Daniel's POV
*yawn*
Hay ang ganda ng gising ko. malaking photo frame ba naman ni kath ang bumungad sakin at tama kayo sa narinig niyo . bawat sulok ng kwarto ko ay puro mukha ni kath ang makikita mo. sobrang private lang talaga ng kwarto ko at ako lang ang nakakapasok dito pwera nalang kung ikaw si Mama.
"Hoy daniel gising na! bwiset nakatitig ka na naman sa picture ni kath!" aga aga napaka ingay talaga neto ni mama.
"Oo na ma ! babangon naman ako e." padabog akong pumasok ng banyo at naligo.
*LIGO*
*BIHIS*
*AYOS*
Pogi ko talaga . kahit di na ko mag ayos sobrang pogi ko parin o diba pati sarili ko pinupuri ko ganyan talaga pag pogi. *wink*
lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.
at minamalas ka nga naman =_=
"Hoy Diego anong ginagawa mo dito??" nakita ko kasi siyang nakaupo sa upuan ko at lamon pa ng lamon.
"ay bro andyan ka na pala. kain ka?" umupo ako sa tapat niya at nagsandok ng kanin
"Papasok ka ba?" yan ang unang tanong niya saken.
"Siyempre baka mamaya sugurin ako ni Mama." napahalakhak naman kami dun
"HOY MGA ASUNGOT! AKO NA NAMAN PINAG UUSAPAN NIYO!" boses ni mama galing sa salas.
"Hayaan mo na yang si mama bro, naka shabu yan eh." nag apir pa kami at tinapos ko na ang kinain ko.
"ay bro bago ko pa makalimutan eto nga pala yung ticket mo para sa mallshow mamaya" inabot niya sakin yung ticket ko para mamaya at magcucutting ako para lang kay kath.
"sasama ka?" umiling siya.
"Nako bro ,natauhan na ako dun sa magazine signing niya kasi nalate tayo tapos kelangan ng itigil yung signing kase may emergency daw."
"Ay o nga pala pero iba na ngayon brad! sama ka na please alam kong may ticket ka." huminga nalang siya ng malalim.
"Basta dota tayo pagkatapos, tapos libre mo?" tumango lang ako at sumakay na ng kotse ko. oo may kotse ako. DODGE CHALLENGER yan mga bregs. mayaman kasi kami pero di ko lang pinagmamayabang maangas ako at medyo badboy pero hindi ako mayabang pagdating sa yaman. Camarro naman yung kay diego pero blue ang color. tama na ang satsat at ng makaalis na baka malate pa ako sa klase patay ako kay Maam.
*Adamson University*
Pinark ko na yung sasakyan ko sa may bandang likod ng university para mas madali akong makatakas mamaya. higpit kasi ng security dito lalo na pag may nagcucutting.
lumabas na ako ng kotse at dali daling pumasok ng university before the bell.
"ang gwapo talaga ni Daniel no?"
"Oo nga pero womanhater yan e."
"Ayaw sa babae."
"Tama ka diyan pero ang pogi niyaa!!"
"KYAAAAAH!!"
nagulat naman ako kasi sumigaw yung babae. mukhang unggoy naman -_-
pumasok na ako ng classroom at umidlip nalang. di naman ako pinansin nung guro kasi Lolo ko yung may ari neto. Adamson Padilla ang pangalan niya haha sosyal diba?