Cinco

79 4 0
                                    

"Casey?!" Gulat na sabi ni Zander ng makita niya ako sa likod ni Ethan

"Ahhmmmp sorry nakasulubong ko kasi itong si Ethan dito sa labas e tapos niyakap ako bigla kala ko kasi nawawala siya kaya tutulungan ko sana, ikaw pala papa niya" shit ang sakit. May anak na siya? Ibig sabihin may asawa na si Zander. Huli na ako

Diretso lang naman ang tingin sakin ni Zander na para bang nagtataka siya sa sinabi. E diba totoo naman na papa siya nitong cute na batang ito, medyo kamuka nga niya e. Tapos tinawag pa siyang papa

"Mama, let's go to papa's room na po, he is cooking for our dinner na, I'm hungry na po" yaya sakin ni Ethan, hinihigit na nga niya ako nakahawak kasi siya sa kamay ko. Ako naman itong hindi alam ang gagawin ko kung sasama ba ako o hindi. Kakahiya kasi baka andun ang asawa ni Zander baka kung ano pang mangyari. E ang kulit naman nitong si Ethan tuloy lang siya ng paghila sakin hanggang makapasok kami sa loob ng unit ni Zander. Si zander naman nakasunod lang samin.

"Mama, seat kana po diyan. I will help papa prepare the food lang po" sabi naman ulit ni Ethan at hinila naman nito si Zander papuntang kitchen. Tinitingnan ko lang naman sila sa ginagawa nila. Ang cute nila tingnan parang mini version ni Zander si Ethan e

Teka ano ba itong iniisip ko. Kelangan ko ng makaalis dito nakakahiya naman kay Zander at sa asawa niya. Itong kasing si Ethan e. Tatayo na sana ako para magpaalam ng makita ako ni Ethan

"Mama where are you going po?" Tanong niya sakin

"Ah e-" di ko alam sasabihin kong alibi dito kay Ethan, ano ba kelangan kong gawin. Habang nag-iisip ako ng iaalibi ko ay nagsalita naman si Zander sa likod niya

"Casey maupo kana diyan, kumain kana dito. Sayang naman itong prinepare ni Ethan for you" sabi niya

"E kasi-"

"No buts Casey umupo ka dyan" pautos na sabi ni Zander kaya naman napaupo ako. Si Ethan naman ayun tatawa tawa at tuwang tuwa dahil di na ako aalis

Habang kumakain kami ay patuloy akong kinukulit ni Ethan. Bakit daw ang tagal ko hindi nadalaw dito. Kung pwede daw ba siyang mamasyal kasama ako. At kung ano ano pa. Ako naman hirap na hirap sa pagsagot sa mga tanong niya. Ni hindi man lang ako tinutulungan nitong si Zander sa pag-iinterogate sakin ng anak niya

"Mama, can i sleep with your house now?" Sabi ni Ethan sakin. Napatingin naman ako kay Zander para sabihinh tulungan mo ako dito

"No baby, mama is busy right now with her work" sabi ni Zander. At talagang Pinanindigan niya ang pagtawag saking Mama ng anak niya

"But i will not going to bother mama naman papa, i will just sleep with her. Please papa" pagmamakaawa niya sa Papa niya with pacute pacute pang nalalaman.

"No Ethan, we'll just visit your mama some other time. She is too busy right now" sabi ni Zander. Napalungkot naman ang muka ni Ethan dahil sa sinabi ni Zander. Hala mukang iiyak pa ata ito

Humarap ako kay Zander para sabihing okay lang naman, kunin na niya lang sa unit ko si Ethan kapag tulog na kawawa naman kasi yung bata.

Ayaw pa sana pumayag ni Zander pero napilit ko rin naman. Kakaawa kasi talaga si Ethan e. Pero ano ba itong ginagawa ko. Baka isipin ng asawa ni Zander inaagaw ko ang anak nila. Hala baka maeskandalo pa ako. Pero yaan na nga andito na e, ngayon lang naman. Tsaka pumayag naman si Zander.

"Yey mama, i will sleep to your bed po. Yehey!!" Masayang sabi ni Ethan ng pumayag na si Zander.

Ng matapos kaming kumain ay nagprisinta na ako na ako na magliligpit ng kinainan namin kakahiya naman kasi nakikain na nga ako hindi pa ako magliligpit. Ayaw pa sana pumayag ni Zander pero as always talo siya sa kakulitan ko. Parang katulad nung dati lang.

Habang nagliligpit ako ng kinainan namin ay sinamahan naman ni Zander si Ethan sa salas para manuod ng tv. Nakangiti lang naman ako sa kanila kapag tinitingnan ko sila. Para kaming isang pamilya. Ay ano ba yan umayos ka Casey may asawa ng tao si Zander. Ayoko namang maging mistress no! Kahit mahal ko pa yang si Zander never ako magiging mistress.

Kaiisip ko hindi ko namalayan na andito na pala si Zander sa tabi ko.

"Hoy! Tulala ka dyan" sabi nya sakin

"Ay sorry, may iniisip lang ako. Oh bakit andito ka, asan si Ethan? samahan mo na dun yung anak mo, kaya ko na naman ito"

"Siguro ka?"

"Oo ano kaba naman para paghuhugas lang naman ng pinggan ito kayang kaya ko to."

"Sige. Sorry ulit sa abala ni Ethan sayo"

"Ano kaba wala yun ang cute nga nya e. Nakakatuwa siya nakakawala ng stress. Kunin mo na lang siya sakin mamaya magkatapat lang naman tayo ng unit e"

"Ahh ikaw ba yung katapat ko ng unit?"

"Oo nagulat nga ako e, ikaw pala yung bagong lipat rito. Basta tatawagin na lang kita kapag tulog na si Ethan at pwede mo na siya kunin"

"Sige Casey. Papalitan ko muna ng damit si Ethan bago pumunta sa unit mo"

"Sige"

Nang matapos akong maglinis ng pinagkainan naman ay sakto namang kalalabas lang ng kwarto yung mag-ama at nakabihis na rin si Ethan ng pajama niya. Lalo siyang naging cute sa suot niyang pajama na stitch ang style.

"Mama I'm ready na po. Tara na po sa room mo" yaya nya sakin.

"Sige baby, wait lang." Sabi ko sa kanya

Ng makapasok kami sa unit ko at nagpaalam na si Zander na kukunin na lang daw niya mamaya si Ethan kapag tulog na ito. Pagkaalis na pagkaalis palang ni Zander ay ang kulit na nitong sj Ethan takbo doon takbo dito. Panay saway na ako sa kanya, papawisan pa kasi e nakapajama na siya.

Ng mapagod siya kakatakbo at kakatalon ay nilagyan ko siya ng towel sa likod para hindi sya matuyuan ng pawis sa katawan. Pinainom ko na rin siya ng isang baso ng gatas na nasa ref ko para mahimbing ang maging tulog niya. Nakahiga lang siya lap ko habang nanunuod kami ng tv ng napansin kong tulog na pala siya kaya tumahimik na siya. Ang dami niya kasing tanong sakin.

Tinawagan ko naman yung receptionist sa baba para iconnect ako sa room ni Zander para maiuwi na niya si Ethan para makatulog na ito ng maayos sa kama.

Ilang sandali lang ay dumating na si Zander at pinagbuksan ko ng pinto. Binuhat niya si Ethan at nagpaalam na sakin.

"Salamat ulit Casey sa pag-aalaga dito kay Ethan pasensya na kung makulit ito" sabi niya

"Ano kaba wala lang naman yun Zander, mahilig naman talaga ako sa bata tsaka ang cute niyang anak mo e ang daldal pa"

Napaalam na sila sakin pero bago nila isara ang pinto ay nagsalita ulit si Zander.

"Oo nga pala Casey, hindi ko anak itong si Ethan, anak siya ng kapatid ko kaya technically speaking pamangkin ko ito. Kanina mo pa kasing sinasabing anak ko siya e and one more thing wala pa akong asawa. Sige na goodnight Casey. See you tomorrow sa office" sabi niya at pumasok na sa loob ng unit nila

Ako naman dali daling bumalik ng unit ko at tumakbo papunta sa kwarto ko at umirit sa unan. Argggghh ang ewan mo Casey!!! Hindi niya pala anak yun nagconclude ka kaagad!!! Ibig sabihin may pag-asa pa ako!!! Go fight Casey!! Medyo bumabalik na siya dati accomplishment na ang tawagin niya ulit akong Casey.

Romancing the STONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon