Ch. 7

11.4K 349 40
                                    

Florrence

"Did you just . . . what?" Paroo't parito ang ginawang paglalakad ni Dianne sa loob ng aming silid. Nakarating na kami sa Nealandra may isang oras na ang nakakalipas at heto nga kami ngayon sa silid niya at nag-aayos ng aming mga gamit.

"I walked out. I mean . . . he gave me the chance to make up my mind." Sagot ko kay Dianne habang nag-aayos ng aking gamit sa bakanteng tokador.

"That was noble of him." Komento niya at napailing-iling pa.

"Of course, Dianne. He just can't drag me into something I know nothing about. I came here to relax, to ease my mind. I never expected these things to happen." Sabi ko sa kanya bago inabot ang cellphone sa gilid ng kama.

"You're aware that he's not giving  up on you that easily, right?" Tanong ni Dianne sa akin bago lumundag sa gitna ng kama. "Because my senses are really telling me he is not."

Napangiti ako sa gawi ni Dianne bago sumagot. "He's not. At least that's something I'm sure of."

"Magsabi ka nga, Florrence. May gusto ka na ba kay Tyrone?" Dumapa sa harapan ko si Dianne. Ang dalawang palad ay nakapatong sa baba niya at hinihintay ang kasagutan ko.

"How will I say this? I . . . there's this feeling, like some invisible string that's connecting us." Panimula ko sa aking sinasabi.

"The bond. Mated wolves experienced that kind of connection." She said stressing the word out.

"I can tell that too. Kanina bigla na lang akong kinabahan, hindi ko maintindihan kung bakit. Tapos—"

"Any foreign feelings that you're experiencing are not yours Florrence, it's Tyrone. Baka nag-aalala iyon sa iyo ngayon." Sabi niya sa akin saka ngumiti. "You can feel his emotions, same as he can feel yours too. He will know if you're in danger, you will know if he's sad or if he's happy. Vice versa kind of thing." Paliwanag sa akin ni Dianne.

"That's strange . . . and wonderful."

"Okay. What else? May iba ka pa bang nararamdaman?" Tanong niya sa akin.

"Hmmm. . . okay, there's this one time when our shoulders brushed—"

"And goes that electric feels. Trust me, I heard a lot of stories about those silly tingles." Nakangiting pahayag ni Dianne sa akin.

"And. . . the way he looked at me. The way he treated me like I'm a delicate thing . . . I don't know. I can't start explaining things to you, Dianne. Hindi ko maipaliwanag ang kakatwang naramdaman ko nang magkita kami. It's like I knew him before. . . and I always feel that intense want to be near him. Always."

"You are attracted to him!" Impit na tili ni Dianne sa harapan ko.

"W-what? Of course . . . not! I mean, I met him today. Hindi naman yata ganoon kadali iyon. Baka nabigla lang siya. At saka ako rin." Sabi ko sa kanya, pero parang mas sa sarili ko iyon pinapatama.

"He loves you. He'll do crazy things just for you, Florrence. Werewolves are loyal, they stick to their mates forever. Kahit na namatay ang kabiyak nila ay hindi sila maghahanap ng kapalit. You're lucky to have Tyrone." Nakangiting wika ni Dianne.

"I don't want to become a nuisance in his life, Dianne. Baka makagulo lang ako sa maayos niyang buhay. I am different from him, maraming bagay ang mamamagitan sa aming dalawa." Nababahala kong wika sa kanya.

"Trust me, Flor. If there's one thing in this world Tyrone will die to protect, I know that it will be you." Namula ako sa sinabi ni Dianne. "You became the reason of his existence the moment he saw you. You will kill him if you walk away. . . run away from him. Literally."

Totoo bang ganoon talaga ang mga taong lobo? Will Tyrone go that far for me? "Oh, and actually lover boy is calling right now, I bet you two need a little space." Si Dianne na mismo ang nagpaalis sa kanyang sarili. Kumaway muna siya bago lumabas ng silid at iniwanan ako roon na hindi malaman ang gagawin.

Missed call from Tyrone.

Tatawagan ko na sana siya nang magring ulit ang cellphone ko. Sinagot ko ang kanyang tawag at agad na sumalubong sa akin ang nag-aalalang boses niya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ang tagal mong sumagot sa tawag ko? Nasa Nealandr—"

"I am fine, Tyrone. I am . . . fine." Putol ko sa sinabi niya. Narinig ko siyang napabuntong hininga mula sa kabilang linya.

"I phoned Derek awhile ago. There are some rogues hunting near Nealandra's border." Wika ni Tyrone.

"Do I need to start worrying now?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"No." Sagot agad ni Tyrone. "I will send some of my fighter wolves to Nealandra. They will safeguard you from any form of attack."

"Okay." Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Tyrone.

There's nothing to talk to. I know that I should put the phone down . . . but I can't. I can hear his heavy breathing clearly, same as him hearing my every breath.

"Tyrone."

"I love you."

Magkapanabay naming wika. Naipikit ko ang aking mga mata nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya.

"Don't you think we are going a bit too fast?" Tanong ko sa kanya.

"Do you know how much it kills me knowing you're here in Avinia but I can't be with you?" Balik tanong niya sa akin.

"I'm new at this." Bulalas ko sa cellphone.

"Me too."

Dead end. Naipikit ko ang aking mga mata at napahiga sa malaking kama. How can we possibly work on this something if we don't know where to start?

"What will you normally do if your mate is a werewolf, just like you?" Tanong ko sa kanya.

"She will know the feeling of finding her mate . . . so we will have no issue on that." Sagot ni Tyrone sa akin.

"But I'm no werewolf, Tyrone." Malungkot na wika ko sa kanya.

Stupid human self.

"And I don't care." Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Nagpiyesta ba ang langit at ibinigay siya sa akin ng Panginoon bilang gantimpala? "Kahit mangkukulam ka pa o mortal, tanggap kita Flor." Dagdag na wika ni Tyrone.

"If I'll allow you . . . let's say I give you a chance. What will you do?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko malaman kung bakit parang tinatambol ang dibdib ko sa matinding kaba.

"For starters, maybe I will drive myself to the nearest airport. Fly down to Nealandra and get what is mine." I closed my eyes as I hear his voice full of promises. "You belong to me, Florrence."

"Alam mo bang kararating lang namin sa Nealandra?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang hinihilot ang aking sentido.

"Hmmm. . ."

"At hindi pa ako nakakapagpahinga." Natatawa na ako sa daloy ng usapan naming dalawa.

"It's fine. Matulog ka muna tap—"

"Pero gusto na kitang makita. Normal lang ba iyon?" Putol ko sa sinasabi niya. "Was it flirty? or gross?" Bumangon ako bigla sa pagkakahinga at natampal ang aking noo. Narinig ko ang malutong na tawa ni Tyrone mula sa kabilang linya.

"That was . . . delightful to here. Try to get some sleep, hihiramin kita mula kay Dianne. I won't take no for an answer this time, Flor. No Dianne or Derek can stop me." Sabi niya.

"I know." Alam ko.

Alam na alam ko iyon, Tyrone.

END

A/N: Sheyms! Gusto ko sana ng maaksyon na update pero bakit naglalandian lang sila sa isipan ko? Ay geeed! Sa susunod na chapter baka maglandian na naman sila. Juskeleeeerd!

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon