Daniel's POV
Rise and Shine!! :))))
ang ganda nga naman talaga ng umaga ko oo. pano ba naman kasi, ngayon ang araw kung saan magmemeet lahat ng kasali sa concert except sa mga guests baka daw madistorbo sila next time nalang daw buti nalang haha para ma-solo ko si kath. alam ko namang special guest si enrique doon sa concert eh. tss, epal sa amin ni kathryn.
ako ay kasalukuyang nag jo-jogging sa central park ngayon. daily routine i guess? de loko lang ngayon lang ulit ako nakapag jogging hahaha! mamaya pa naman ang meet-up eh so may oras pa ako para magpapogi. time-check 6:30 am. kanina pa ako takbo ng takbo dito. might as well magpahinga na muna baka wala na akong lakas mamaya.
"ugh, kapagod." pinunasan ko yung pawis ko at sinabit yung towel ko sa balikat. tumingala ako. sobrang goodvibes ako ngayon at wala ng makakasira ng mood or araw ko hehe.
-ring- -ring- -ring-
(Danna Chiu Calling)
ano nanaman ba ang kailangan neto? tss.
sinagot ko yung tawag.
"what?!"
[ ang init naman ng ulo mo john. teka nga lang okay? may sasabihin lang ako sayo. ]
"what is it?"
[ pwede ba tayong magkita? ]
"Busy ako." papatayin ko na sana yung tawag ng--
[ wait, john! please don't be rude kahit ngayon lang. ]
" what do you need? alam mo namang tapos na tayo diba? wala ng tayo okay? ayoko na sayo. ba't mo ba ako ginugulo? tss. mga babae nga naman hindi makaint--" narinig kong sumisinghot siya. oh shoot, below the belt na ata yung mga nasabi ko sa kanya.
"D-danna look, i'm so--"
[ fine. ikaw lang naman ang makakapitan ko eh. kung sa tingin mo gusto pa kita well guess what? matagal ng hindi. alam kong hinahabol habol kita noon dahil mahal pa kita pero hindi na ngayon. ganyan na ba talaga kalaki ang ulo mo ngayon john? i just need your fucking help pero hindi mo man lang ako pinagsalita. salamat nalang sa TULONG mo ha? ]
*toot* *toot* *toot*
"tss." akala ko wala ng makakasira pero tangina naman. bahala siya sa buhay niya. tumayo na ako at naglakad pabalik ng bahay.
"oh bro, bad mood ka ata? hahaha." inirapan ko lang si neil. akala ko mamaya pa dadating yun? tss. makikikain lang ata eh. patay gutom talaga tong mokong na to.
"wala kang pake. mamaya pa alis natin ah? aga mo naman ata dito." Inakbayan niya ako.
"Makikikain siyempre. aba, dapat pinapakain mo nga ako dahil sinasamahan kita sa mga lakad mo." napa-tss nalang ako. wala talaga ako sa mood eh.
"Tita Karla, si daniel may PMS!" binatukan ko agad si neil.
"Gago, gusto mong bugbugin kita? tss." tumawa lang siya.
"Ikain mo nalang yan pre." umupo na ako at nagsandok ng kanin. tama, gutom lang to. danna kasi eh. panira ng mood.
|| Fast-Forward ||
"Ma, alis na ako." hinalikan ko si mama sa pisngi at sumakay na ng kotse ko. naki babye na din si neil at sumakay na din. sinuot ko yung shades ko at pinaharurot na yung sasakyan.
"Ayan na pala si Pogi!" bati sakin nung guard. pogi ko talaga baka mabakla tong guard na to nako di kami talo kay kathryn lang ako haha.
"Magandang Tanghali ho, manong guard." ngumiti ako at pumasok ng abs building. dito daw gaganapin yung meet-up eh.
"Sir Pogi, dito po tayo." pinapasok ako nung isang babae sa isang meeting room. i guess dito gaganapin yung meet-up? hehe. umupo na ako dun sa pinaka dulo malapit sa isang malaking swivel chair. pahaba kasi tong mesa eh tapos madaming upuan na magkakatapat basta yung nakikita niyo sa palabas yung pag may nag me-meeting ganun ang itsura nun. tapos may projector sa harapan. while waiting, naglaro muna ako ng flappy bird.
"Pucha naman oh! ba't 26 lang?!" Naiinis na ko sa larong to. puro 26 score ko wala man lang planong tumaas.
"ehem." napalingon ako at amputa madami na palang mga staff nakatingin sakin. napalakas ata boses ko. daniel naman, nakakahiya ka. ngumiti nalang ko ng pilit.
"Mr.Padilla, right?" tumango ako at nakipag-shake hands sa mga tao dito. teka lang, ba't wala ata si kathryn dito? i can't smell her hahaha tangina parang aso lang pero who cares? angal ka? gugulpihin ko aangal.
"Mukhang may hinahanap ka ata?" ngumiti ng nakakaloko yung isang babaeng nasa mid 20's ata mukhang bata pa to eh compared sa mga gurang na nasa paligid ko hehe. tama na panlalait baka di ako tanggapin ng tuluyan patay na.
"Ah, wala naman."
"hahaha! okay, sabi mo eh. by the way, i'm ellie" inabot niya yung kamay niya sakin at tinanggap ko naman. susubukan kong hindi maging rude sa ngayon.
"So, daniel. how old are you?" tanong sakin ni ate ellie.
"19." napangiti naman siya. seriously, she's weird. what's wrong with her?
"Ah, alam mo bagay kayo ni Kath." nagpintig naman mga tenga ko nung narinig ko yun. napangiti ako sa sinabi niya.
"See? ang dali mo lang pala basahin.you like her don't you?" she smirked.
"D-di ah. di mo pa ako kilala, why are you acting like kilala mo ako like we're friends? " nawala naman yung smirk niya at umupo.
"You're Rude."
"Ayoko lang ng ginaganun ako." ngumiti lang siya.
Patay ka, Daniel. ba't di mo mapigilan bibig mo? yan tuloy. tss first impression lasts diba?