Florrence
Three days was a blur to me.
Nakausap ko si Dianne nung isang araw. Nalaman ko mula sa kanya na naging laman na pala ng pangitain niya ang pagbubuntis ko. Ayaw lang niya akong sabihan tungkol doon para may element of surprise pa rin daw. Lokang babae!
Sinabihan ko siya tungkol sa ginawa kong paglilihim kay Tyrone sa pagdadalang-tao ko. Sang-ayon naman siya sa plano kong huwag muna ipaalam kay Tyrone dahil baka makaapekto iyon sa nangyayaring digmaan sa Uganda.
"Luna, may gusto ba kayong kainin?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Marie na nakangiti sa akin. Sinuklian ko rin ang ngiti niya at umiling.
"Gatas na lang siguro, Marie." Sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa malayo. Wala talaga akong ganang kumain. Namimiss ko pa si Tyrone. Nakakaasar talaga!
"Luna, kailangan n'yo pong kumain kahit konti." May pag-aalalang sambit ni Marie sa akin. "Saglit lang po." Paalam niya sa akin at saglit na nawala. Paglitaw niya ay may hawak na siyang baso ng gatas.
Mas lalo akong naasar. Wolves and their speed, nakakaasar!
Nakarinig ako ng mga yakap patungo sa gawi namin ni Marie.
"Victor." Sambit ko sa pangalan ng lalake at nilingon ang bukana ng veranda sa silid ni Tyrone.
Pamaya-maya ay lumitaw nga ang bulto ni Victor sa gilid ni Marie.
"Nasa puno pa lang ako ng hagdanan nung marinig ko ang tawag mo, Luna. Nalaman mo na agad na ako?" Nakataas-kilay na tanong niya sa akin.
"I don't...I don't know. Naamoy lang kita." Sagot ko kay Victor.
"Naamoy?" Ulit niya sa aking sinabi na ikinatango ko naman.
"Oo. Narinig ko rin ang mga yapak mo patungo rito." Sabi ko at tumingin ulit sa malayo.
"You're acting like a wolf." Mahina ang boses na komento ni Marie sa amin.
"Your senses are heightened, I guess it's the baby that's sensing everything. Narerelay lamang sa iyo." Ani Victor at tiningnan ang tiyan kong wala pa namang umbok.
"Maybe." Sabi ko at kinuha ang baso ng gatas mula kay Marie.
Napasigaw kaming dalawa ng babae nang mabasag ang baso na hawak ko. Natapon ang gatas sa sahig. Nahulog din ang nagpira-pirasong bubog sa sahig. Nagkatinginan kaming tatlo.
"What just happened?" Kinakabahan kong tanong sa kanilang dalawa.
"Marie, kumuha ka ulit ng baso. Gawin mo ng dalawa." Utos ni Victor sa babae. "Don't panic, Luna. Buntis ka sa anak ni Alpha Tyrone. It's normal not to be normal." Aniya at ininspeksyon ang kamay ko kung nagkapinsala ba.
Nang makontento na siya nang walang nakita ni kaunting galos ay binitawan niya na rin ang kamay ko.
Dumating muli si Marie dala ang dalawang baso. Tinititigan ko pa lang ang mga iyon ay kinakabahan na akong baka mabasag ko na naman kapag hinawakan ko.
Kinuha ni Victor ang isang baso mula kay Marie at akmang ibibigay sa akin.
"Ayoko." Mariin kong tanggi sa gustong mangyari ni Victor.
"Try it, Luna." Pangungumbinse niya. "There's nothing to be afraid of."
"Baka mabasag ko-"
"Marami pang baso sa baba, Luna. Hindi kawalan ang mga baso na ito kung sakali." Ani Marie na nakangiti habang naghihintay din na kunin ko ang baso mula sa kamay ni Victor.
Sumighap ako ng hangin saka marahas na napabuga. "Okay."
I act normally. Parang kukunin lang ang baso, ang dami pang arte.
BINABASA MO ANG
Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)
Werewolf"We're all in the same game; Just different levels. We're dealing with the same hell; just different devils." - anonymous The quote reflects the main theme of Dark. I don't know who owns that quote but credits to him though. It's not mine.