na lang

"Ahh ganun ba" sabi naman ni sir. Bigla namang bumalik si Zander at kinausap si sir

"Sir, pwede po bang umalis na ako ngayon tutal nasolve na naman po yung problema natin, may kailangan lang po akong ayusin" sabi ni Zander

"Okay lang naman Zander, tatawagin na lang kita kapag kelangan ka dito, mukang importanteng importante lakad mo ah. Date ba yan?" Sabi naman ni sir, ngumiti lang naman sa kanya si Zander at nagpaalam na

"Mukang date nga haha" sabi ni Sir

"Sir balik na po ako sa table ko, tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo" sabi ko na lang para kasing nawala ako bigla sa mood e. Umoo naman si Sir kaya lumabas na lang ako

Kanina pa akong punit ng punit ng papel dito sa table ko hindi ko kasi magawa yung gusto kong design para sa bahay ng pinsan ko, ako kasi ang inutusan niyang magdesign ng bahay niya, gustong gusto niya raw kasi ang taste ko e. Kaso kanina pa ako naiirita kasi wala akong matapos matapos. NAIINIS AKO!!

"Babe, chill ka lang dyan kawawa na yung mga papel oh, may problema ka ba?" Tanong sakin ni Enzo, hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sakin

"Ha?" Tanong ko pabalik di ko kasi masyado naintindihan sinabi niya e

"Sabi ko kawawa yung papel at kung may problema ka?"

"Wala naman"

"E bakit parang iritang irita ka siyan Casey"

"Wala lang to"

"Hayy nako! Baka gutom lang yan kain na lang tayo, malapit na rin namang matapos duty natin e" sumama na lang ako sa kanya nagbaka sakaling mawala pa pagkainis ko kapag ikinain ko ito,

Sa kainan malapit sa condo ko kami kumain para madali na din ako makauwi at masarap rin kasi pagkain doon. Kwento lang siya ng kwento sakin about sa mga nangyayari sa office nung wala ako kasi nasa site nga ako nitong mga nakaraan. Miss na miss na raw niya ako. Puro ganyan lang sinasabi sa akin ni Enzo ako naman ay hindi masyadong nakikinig kasi wala talaga ako sa mood hanggang sa ihatid na niya ako sa condo ko at nagpaalam na siya. Nagpasalamat na lang ako sa treat niyang food sakin

Habang naglalakad ako papunta sa unit ko ay may nakita akong batang lalaki na lumabas sa pintuan nung katapat kong unit, parang mga nasa 3-4 years old palang yung batang lalaki. Nang makita niya ako ay mabilis siya tumakbo sakin at niyakap yung binti ko. Hindi naman ako makagalaw dahil sa bilis ng pangyayari

"Mama" sabi niya sakin na lalo kong kinagulat. Teka sino ba itong batang ito bakit niya ako tinatawag na Mama

Umupo naman ako para magkapantay kami ng bata.
"I'm not your Mama cute baby boy" sabi ko sa kanya

"Your my mama po, and my papa is there at the room, i make takas takas lang po here to look at you" sabi naman nung bata. Anak pala siya nung bago kong neighbor. Speaking of that neighbor never ko pa sya nakita ah. So pamilyado pala ang neighbor ko

Napako naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ng tumawag sa bata na nasa harapan ko

"Ethan, andyan kalang pala. I'm so worried looking for you" sabi niya sa bata, hindi niya siguro ako napapansin kasi takip ako nung bata

"Sorry papa, i'm looking for mama lang naman po e, and look I found her, you said hindi po siya makakapunta kasi busy siya" sabi nung bata. Napakunot naman ang noo ni Zander dahil sa sinabi ng bata

"Sorry Miss baka napagkamalan ka nitong si Ethan na mama niya, makulit kasi ito e" sabi naman ni Zander na nakaharap parin kay Ethan pero hindi niya parin ako nakikita. Tumayo naman ako at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata sa nakita niya. Kahit ako nagulat e dahil dito sa nagyayaring ito

"Casey?!" Gulat na sabi niya ng makita niya ako.

Romancing the STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon