Trece

84 4 1
                                    

Maaga akong pumasok ngayon, habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaking nakashades sa may lobby at pormang porma kala mo'y artista. Paglapit ko sa kanya ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Casey long time no see. I miss you" sabi niya

"Ikaw ba yan Ken?" Tanong ko

"The one and only" mayabang niyang pagkakasabi

"Grabe namiss kita. kelan kapa bumalik?"

"Kanina lang"

"Bakit di ka nagpasabi edi sana nasundo kita. By the way san ka ngayon tumitira?"

"Dyan lang sa isang hotel na malapit, ilang araw lang rin naman ako dito may aasikasuhin lang akong mga papel para sa negosyo namin"

"Taray big time na big time na ah. Treat mo naman ako! Paano mo nga pala nalaman na andito parin ako nagtatrabaho?"

"Hay nako Casey! For gods sake sino ba namang hindi makakaalam kung san ka nagtatrabaho e alam na ata ng lahat na hindi mo maiwan iwan itong company dahil dun sa ex-suitor mo. Ano na bumalik na ba yung nerd na yun? It's been years narin ha"

"Grabe di ko naman siya inaantay kaya ako andito sa company. Ganda lang talaga ng offer nila sakin at oo andito na siya pero iba na siya e"

"Paanong iba? In what way? Nagtransform na ba? From nerd to adonis na ba?" Tumango naman ako sa kanya

"Oem girl kelangan ko siyang makita asan yan baka kami talaga ang para sa isa't isa"

"Hoy Ken ha, yang kabaklaan mo na naman pinapairal mo. Taken na yun oy"

"Oh?? Bakit may asawa nga naaagaw pa e yun pa bang girlfriend lang. Easy like a chicken girl"

"Hoy tigilan mo nga si Zander akin na yun"

"Akin? Kayo na ba?"

"Hindi pero dun din kami pupunta"

"Hindi pala kung makataken ka Casey ha. Arte arte mo kasi dati e gusto rin naman pala ayan tuloy nagbago na si nerd baka maagaw pa siya ng iba sayo"

"Never no! Ako padin mahal nun nararamdaman ko"

"Wow lakas tiwala sa sarili ha! Paano mo naman nasabi na mahal ka pa nung tao Aber!"

"Basta alam ko, nararamdaman ko"

"Ayy feeler si ate. So ano na paano mo siya mapapaamin na mahal kapa niya?"

"Ewan ko pa. Siguro ako manliligaw?"

"Ay nako girl luma na yan. Tsaka ang tagal pa niyan bago mo mapasagot! Lasingin na lang natin or pabuntis kana lang sa kanya para sure ball na kayo na talaga"

"Ay grabe ka! Ayoko pa mabuntis no!"

"Ang arte, choosy pa dun e sabi mo nga adonis na ngayon"

"Kahit pa, gusto ko kapag kasal na kami saka lang namin gagawin yun"

"Ang pabebe mo girl. I have an idea girl why don't make him jealous. I'll help you aarte akong boyfriend mo kahit kadiri girl malay mo umeffect diba!"

Romancing the STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon